Huli niyang nakita ang anyo nito nong mamatay ang mga anak niya. Ni minsan ay hindi nito pinapakita ang anyo nito lalo na dahil kailangan nitong magtago sa mundo ng mga tao.
Iniiba nito ang anyo nito kapag may bago itong pinaglilingkurang Friar. At habang nangyayari yun ay sinasabay din nito ang edad ng anyo nito sa pagtanda ng tulad sa mga tao. Ng sa ganoon ay walang magtaka at magulat kumbakit nanatiling bata ang butler niya.
Kung tutuusin, hindi alam nina Enjeru, Gera at Erena, na isang halimaw si Haldo. Walang ibang nakakaalam maliban sa iilang bilang ng mga halimaw at si Philipe.
Mas madali din dito ang maglingkod lalo na dahil sa kakayahan nitong magbagong-anyo kaya nakakasunod ito sa kaniya kahit saan.
At ang paninilbihan nito sa pamilyang Friar ay dahil sa katapatan nito sa naunang Master na pinagsilibihan nito limandaang taon ng nakakaraan. Si Frances Friar. Hanggang ngayon ay naninilbihan pa rin ito at hangga't hindi nawawala ang pamilyang Friar, maninilbihan at maninilbihan ito. Para bang iyon na lang ang nakikita nitong dahilan para mabuhay pa ito.
Bago ibinigay sa kaniya ng kaniyang ama ang kompanya ay pinakauna nitong pinakilala si Haldo. At balang araw, ipapakilala rin niya si Haldo kay Enjeru kapag ito na humalili sa kaniya.
Magpapalit ng bagong mukha si Haldo at sasabayan ulit nitong tumanda si Enjeru. Hanggang sa may bagong hahalili, at mangyayari na naman ulit yun.
Ni minsan ay hindi ito nagreklamo at ni minsan ay hindi ito nagkulang sa paninilbihan. Napaka-perpekto nitong magsilbi na kahit siya ay walang masabi.
Kung tutuusin ay kayang-kaya na nitong pamahalaan ang kompanya dahil alam na nito ang lahat ng bagay tungkol doon. Pero mas pinili nitong manilbihan na lang at gumabay sa mga bagong mamamahala non.
Ito ang tumulong sa kaniya at ito ang nagsilbing Master niya sa larangang yun. Nagmistula itong guro, ama, kapatid at kaibigan niya sa mga taong nagdaan.
"Yaman din lang na natanong mo kung kailan hahalili si Enjeru sa akin, naisipan mo na ba kung ano ang bagong itsura ng anyo mo?" nakangiting tanong niya sa itim na Alamid.
Patda ito saka napatingin sa kaniya. Hindi ito sumagot.
"Sabi ko na. Masyado mong minamadali ang paghalili sa akin ni Enjeru pero hindi ka pa handang gumawa ng bagong anyo."
"Pag-iisipan ko mamaya."
Tumawa lang siya ng malutong. "Dapat mo rin sigurong ihanda ang sarili mo kung siya na ang mapagsilbihan mo. Alam mo naman siguro yun."
Pumiksi ito. "Ewan ko kung paano mo napalaki ng ganoon ang apo mo."
"Ikaw din nagpalaki sa isang yun."
Natigilan si Haldo. Pero sabay lang silang nagtawanan.
"Sir Eugene," boses ni Angela mula sa hagdanan.
Ang bilis na nakapagpalit ng anyo ni Haldo.
"Hello po." Masayang bati nito na may dalang mga makapal na folder. Bago pumasok sa kaniya ng mga bisita ay kailangan munang dumaan dito kaya sinadya niyang ang elevator ay nasa tapat lang ng opisina nito.
Ngiti lang ang naging sagot ni Haldo sa babae. Umalis siya at pumunta
"Angela," sagot ni Eugene.
Inilapag ng babae ang mga folder sa tapat niya. "Ito po ang mga report sa linggo na ito. Ito po ang mga papeles na kailangan niyong pirmahan sa araw na ito. At may ilang mga tao rin pong pumunta dito na gusto kang makausap. Binigyan ko na sila ng appointment isa-isa." May inabot itong papel.
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasy(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...