Chapter 253_Ang Pabor ni Gera

52 6 0
                                    


Bumuntong-hinga lang si Gera habang nakatitig siya sa phone niya. Nakalagay doon ang number ni Philipe at kanina pa niya tinitingnan yun.

Nilingon niya si Anna sa di kalayuan habang may kinakain.

Nag-excuse muna siya pansamantala dahil may tatawagan siya.

Nakapag-desisyon na siyang dalhin si Anna sa Vermillion Academy. May plano siya at naiisip niyang baka makatulong yun sa sitwasyon nito at ng papa nito. Hindi naman masisira ang mga halimaw. Hindi naman mapapahamak ang mga ito.

Kaya lang, bago niya magawa yun kailangan muna niyang magpaalam kay Philipe.

Kinakabahan siya dahil alam niyang dilikado ang gagawin niya. Kung hindi naman ito papayag ay hindi naman siya mamimilit. Iyon ang unang beses na makikiusap siya, ang masama pa dahil hindi basta-basta yun.

Muli niyang sinulyapan si Anna. Nakatingin ito sa kaniya na para bang naghihintay.

Naaawa siya sa kalagayan nito. Alam niyang may magagawa siya kaya gagawa siya ng paraan para tumulong.

Kumbakit naman kasi pinalaki siyang mabait ng lolo nila eh.

Hindi na siya nagdalawang-isip pa na tawagan agad si Philipe.

Kumuha muna siya ng lakas ng loob bago pinindot ang call button. Nadinig niya ang ring hanggang sa madinig niya ang boses ng lalaki.

"Yes, Gera?" magiliw na salubong nito.

"Hello, Tito Philipe. Busy po ba kayo? Nakakaabala po ba ako?" mahinahong tanong niya.

Nadinig niyang natawa ito ng maiksi.

"Bakit po?"

"Naisip ko lang ang kaibahan niyo ni Enjeru kapag tumatawag. Dere-deretso ang hingi non ng pabor na para bang close kami." Natatawang sagot nito. "Wag kang mag-alala, hindi ako busy."

"Kasi po, may ipapaalam lang po ako."

"Ano yun?"

Hindi agad sumagot si Gera. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hinga. "Okay lang po ba kung pumunta ako diyan..."

"Aba'y oo naman. Bakit ka pa nagtatanong ng gan—"

"Ng may kasama?" putol niya.

Natahimik ang kabilang linya kaya nakagad na lang niya ang daliri.

"Wag po kayong mag-alala. Hindi naman po siya masamang tao eh. Wala din po siyang pagsasabihan, gusto ko lang po sanang makita niya ang mundong gusto niyang makita." Mabilis niyang paliwanag dito.

Walang naging sagot sa kabilang linya.

"Tito?"

"Okay. Alam mo na ang gagawin mo sunod. Pero wag muna sa araw na ito." Sagot nito.

