Chapter 292 _ Sa loob ng Dome

22 3 0
                                    


"Kalmado." Sambit ni Haldo sa dalawang babae dahil dinig na dinig niya ang malakas na tibok ng puso ng dalawang babae habang palapit sila sa gate.

"Sinusubukan ko." Sagot ni Erena.

Hindi naman sumagot si Enjeru. Kahit tahimik ito ay nararamdaman niyang kinakabahan ito. Umaasa siyang hindi ito pumalpak at lumitaw ang pagiging batugan nito.

Sana lang hindi mawala sa kontrol si Erena. Baka kung ano ang gawin nito oras na may makitang hindi maganda.

Huminto ang sasakyan sa gate. Isang armadong tauhan ang lumapit sa driver's seat. Kaagad namang binuksan ng driver ang bintana.

Walang sinabi ang lalaki. Sinilip lang nito ang looban ng limo na dala nila. Walang sabi-sabi na suminyas ito at saka bumukas ang gate. Saka ito suminyas sa driver.

Walang imik na nagmaneho na lang ang driver papasok habang sila ay nagtataka pa rin sa naging reaksyon ng armadong lalaki. Inaasahan na nilang makakapasok sila pero hindi nila inaasahan ang ganong reaksyon.

"Ang dali lang non ah." Nasambit ni Erena.

Nakapasok na sila sa gate pero hindi naman nila inaasahan ang sumalubong pagpasok nila.

Ng sumara ang gate ay saka naman sila pinalibutan ng mga armadong lalaki sabay tutok ng baril.

"Akito, wala ito sa sinabi mong welcome visit." Bulong ni Haldo sa hangin. Umaasang nakikinig ang mga ito. "Akito? Eugene?" kaya lang ay walang sagot mula sa mga ito.

"Who knows, advance nga talaga ang technology nila." Sambit lang ni Enjeru.

Mukhang hindi madidinig ng dalawa ang usapan nila pero siguradong nakikita naman nila ang nangyayari gamit ang hidden camera.

Isang lalaki ang dumaan sa pagitan ng mga armadong lalaki. Nakatutok pa rin ng baril ang mga ito sa kanila. Naiiba ang kasuutan nito kesa sa mga naroroon. Nakasuot din ito ng maskara kaya hindi nila ito makilala.

"Sino kayo at ano ang sadya niyo dito?" tanong nito sa makapangyarihang boses.

Nagkatinginan lang ang tatlo. Pare-pareho silang may mga seryosong mukha bago tumango. May plano nga silang gagawin pero kapag may nangyari na wala sa plano nila, kailangan nilang mag-improvise.

Binuksan ni Erena ang pinto at naunang lumabas. Bahagya pang napaatras ang ilan sa mga tauhan ng makita ito. Saka naman pumwesto si Erena sa tabi at inilahad ang palad.

Tinanggap yun ni Enjeru at buong pag-arte na lumabas siya. Inayos pa niya ang buhok saka tumingin sa paligid. With poise ang tayo. Elegante ang lahat ng kilos at galaw. Pinaghandaan na nila yun at kailangan nila ng maayos na performance.

"Anong nangyayari dito?" tila tinatamad pang tanong ni Enjeru sa mga tauhan doon. Walang takot, at walang pangamba sa boses.

"Sorry sa abala Madam—"

"Madam?!" inis na putol ni Enjeru sa sinasabi ng lalaki. "Mukha ba akong gurang sa paningin mo? Nasaan ang boss niyo?" galit na asik niya dito.

Pinigil ni Erena ang matawa dahil totoo ang galit na yun. Sensitive sa edad si Enjeru.

"Paumanhin, Miss. Pero kailangan mo munang magpakita ng idetification bago ka tuluyang makapasok dito."

"Ikaw, anong pangalan mo?" tinuro ni Enjeru ang lalaking mukhang pinuno ng mga tuahan doon.

"Ako si Gilliard Si—"

"Gilliard, gusto kong makausap ang Big boss niyo." Makapangyarihang utos ni Enjeru dito. "Importante ito at sigurado akong interesado siya."

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon