"Marami talagang fan ang bampira. Hindi na kataka-taka kung isa siya sa atin." Sagot ni Will.
"Iba ako sa kanila, actually. Mas marami akong alam na halimaw hindi lang ang mga bampira. Pero mas paborito ko kayo sa lahat ng halimaw." Hindi na naalis ang paghanga sa mga mata nito habang nakatingala sa kanila. "Gosh, ang guapo niyo."
Nagulat pa ang tatlo.
"Thanks." Nakangising sagot ni Al dahilan para lumitaw ang pangil nito.
Parang gustong mahimatay ni Anna ng makita yun.
"May kilala akong mahilig sa guapo." Siniko ni Ed ang kapatid.
Hindi kumibo si Will. "Salamat sa papuri mo. Pero kailangan na naming umalis. Enjoy your solo tour." Nilagpasan na niya ito pero natigilan siya ng pigilan nito ang braso niya. Tiningan lang niya ito ng may pagtataka.
"Ang lamig mo." Sambit nito.
Hindi niya alam kung compliment ba yun or insult.
"Pwede ba akong humingi ng autograph mo?"
"Autograph?" nauli niya. "Bakit hindi ka na lang humingi kay Vam?"
"Tapos na. Pati na rin nong girlfriend niya."
Di makapaniwalang tiningnan ni Will ang mga kapatid.
Nagtaas lang ng kilay ang mga ito.
Mabilis nitong hinugot ang maliit na notebook sa bulsa nito. Kaagad yung inabot sa kaniya kasama ng maiksing ballpen. Halatang dala-dala nito kahit saan yun dahil luma na.
Binuklat muna nito sa bakanting pahina ang notebook bago yun inabot sa kaniya na may kasamang pakikiusap sa mga mata.
Pinagmasdan muna ni Will ang babae bago na lang niya kinuha ang notebook at nagsulat doon.
Mabilis din niya yung binigay dito sabay lakad paalis.
Takang tiningnan ni Anna ang nakalagda.
Nagulat pa siya sa nabasa.
'Get lost' daw.
Impit na napatili siya.
Nakakakilig.
~~~
Kunot-noo lang ang naging sagot ni Civ sa masayang reaksyon ni Gera sa kaniya.
"Eureka." Sagot nito. "Alam ko na ang gagawin. Hindi ito kasing epektibo, at least masasabi nating tumulong tayo diba?"
"Anong ibig mong sabihin?"
Itinaas ni Gera ang phone niya. "Pwede kitang kunin na gawin ang kaya mong gawin. Kung tutusin, pwede kong kunan ang lahat ng halimaw dito. Siguro marami ang hindi maniniwala pero mas maigi na yun diba? Walang mapapahamak."
Hinintay ni Gera na magsalita si Civ pero nakatitig lang ito sa kaniya. Tila ba hindi alam kung ano ang magiging reaksyon sa sinabi niya.
Naalis ang ngiti niya saka bumutong-hinga na lang siya ng malalim. "I'm sorry." Nasabi na lang niya.
Kapag nag-aaway sila ay ito ang madalas na umiintindi. Nasasabi ng mga kaibigan nila na pareho silang totoo pero sa totoo lang, kapag may hinid sila pagkakaunawaan ay ito ang madalas na sumusuyo sa kaniya.
Hindi naman sila madalas na nag-aaway pero kapag ganoon ay yun ang madalas na mangyayari.
Siguro panahon na para siya naman ang sumuyo dito at maunang humingi ng pasensiya.
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasía(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...