Chapter 276 _ Paghahanap

36 6 1
                                    


Ng makarating sa London ay museyo agad ni Miguel ang tinuntun nina Enjeru at Erena. Hindi na sila nagulat ng may notice na magsasara na ang gusali.

Sinadya nilang dumaan doon para makakuha ng impormasyon pero mukhang wala rin naman silang makikita doon.

"Sarado." Bulalas ni Erena. Nakapayong na ito dahil tirik ang araw sa oras na yun.

Tinitigan lang ni Enjeru ang gusali lalong-lalo na ang notice.

"Anong gagawin natin?" tanong nito.

"Wala rin naman tayong makukuha dito. Hintayin na lang natin na tumawag si Lolo na nandito na sila sa Inglatera. In the meantime, may kailangan tayong puntahan." Aniya sabay talikod.

"Sino?" napasunod naman si Erena sa kaniya.

"Ang mas nakakakilala kay Miguel."

Noon din ay agad nilang tinuntun ang nagpaparenta ng kotse at umarkila. Sinimulan ni Enjeru ang pagmaneho papunta sa paaralan ni Gera. Ilang oras ang byahe nila pero wala siyang pakialam.

Tamang-tama rin ang oras na yun para makabalik ang lolo nila sa bansa.

"Pupunta tayo sa paaralan ni Gera?" tanong ni Erena sa kaniya.

Tumango lang siya. "Kung ayaw ni Miguel na makialam ang anak niya, malamang na nag-aaral ang babaeng yun. Kung wala man siya doon, deretso tayo sa Vermillion Academy."

Hindi na ito nagtanong pa.

"Hindi ka ba nanghihina sa init?" sinulyapan niya ito sa tabi.

"Hindi naman."

"Talagang hindi ka pwedeng maghina dahil ikaw ang hahanap sa Anna na yun sa paaralan nila. Hindi ko naman kilala yun."

"Kaya kong gawin yun, kaya lang nagugutom ako."

Tiningnan niya ang bampirang pinsan. Kagat-kagat nito ang kuko sa daliri habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

Para bang inaabangan na may madaanan silang hayop.

"Tiisin mo na muna ang gutom mo. Hindi ka pwedeng basta na lang kumagat ng hayop. Kapag may nadaanan tayong ospital, bibili tayo doon ng dugo."

Tumango lang ito.

"O baka gusto mong kumagat muna sa akin."

Gulat na napantingin ito sa kaniya. Bahagyang pinanlakihan ng mga mata. "Seryoso?"

"Hindi ka pa nakakagat?"

"Ng hayop at bampira lang. Hindi pa ang tao."

"Anong ng bampira?" kunot-noong nilingon niya ang babae. Pabaling-baling ang atensyon niya dito at sa daan. Hindi nakawala sa paningin niya ang pamumula nito na agad nag-iwas ng paningin.

Napanganga lang siya sa pagkamangha.

"Nagkakagatan kayo ni Vam?"

"Hindi ah!" ang taas ng tono nito. "Si Vam pa ang kakagat sa akin, baka mamatay pa ako ikalawang beses eh."

"Pero nagpapakagat siya sayo?"

Hindi ito sumagot.

"Saang level na kayo ni Vam?"

"Enjeru naman eh!" lalo itong pinamulahan.

Salubong lang ang kilay niya habang sinusulyapan ito paminsan-minsan. Hindi niya alam kung saang level na ang mga ito. Hindi siguro tulad ng sa mga tao ang level ten ng mga bampira pero sigurado siyang pang-level ten ang pagkagat sa partner ng mga ito kahit pa walang involve na intercourse. Intimate na rin namang maituturing yun.

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon