Chapter 222_ The others

99 10 0
                                    


Napabahin si Gera habang yakap ang sarili.

"O Gera. Dinapuan ka agad ng sipon?" tanong ni Anjiri sa kaibigan.

"Malamig eh." Hinipan niya ang mga kamay na may glove.

Well, complete get-up sila ngayon habang naglalakad sa syudad na yun ng Hokkaido. Pagka-landing nila sa lugar na yun ay agad silang nanuluyan sa isang malapit na hotel.

Malamig pa rin ang lugar kahit halos summer na. Hindi naman niya yun masisisi dahil nasa hilaga nga naman yun.

Naglalakad na sila papunta sa stasyon ng tren para pumunta sa Sapporo. Alam na naman nila ang gagawin kaya hindi na sila nalilito.

"Tika, pwede bang huminto muna tayo at mag-kape?" agaw pansin ni Mun sa kaibigan. Masamang ideya na tinanggal niya ang benda niya. Sobrang lamig tuloy. Kahit ilang taon na siyang nakatira sa England at sadyang malamig doon ay hindi pa rin siya nasanay.

Wala si Loo kaya kaniya-kaniya silang desguise para matakpan ang pagiging halimaw.

Parehong nagsuot ng brown na contact lens sina Vam at Erena dahil sa mga matang kulay pula. Tinakpan din ng dalawa ang mga teynga gamit ang isang bonnet. Hindi madalas na nagsasalita para hindi makita ang pangil.

Mabuti na lang siguro at hindi derektang nakasikat ang araw doon dahil sa maulap na kalangitan.

Si Civ naman ay may takip din sa ulo. Nakatago ang buntot sa jacket at may suot itong cloth mask para itago ang whiskers. Tanging mata lang nito ang nasisilip nila.

"Siguro nga, nilalamig na rin ako eh." Ang segunda ni Vam.

"Hindi ba't malamig ka na talaga? Bampira ka eh." Sagot ni Erena dito.

"Kailangan ko ng mainit." Wika nito.

"Doon tayo." Tinuro ni Civ ang isang coffee shop saka naunang naglakad.

Napasunod silang lahat dito at pumasok.

"Ako na ang oorder, maghanap lang kayo ng lugar." Ang wika ni Gera sa mga ito.

"Marunong ka ng hapones?" tanong ni Civ sa kaniya.

Sandali siyang natigilan. "O sige, samahan mo ako." hinila niya ito papuntang counter.

"Ano po ang sa inyo?" ang nakangiting tanong ng haponesang cashier. Sa hapon.

May pinagtuturo si Gera sa mga list na nasa likod ng babae. "I-translate mo." Aniya kay Civ.

"Ah, sige po mam." Anang babae.

"Nakaka-intindi ka ng Inglis?" aniya sa babae.

"Opo, kailangan naming matutunan yun. Torista po kayo?" tanong nito habang abala sa pagtitimpla ng kape.

"Oo, may hinahanp kasi kaming dalawang kaibigan. Papunta kami ngayon sa Furano." Pasimpleng tiningnan ni Gera ang kasintahan sa tabi.

Tumango lang ito.

"Alam mo ang lugar na," may binanggit si Civ sa babae.

"Ay opo," masayang sagot nito. "Doon po ako nakatira."

"Talaga?" manghang tanong ni Gera dito.

"Lumuwas lang ako dito para magtrabaho pero nandoon ang parents ko. Naroon po ba ang mga kaibigan niyo?" tanong nito.

"Oo. May kung anong hilig kasi sa Alamid ang kaibigan ko."

"Tamang lugar ang pupuntahan niyo." Inilapag na nito ang inorder nilang kape at kumuha ito ng cake sa display pagkatapos makapili ni Gera. "Sinasamba ng maliit na residente naming yun ang mga Kyuubi."

"Kyuubi? Uri rin sila ng mga Alamid diba?" tanong ni Civ sa babae.

"Sila ang mga Alamid." Pagtatama nito.

Nagkatinginan lang ang dalawa. Marahil hindi nito alam ang tungkol sa ibang mga Alamid pa. Hindi na lang sila nagpumilit.

"Sinasamba nila ang mga kyuubi? Hindi ba't mga halimaw sila?"

"Halimaw?" natawa ito. "Hindi naman. Mga Spiritong Alamat ang turing namin sa kanila doon. Sa kanila ang bundok na kinatitirikan ng residente at sila ang nagbabantay doon. Maliit na lugar lang naman yun kaya siguradong mahahanap niyo rin ang kaibigan niyo doon."

"Maraming Salamat."

Kinuha na nila ang order at bumalik na sa mesa ng mga kasamahan.

Inilapag na nito ang tray at naupo na sila kasama ang mga kaibigan. Kaniya-kaniya naman agad silang kuha ng kape at pinaghatian ang cake.

"Ano? May sinabi ba ang cashier?" tanong ni Anjiri saka humigpo ng kape.

"Tamang-tama ang pupuntahan natin. Tama rin ang sinabi ni Shiro sa atin." Sagot ni Gera. Nahagip ng mga mata niya ang pag-inom ni Civ ng kape at kitang-kita ang whiskers nito.

Tiningnan niya ang mga tao sa paligid. Ng walang mapansin ay mabilis nito itong tinabihan. Dikit na dikit na pagkakatabi.

Nagulat pa ang mga kasama lalo na si Civ.

"Bakit Gera?" tanong nito.

Tinuro niya ang pisngi nito. "Nakalimutan mo."

Hinawakan nito ang pisngi na parang noon lang yun naalala. "Oo nga pala,"

"Ayos lang yan. Natatakpan ka na naman ni Gera. Wala na sigurong makakapansin sayo niyan." Wika ni Mun.

Napatingin siya sa dalawang bampira na nakatitig lang sa kape.

"O kayo? Iniinom ang kape gamit ang mata?" tinawanan nila yun.

"Hindi ako komportabelng uminom ng kape eh." Ang sagot ni Vam. "Kung sana may dugo din silang binbinta dito."

"Tukmol. Obvious namang wala." Sita ni Erena.

"Wag kayong mag-alala. Chocolate yan." Sagot ni Gera. "Hindi naman siguro masama ang chocolate sa mga bampira diba?"

Mabilis na kinuha ni Erena ang isa at agad yung ininom. "Normal na lasa." Sagot nito.

"Iba ang taste buds ng mga bampira sa tao." natatawang sagot ni Vam saka kinuha ang isa pa. "Masasanay ka rin."

Saglit pa silang nagtagal doon. Pagkatapos ay dumiritso na sila sa tren. Wala namang gaanong tao kaya nakasakay agad sila. On schedule ang andar ng tren kaya kahit hindi pa puno ay umaandar agad yun.

Tiningnan ni Gera ang orasan saka niya binilang ang oras kung kailan sila makakarating doon. Tumango lang siya dahil tama lang yun.

Sana nga mahanap agad nila ang dalawa. Talagang batok ang aabutin sa kaniya ang pasaway na pinsan kapag nakita ito.


==========

Next, Chapter 223_ No Chance

Updates on 6/30

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon