"Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang maglinis na lang ng maglinis?" tanong ni Toshirou ng makitang nasa ibang silid na naman siya.Tiningnan ni Enjeru ang Alamid.
Akala niya aalis na ito pagkatapos siyang samahan sa silid na tinuro ni Yukiri para linisin. "Wala ka bang ibang gagawin kundi sundan ako kahit saan?" balik tanong niya.
Natawa lang ito ng maiksi. "Well, hindi naman kasi ako abala eh. Sila lang ang nag-hahanda sa kasal ng kapatid ko." sagot nito.
"Di mo pa rin kasi sinasagot ang tanong ko kanina. Ba't ka pinuntahan ni Ru? Anong pinag-usapan niyo?"
"Bah, malay ko sa kaniya. Parang ikaw din eh, feeling close. Ganito ba talaga kapag masarap ang dugo, pinagkakaguluhan?" tinawanan niya ang sarili ng makitang napasimangot ito. Para bang nayabangan kaya hindi makaimik.
"Di rin masyadong mayabang to." Sagot nito.
"Yun pala ang pulang Alamid ang sinasabi mo? Mukhang suplado." Nagkuskus na lang ulit siya.
"Tinatanong ko sa kaniya ang tungkol sa lahi niya pero wala naman siyang sinasabi eh. Nagmamasid lang. Parang binabantayan ang kilos ko."
"Yeah, may sa werdo at mesteryoso kasi ang isang yun. Hanggang ngayon ay pilit ko pa ring inaalam ang katauhan ng isang yun eh. Wala ba siyang sinabing kakaiba sayo? Walang kinuwento?"
Napatitig lang sa sahig si Enjeru.
Wala siyang intensyong siraan si Loo sa mga ito. May dahilan rin siguro si Loo kumbakit hindi sinabi sa mga ito ang lahat dito.
Baka nga hindi alam ng mga kyuubi na sa mundo ng mga tao ito naninirahan at may gusto itong tao.
Siya.
Natawa lang siya ng maiksi. "Wala naman."
Tiningala niya si Toshirou.
Nakatingin na ito sa labas. Malalim ang iniisip. Siguro ang tungkol kay Loo. Marahil ay talagang nahihiwagaan ito sa bisitang alamid.
"Maiiwan muna kita, Mika." Paalam nito bigla.
"Sige," aniya saka na ito naglakad palayo.
Nasundan ng tingin ni Enjeru ang lalaki at papunta ito sa malaking gusali ng palasyo. Baka may tinatakasan lang itong trabaho.
Hindi na lang niya yun pinansin na nagpatuloy na lang sa paglilinis. Di katagalan ay may nadinig siyang nagsalita.
"May aliping tao pala dito.
"Napatingin sa likuran si Enjeru.
Namangha siya ng makita ang isang may edad na Alamid na nakatingin sa kaniya.
Suot nito ang mga damit ng sinaunang hapong Hari na isang Sokutai. Ng maalala yun ay kaagad niyang binilang ang buntot na nasa likuran nito.
Siyam.
Napansin na rin niya ang ilang mga kawani na nakasunod dito. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng Hari doon pero mukhang napadaan lang ito doon ng mapansin siya dahil sa nakabukas na pinto.
"Ah, m-mahal na Hari." Kaagad siyang humarap dito at nagbigay ng dogeza.
Yung bow na nakaluhod at nakadikit ang noo sa sahig.
"Masyado kang magalang para sa isang tao? Kung tutuusin. Kalmado ka. Anong pangalan mo?"
"Ah, Mika po."
"Maari ka bang tumingala para makita ko ang mukha mo?"
Na ginawa naman niya. Tiningnan niya ang mukha ng Hari at nahigit ang hininga niya.
Bakit kahit halatang may edad na ito ay ang guapo pa rin nito. Very manly ng dating. Sobrang elegante at kisig. Kung tutuusin ay para lang itong kuya ni Toshirou dahil magkahawig ang dalawa eh.
Kulay ginto ang mga mata nitong mataman na nakatitig sa kaniya.
"Haponesa ka ba?"
"Kalahati po." Yun na lang ang palagi niyang sinasagot dahil hindi nga naman siyang mukhang haponesa.
Pinagmasdan siya nito ng bigla itong yumuko. Napaatras si Enjeru sa gulat lalo na ng lumapit ito sa kaniya. "May kakaiba sa amoy ng dugo mo."
"Ama," agaw pansin ni Toshirou na nasa likuran pala nito. "Kailangan na nating umalis, naghihintay na ang iba."
Napatingin si Enjeru sa lalaki at nabunutan siya ng tinik ng lumayo na ang Hari at tumayo ng tuwid.
Binilinan muna siya nito ng tingin bago ito naglakad. Sumunod naman kaagad ang marami-rami nitong kawani. Hanggang sa nahuli na si Toshirou.
Walang sinabi na binilinan lang siya nito ng tingin hanggang sa sumunod na rin ito.
Hindi kumibo si Enjeru. Alam na rin siguro ng Hari ang tungkol sa dugo niya. Natatakot siyang may gagawin itong kakaiba kaya kailangan na niyang madaliin ang lahat ng yun.
~~~~~~
Napakislot sa gulat si Enjeru dahil sa lakas ng tili ni Yukiri. Nasundan niya ito ng tingin at may sobrang gulat sa mukha nito na daig pang nakakita ng multo.
"Mika, anong ginawa mo?!" tarantang tanong nito. Puno ng pag-alala ang boses.
"Bakit po?" taka niyang tanong.
"Sinabi niyo pong maglaba ako diba? Naglaba po ako." Dahil wala daw vacant na mga kawani ang maglalaba kaya siya ang naatasan. Eh ano namang malay niya sa paglalaba ng walang washing machine? Palo-palo lang meron ang mga ito eh.
Nanginginig ang buong katawan nito na hinawakan ang gutay-gutay at punit na mga damit na nakasampay na.
"Nasobrahan mo ito?" tili nito.
"Talaga po?" tiningnan niya ang ginawa. Parang art lang naman eh.
Hindi naman kasi siya sanay kung ano ang tamang itsura ng mga damit na yun.
"Mika!" sigaw nito.
Napakamot siya sa pisngi."Kay Ginoong Ru ang mga damit na ito."
Nagpigil matawa si Enjeru at tumingin na lang sa ibang dereksyon para hindi yun makita. Sinabi na sa kaniya ng kawani nang ibigay ang mga damit na yun. Kay Loo daw ang mga yun.
Syempre sinadya niyang sirain ang mga damit. Kahit papaano ay gusto naman niyang makaganti dito. Sana nga magalit ito kapag nakita yun eh.
"Hindi mo ba alam kung ano ang damit na ito? Isa itong Montsuki.
"Hindi niya alam kung anong damit yun. Basta itim lang yun na sinadya niyang sirain. "Pasensiya na po." Pero hindi naman siya sincere.
Sana makita yun ni Loo at magalit ito sa kaniya.
"Anong nangyayari?"
Speak of the Devil.
========================
Next, Chapter 217_ Ang Reward este, Parusa
Updates on 6/9
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantastik(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...