Chapter 235_Plano ng Alamid

103 7 0
                                    

Hinayaan lang ni Loo na maka-kwentuhan ni Enjeru ang mga naging kaklase at kaibigan doon. Umaalingawngaw ang masayang tawa ng mga ito habang kinukwento ang tungkol sa halloween at ang ginawa nilang booth.

Na-miss rin naman niya yun. Ilang buwan rin siyang wala sa Vermillion Academy at kahit hindi kausap ang mga ito ay masaya na siyang makita yun.

"Nakausap mo na si Philipe tungkol sa pag-aaral mo?" tanong ni Vam sa kaniya na tumabi. Umiinom ito ng dugo. Marahil nauhaw ng sobra dahil ilang araw din itong hindi nakainom non.

"Kakausapin ko pa siya." aniya lang dito.

"May plano ka noh?" tanong ni Civ sa kaniya.

Tumango lang si Loo. "Sa katunayan ay naisip ko ng gawin ito nong maisipan kong pakasalan si Enjeru. Hindi naman kasi pwede na studyante na lang ako palagi."

Gulat na tumingin sa kaniya ang tatlong kaibigan at may pagkamangha sa mukha ng tatlo.

"Anong ibig mong sabihin?" natanong ni Mun. "Titigil ka na sa pag-aaral?"

"Hindi ko naman masasabing titigil na ako sa pag-aaral. Siguro titigil na ako, dito sa Vermillion Academy. Naturo na ng paaralan ang mga kailangan kong matutunan. Hindi na rin ako takot na gumala pa sa mundo ng mga tao. Alam ko na ang mga gagawin ko. At iniisip ko rin ang magiging kinabukasan namin ni Enjeru. Dalawang taon na lang at magtatapos na siya sa pag-aaral niya. Ayaw ko naman studyante pa rin ako kapag nangyari yun." pinagmasdan niya si Enjeru na ang tamis ng ngiti habang kausap ang mga halimaw.

Hindi naman makapaniwala sina Civ, Vam at Mun sa tinuran niya.

Isa lang naman ang naisip talaga nila habang nakatitig kay Loo eh.

He has matured!

"Ano ang gagawin mo?" tanong ni Civ.

Hinawakan ni Loo ang baba at nag-isip saglit. "Naisip ko ng mag-aral ng isang taon sa Grand Central ng Rojo Nou." Ang mundo yun ng mga halimaw. Iyon ang pinaka-central na syudad ng mga halimaw.

"As in?" tanong ni Vam.

Tumango si Loo. "Kailangan kong mag-aral sa mundo natin. Pagkatapos non, kukuha ako ng isang taong training bilang guro."

"Guro?" natanong ng tatlo.

Iba naman kasi ang educational system nila kesa sa mga tao eh. Wala silang Levels of education doon. Basta makapag-aral lang ang mga halimaw at matuto sa dapat na matutunan ay sapat na.

Saka kukuha ng training depende kung ilang taon nila gusto para makapag-trabaho. May mga halimaw naman kasi na madaling matuto. Kaya kahit isang buwang training lang, kapag alam na agad niya ang gagawin ay pwede na siyang mag-trabaho.

"Gusto mong maging guro? Saan ka naman magtuturo?" tanong ni Mun.

Tiningnan ni Loo ang mga kaibigan. "Dito. Sa Vermillion Academy." Bahagyang nagulat ang mga ito. "Ito lang ang lugar kung saan ligtas tayo at nasa mundo ng mga tao." Napangiti lang siya dahil napasaisip ang mga ito bigla.

"Magandang ideya nga yan." Natanong ni Civ.

"Kakausapin ko si Philipe mamaya. Sasabihin ko sa kaniya ang plano kong gawin. Kayo, kung gusto niyo akong sabayan ay pwede rin."

Hahayaan na lang niyang magpasya ang mga ito. Siguro naman kasi ay hindi pa sigurado ang mga ito kung ano ang gagawin.

Basta siya, sigurado na siyang yun ang gagawin niya.

"Maganda nga yan, Loo. Kaya lang hindi ko naman pwedeng iwanan si Erena dito. Tinuturuan ko pa siya kung paano maging bampira. Hindi pa nga niya nama-master ang pagiging paniki eh. Hindi ko naman siya pwedeng dalhin sa Rojo Nou dahil sa dugo niya at ayaw ko din naman siyang iwan dito. Ah, nahihirapan akong magpasya." Bulalas ni Vam na nakahawak lang sa ulo at nalilito.

"Hindi mo naman kailangang magmadali eh." Sagot niya. "Nasa sayo ang buong panahon dahil bampira na naman si Erena. Hindi ako pwedeng magsayang ng oras."

"Dapat siguro gawin niyo na rin yun, Civ, Mun." Tawag ni Vam sa dalawa. "Maging guro na rin kayo dito sa akademya dahil ito lang naman ang safe place para sa ating mga halimaw at malapit din kayo sa mga taong mahal niyo."

"Iniisip ko na nga rin yan eh." Sagot ni Mun. "Kaya lang sa ngayon ay nahihirapan pa akong magpasya."

"Ikaw ba, Civ?"

Nakasimangot lang ang pusa.

"Huhulaan ko, ayaw mong lumayo dahil hindi mo na madadalaw si Gera?" natatawang tukso ni Vam dito.

"High school pa naman si Gera. Sigurado akong gusto pa siyang pag-aralin ng lolo niya sa kolihiyo. Siguro gagawin ko yun kung katulad na siya ni Enjeru." Sagot lang ni Civ.

"Kung ganoon, si Loo ang mauunang umalis sa atin dito."

Tiningnan nila ang Alamid.

Ngiting tipid lang ang bigay ni Loo sa tatlo.

"Sabagay, ikaw naman talaga ang mas mature mag-isip sa ating lima eh. Hindi na nakakagulat yun." sagot na lang ni Mun.

Tiningnan lang ni Loo si Enjeru at nagkataon naman na napatingin ito sa kaniya. Natawa lang siya ng mahina dahil binigyan siya nito ng flying kiss dahilan para matukso din ito ng mga kaklase doon.

"Hindi ka ba nag-aalala na baka may mangyari habang wala ka dito?" bigla ay agaw pansin sa kanila ni Will.

Nasundan nila ito ng tingin. Nakatayo ito sa tapat ng bintana at umiinom ng dugo mula sa canteen. Nakatanaw din ito sa labas. Nadinig marahil nito ang usapan nila.

"May mangyayari pa ba?" tanong ni Vam. "Tapos na ang lahat. Wala ng humahabol kina Erena, tapos na rin kami sa mga sarili naming problema. Ano pang sunod?"

"Yan," may tinuro ito sa labas.

Kaagad silang tumingin sa bintana dahilan para makita nila ang tinuturo nito.

Pare-pareho silang pinanlakihan ng mga mata ng makita ang isang bagay sa labas ng gate. Kahit nasa malayo sila ay kitang-kita nila kung ano yun.

Isang Bus ng mga tao.

=================

Next, Chapter 236_ Di inaasahang bisita

Updates on 8/29

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon