Chapter 225_ Not impressed friends

94 12 2
                                    

"Nasaan nga ba si Loo?" tanong ni Vam. "Hindi mo ba siya nagawang sunduin?"

"Hindi pa. Marami pang bagay ang kailangang asikasuhin." Walang lingon na sagot ni Enjeru. "Tamang-tama rin na nagpunta kayo dito. Siguradong matutuwa yun."

"Paano mo alam na ngayon ang dating namin?" tanong ni Anjiri.

"Sinadya kong ipadala kay Gera ang sulat na yun sa araw na yun. Kinalkula ko na ang oras ng byahe niyo kung kailan kayo dadating. Kahit naman sabihin kong wag kayong sumunod ay susunod pa rin kayo diba?" lumingon ito.

"Naman." Sagot ni Erena.

"Nakita mo ang aminan namin, dapat kami rin sa inyo." Dugtong ni Mun na sinang-ayunan yun ng lahat. "Witness kumbaga."

Natawa lang ito ng malutong bago hinarap ang daanan.

Walang sagot lang si Gera habang nakasunod dito.

"Wag mong sabihing tapos na? Kayo na ba?" tanong ni Civ.

Nagkibit-balikat ito. "Medyo kumplikado pa kasi eh."

"Enjeru," tawag ni Gera sa pinsan. "Anong dahilan ng pagpunta mo dito? Akala namin galit ka kay Loo."

"Yeah. Parang ganoon na rin." Sagot nito. "Nong sabihin niyo sa akin ni Civ ang totoo tungkol kay Loo, kahit papaano ay nawala ang galit ko. At naisip kong kailangan kong makita kung ano ang gagawin niya."

"Kaya ka pumunta dito?" tanong ni Anjiri.

"Nagpunta ako dito para tulungan siya. Para ialis ang trauma niya. Para subukan siya."

"Subukan?"

"Gusto kong ipatikim sa kaniya kung ano ang mas nakakatakot. Kung ang taboo ba o ang mawala ako."

"Ginawa mo yun?" manghang tanong ni Vam. "Talagang ipinamukha mo kay Loo ang dalawang bagay na kinatatakutan niya ha?"

"Kailangan kong malaman kung ano ang pipiliin niya. Ng sa ganoon, alam ko na ang gagawin ko pagkatapos."

"Anong pinili niya?" tanong ni Gera.

Hindi ito sumagot kaya kinabahan siya. Napansin niya ang malalim na buntong-hinga nito. Parang alam na niya eh.

"Ang mahalaga, nandito kayo. May event kasi na mangyayari at mas maganda kung imbitado kayo." Pag-iiba nito ng paksa. Masigla ang boses nito pero unti-unti yung gumagalgal. Tumikhim lang ito ng malakas.

Tiningnan ni Gera ang mga kaibigan. At kahit ang mga ito ay natahimik rin. Marahil napansin yun at may lungkot din sa mukha ng mga ito.

Napasuntok naman sa palad si Erena. "Mukhang tatalab na ang suntok ko this time." Bulong nito.

"Erena, chill." Awat ni Vam sa kasintahan.

"Duwag ba talaga si Loo?" natanong ni Anjiri.

"Parang gusto ko ring makigulpi ah." Bulalas ni Mun. "Para naman magising yun." Mahina lang ang boses nito.

Hinarap na lang ulit ni Gera ang pinsan. Panay lang ang lakad nila at hindi na ito nagsasalita o tumitingin sa kanila habang binabagtas nila ang daan.

Himalang hindi ito nag-reklamo gayong paakyat ng bukid ang daanang yun. Siguro wala na itong panahong mag-reklamo pa.

Tahimik lang nilang binabagtas ang daan hanggang sa di kalaunan ay narating nila ang isang malaking puno. Nag-iisa lang yun pero hindi yun ang nagpaagaw ng atensyon nila kundi ang isang nilalang na nakikita nilang nakatayo sa paanan na yun.

"Kumusta," bati nito. Sa Inglis.

Hindi sila nakapagsalita habang nakatitig sa tila puting multo na nakatayo doon.

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon