"Ano pa ang hinihintay natin?" tanong ni Miguel sa dalawang mangkukulam. "Umataki na tayo. Hindi natin sila bibigyan ng pagkakataong maka-alis doon."
"Wag kang atat, Miguel." Sagot ni Rita. "Hindi ka ba nagtataka, kumbakit sa haba-haba ng panahon na sumusuporta si James sa inyo ay ngayon lang siya umatras?"
"Napapagod na daw siyang maghintay dahil hanggang ngayon, wala pa rin akong maipakitang pruweba. Pero kapag nalaman nila ang tungkol dito, ang tungkol sa Vermillion Academy. Siguradong pagsisisihan nilang itinapon nila ako."
Hindi sumagot ang dalawa kaya naikunot ni Miguel ang noo niya.
"May iba pa bang dahilan?"
Naglakad palapit sa kaniya si Marga at tumitig sa mga mata. "May natuklasan siyang Black Market."
"Black Market? Maraming Black Market dito."
"Hindi bastang Black Market, Miguel. Black Market yun ng mga halimaw."
"Ano?"
"Hindi lang naman ikaw ang naghahanap sa mga halimaw eh. Marami kayong mga sindikato. At sa katunayan, marami na sa kanila ang nakahuli ng mga halimaw. Kung tutuusin, ikaw lang marahil ang hindi nakakaalam na totoo ang mga teorya mo."
Hindi nakapagsalita sa gulat si Miguel. Hindi na rin niya naisara ang bibig sa sobrang gulat. Hindi niya naisip na may mas nauna pa pala kesa sa kaniya. Ni hindi niya naisip na habang naghahanap pa siya ng mga halimaw, ay may isang Black Market na pala ng mga halimaw sa mundong yun.
Hindi niya mapigilan ang mapasandal na lang sa mesa. Pakiramdam niya ay para siyang tanga. Hindi niya maipaliwanag ang pagkabigo at pagkadismayang nararamdaman.
Buong akala niya, siya lang ang naghahanap non. Ang akala niya, siya lang at walang iba ang makakapagpatunay na totoo ang mga halimaw. Yun pala, may mga sindikato ng nanghuhuli ng mga halimaw.
"Masakit noh?" tumabi si Rita sa kaniya. "Ginamit ka nila para maghanap ng mga halimaw, pero ng matuklasan nilang may nakatuklas na ay basta-basta ka na lang nilang bibitiwan na hindi man lang nila sinabi." Tiningnan ni Rita si Marga at pareho silang napangiti dahil sa hindi maitagong galit sa mga mata ni Miguel.
"Magbabayad sila." Gigil na sambit nito.
Napangisi si Rita. "Kaya tutulungan ka namin, Miguel."
Tiningnan ni Miguel ang dalawang babae na ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya. "Bakit niyo ito ginagawa? Bakit gusto niyo akong tulungan?"
"Hindi naman libre ito eh. Kailangan lang namin ang tulong mo katulad ng kailangan mo ng tulong namin." Sagot ni Marga.
"Anong tulong?"
"Paghihigante, Miguel. Sa paaralang yun at lahat ng mga nasasakupan doon. Wala na kaming pakialam kung ano ang mangyari sa mga halimaw na naroroon."
"Madali lang naman yun."
"At tatlong tao."
"Tao?"
"Tatlong tao lang. Sila kapalit ng napakaraming halimaw. Madali lang naman diba."
Sinulyapan ni Miguel ang mapa. Wala na siyang pakialam kung sino ang mga taong naroroon. Ang mahalaga sa kaniya ay makuha ang gusto niyang makuha.
"Deal." Mariing sagot niya.
Napangiti ang dalawang mangkukulam. "Kung ganoon, kumilos na tayo." Pumalakpak pa si Marga. "Malaking pagpa-plano ang gagawin natin."
"Anong gagawin natin?"
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasy(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...