"Thank you so much po, tito." Masayang sagot niya. Tiningnan niya si Anna at ngiti ang ibigay nito. Napangiti din ito kahit hindi sigurado kung ano ang ibig sabihin non.



~~~~~~~


Napatitig si Philipe sa phone ng ibaba na niya yun. Hindi niya inasahan ang pabor ni Gera sa kaniya. Kaya lang hindi naman niya ito magawang tanggihan.

Alam naman nito ang responsibilidad nito at sigurado siyang alam din nito kung ano ang pwedeng mangyari kung sakaling mabunyag ang katotohanan tungkol sa mga halimaw.

Baka may gagawin ito na makakatulong din sa kanila. Ano man yun ay magtitiwala na lang sya dito.

Kumatok ang pinto ng opisina niya at pumasok doon si Count Dracula.

"Philipe, nandito na ang mga bisita galing sa Rojo Nou."

Mabilis siyang tumayo. May bisita sila sa araw na yun kaya nasabi niya kay Gera na wag pumunta sa araw na yun. Hinding-hindi pwedeng makita ng mga bisita na may ibang tao pa sa paaralan maliban sa kaniya.

Kaagad siyang sumunod kay Count at pumunta sila sa entrance ng paaralan. Naroon na ang ilang mga guro para sumalubong sa mga delegado galing sa Rojo Nou, ang mundo ng mga halimaw. Hindi makakapunta ang Hari kaya ang mga ito ang inatasang pumunta doon para suriin ang kalagayan ng paaralan.

Nakatayo lang siya doon kabilang na ang mga guro. Di katagalan ang tatlong halimaw ang bigla na lang lumitaw mula sa dilim.

Nakasuot ng unipormadong balabal ang mga ito. Kahit iba't-ibang uri ng mga halimaw ang mga ito ay kagalang-galang pa ring tingnan.

Kilala niya ang nasa gitna. Ito si Uello. Isa itong Wendigo at myembro ng konseho ng Rojo Nou. Ito ang inatasan ng Hari ng bantayan at pangalagaan ang Vermillion Academy. Nakasunod naman dito ang isang Chupakabra at Madremonta.

Totoo na sa kaniya nakapangalan ang Vermillion Academy at siya ang namamalakad doon bilang School Director, pero hindi siya ang may-ari non.

Ang paaralang yun ay naipatayo at napayagan na maging isang paaralan na aprobado ng Hari ng Rojo Nou. Hindi naka-rehistro ang paaralan niya sa bansang kinatatayuan kundi sa mundo mismo ng Rojo Nou.

Kapakanan ng mga halimaw ang nakasalalay doon.

Libre ang pag-aaral sa Vermillion Academy dahil ang Rojo Nou ang nagpo-provide ng funding doon. Ang mga ito ang sumusuporta sa mga pangangailangan ng mga halimaw. Ang mga ito rin ang nagpapasahod sa mga gurong halimaw doon at ang mga nag-a-approve ng mga halimaw na may balak magturo doon.

Iba ang paraan ng pagtulong ni Eugene sa Vermillion Academy, ito ang nagpo-provide ng lahat ng kailangan nila ng walang suspetsa mula sa mga tao. Para ano pa at nasa Trading industry ang negosyo nito.

May dahilan kaya iyon ang piniling negosyo ng pamilya nito kahit noong unang panahon pa.

"Magandang araw, Ginoong Uelo, Ginoong Juan at Binibining Flora." Bati niya sa tatlong halimaw. "Maligayang pagdating."

"Maraming Salamat, Ginoong Philipe."

Sinamahan na ni Philipe ang tatlong halimaw sa confrerence hall. Doon nila ipe-presenta ang lahat ng mga ginagawa nila. Ang mga activities nila, ang budget non. Ang mga pangangailangan ng mga studyante. Ang mga bagong dating, ang mga aalis. Ang mga nakapasa sa Final Exam at ang mga studyanteng isasali sa Special Course.

Lahat ng yun ay kailangang malaman ng mga ito. Lahat ng mga nangyayari sa Vermillion Academy ay pinapaalam nila. Iyon ang paraan para mamonitor ng mga ito ang kaganapan doon at mabantayan. Hindi na rin kailangang pumunta ng Hari doon para lang malaman kung ano ang nangyayari.

Pagkatapos ng report nila ay saka nila samahan ang tatlong delegadong libutin ang akademya.

Sinusuri ng mga ito ang lahat ng kasuluk-sulukan doon. Ang mga studyante at iba pa.

Sinamahan lang ni Philipe ang tatlong halimaw at ipinapaliwanag sa mga ito ang lahat ng naroroon.

Hindi rin naman nagtagal ang tatlong delegado at umalis na ng wala ng masyadong tanong. Kontento na ang mga ito sa nalaman at matatagalan pa ulit bago bumalik ang mga ito.

Bumuntong-hinga lang ng malalim si Philipe. Hindi naman talaga niya sinabi ang lahat sa mga ito.

May mga bagay siyang hindi pinapaalam sa mga ito. At hindi na kailangang malaman pa ng mga ito.

Ni hindi niya sinabi sa mga ito na mag-asawa sila ni Austina. Na may anak sila. At mas lalong hindi niya sinabi ang tungkol sa mga apo ni Eugene.


==================

Next, Chapter 254_ May Nagbabalik

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon