Pinanlakihan ng mga mata si Anna ng hawakan nito ang balikat niya. Bahagya pa siyang napaaray dahil bumabaon ang kuko nito sa laman niya.
"A-anong gagawin mo?" puno ng pangamba na tanong niya.
Kaya lang hindi sumagot si Will. Lumapit ito sa kaniya at dumukwang. Dahan-dahan nitong ibinababa ang mukha palapit sa leeg niya at nakita niyang ngumanga ito.
Hindi ba't yun ang gusto niya? Ang masubukan ang makagat ng isang bampira? Akala niya matutuwa siya lalo na dahil gustong-gusto niya si Will?
Pero bakit sa pagkakataong yun ay punong-puno ng takot ang dibdib niya. Gusto niyang sumigaw at tumakbo pero hindi naman siya makawala dahil nakahawak ito sa kamay niya.
Sinimulan na siyang panginigan at pagpawisan. Wala ng boses na lumalabas sa kaniya at ang nagawa na lang niya ay tumayo doon at tumunganga sa sobrang takot.
Bakit nito ginagawa sa kaniya yun? Bakit kailangan siya nitong takutin ng ganoon? Bakit hindi na lang nito sabihin na ayaw nito sa kaniya?
"Sinabi mong gusto mo ako," mahinang bulong nito habang nakadukwang pa rin. "Kaya ayos lang kung kagatin kita hindi ba?"
Nadidinig na ni Anna ang sarili niyang puso. Bumibigat na rin ang paghinga niya habang hinihintay niya ang pagkagat ni Will sa kaniya.
Hanggang sa naramdaman niya ang pag-dikit na labi nito sa leeg niya.
Wala sa sariling napasigaw siya sabay yuko at yakap sa sarili. Napapikit na lang siya ng mariin at wala sa sariling napaluha sa sobrang takot.
Hinintay niyang hulihin siya ni Will para kagatin pero wala itong ginawa.
Tumingala siya at sumalubong sa kaniya ang mga mata nito. Nakatayo na ito ng tuwid at may parehong dismaya at inis sa mukha nito.
"Masasabi mo pa bang gusto mo ako?" sambit nito.
Hindi siya nakapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa pagkakataong yun. Nanginginig siya. Kasabay ng sobrang panginginig na yun ay ang sakit sa dibdib.
Naalala niya tuloy ang sinabi sa kaniya ni Cookie nong makalawa. Na muntik ng lapain ni Will si Enjeru pero kinalimutan nito si Enjeru at kinaibigan pa rin si Will.
Paano nito nagagawa ang bagay na yun?
Paano nito nakaya ang takot na makagat na isang bampira?
Siya nga itong gustong makakita ng mga halimaw at akala niya gustong-gusto niyang makagat ng isang bampira pero hindi pala niya kaya.
Ngayon lang niya natuklasan na mas nakakatakot pala ang totoong buhay kesa ang isipin lang yun.
Napayuko na lang siya.
"Siguro hindi." Nadinig niyang sambit ni Will. "Simpleng paghanga lang ang nararamdaman mo dahil isa akong bampira. Sana wag mong ipahamak ang sarili mo dahil lang sa maling pagkagusto na yan. At sana, wag na wag mong gagayahin si Enjeru dahil kahit kailan at magpakailanman, hinding-hindi siya magiging ikaw. Umalis ka na bago ka pa mapahamak."
Naglakad na ito paalis at nilagpasan siya.
Saglit na namuo ang katahimikan sa lugar na yun at hindi napigilan ni Anna ang mapaiyak ng tahimik doon.
Nahihiya siya sa sarili niya.
~~~~
"Anna!"
Napalingon sa likuran si Anna. Nakita niya si Ed na palapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasy(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...