Chapter 213_Nakalimutang Balakid

100 18 0
                                    


Nasundan na lang ng tingin ni Enjeru si Loo ng lumabas ito ng silid. Kahit ng mawala na ito ay nakatulala pa rin siya.

Maya-maya ay napangiti na lang siya. Masaya siya sa ginawa nito pero hindi pa sapat yun.

"Intense." Nasambit na lang niya saka napahawak sa dibdib. Ang lakas ng tibok ng puso niya kanina habang nakatitig kay Loo. Kitang-kita niya ang hinanakit nito. Ang sakit sa mga mata nito sa pag-aakalang ganoon siya kasuklam para ignorahin ito.

"Magandang sensyalis yun na nasasaktan ka, Loo." Muli niyang ibinalik ang atensyon sa paglilinis. "At least alam mo na ngayon ang pakiramdam ng nararamdaman ko sa tuwing iniignora mo ako. Kulang pa yun kaya maghanda ka." Aniya sa sarili.

"Kailangan ko nga rin palang maghanda. Kamuntik ko ng yakapin si Loo kanina. Kamuntik ko ng bumigay eh. Ba't ba kasi ang hot niya ngayon? Unfair naman kasi eh. Long hair Loo. Naman! Ang bango pa niya. Para bang naliligo na may petals ng mga bulalak. Yun naman ang ginagawa ng mga maharlika diba? I mean, hindi maharlika si Loo pero bisita siya dito."

Kinuha niya ang brush saka kinuskus ang maruming bahagi.

"Kung di lang ako nagpapanggap ngayon baka nakarami na tayo eh."

Nasapo niya ang bibig sa naisip. Agad siyang tumingin sa paligid dahil baka may nakikinig pero natawa na lang siya ng mahina sa naiisip.

Kaya lang naalis ang tuwa niya ng may maisip.

Nakikita nga niyang nasasaktan si Loo, kita niya ang pagsisisi nito. Pero paano kung hindi pa rin ito bumigay? Paano kung mananatili itong walang gagawin?

Handa na ba talaga siyang kalimutan ito?

Nagkibit-balikat na lang siya. Pagbubutihan na lang siguro niya ang pag-arte para may gawin ito eh.



~~~~~~

Natigilan sa paglalakad si Loo ng makasalubong niya si Toshirou. Malamang na pupunta ito sa silid kung saan naroroon si Enjeru.

Bahagya pa itong nagtaka ng may mapansin sa kaniya.

"Ru, ayos ka lang?" natanong nito.

Naikunot niya ang noo. "Bakit?"

"Sobrang tamlay mo kasi."

Iniwas lang niya ang paningin at inayos ang anyo. "Ano bang pinagsasabi mo?"

Hindi na lang siya nito pinilit pa. "Nakita mo si Mika?" pag-iiba nito ng paksa.

Napatitig siya dito. Hindi niya gusto ang vibes ng paglapit nito kay Enjeru. Nag-alala siyang baka dugo lang ni Enjeru ang habol nito.

"Naglilinis siya sa ikalawang silid." Sagot niya.

Napangiti ito. "Ganoon ba? Salamat." Akmang lalagpasan siya nito pero huminto ito. Umatras at tiningnan siya. "Tika, nakakagulat na lumabas ka sa silid mo. Pinuntahan mo siya noh?" sumeryoso ang anyo nito.

"Hindi ko ba siya pwedeng makita?" balik tanong niya.

"Hindi naman sa ganoon, kaya lang hindi ka naman aalis sa silid mo para lang makita ang isang alipin hindi ba?" nangungutyang tanong nito.

"Gagawin ko ang gusto kong gawin."

Lalagpasan sana niya ito ng iharang nito ang braso kaya natigilan siya. Umatras ito para tingnan ang mukha niya.

"Bakit hindi mo sabihin kung saan ka nagtatago nitong mga nakaraang taon, Ru?"

Hindi sumagot si Loo.

"Sa mundo ng mga tao ka ba nagtatago? Malapit ba ang loob mo sa mga tao? Kaya ba interesado ka kay Mika? Hindi ka pa rin ba natatakot sa ginawa ng mga tao sa pamilya mo?" hindi naman ito nangungutya. Kalmado lang ang pagkakasabi nito.

Wala itong ideya kung ano ang ginawa niya. Kung ano ang nangyari sa kaniya dahil sa bangungut na dala ng ginawa niya. Pero hindi naman niya yun kailangan pang ipaliwanag dito ang lahat.

"Mag-iingat ka sa mga kinikilos mo, Ru. Ayaw kong malaman ng kapatid kong nakikipagmabutihan ka sa isang alipin."

Matagal bago siya nagsalita. "Di ba dapat sabihin mo yan sa sarili mo, Kamahalan?"

Pagkatapos non ay nagpatuloy na siya sa paglalakad at iniwan ang prinsepe. Hindi na niya ito nilingon.

Hindi naging maganda ang pakikipag-usap niya kay Enjeru ay saka naman ito eeksena. Kung kailan pinili ni Enjeru na sumuko na sa kaniya ay saka naman ito aali-aligid. Hindi magandang pagkakataon yun. Natatakot siyang baka makuha nito ang buong atensyon ni Enjeru eh.

Bakit kasi kailangan pang gawin ng pasaway na yun ang palabas na yun? Bakit kasi hindi na lang ito magalit ng tuluyan sa kaniya, saktan siya o sabihan ng masasakit. Mas matatanggap pa niya yun. Pero siguro nga yun ang nararapat sa kaniya dahil yun ang ipinadama niya dito. Ngayon lang niya alam na hindi madali ang lahat ng yun.

Ayaw na niyang dagdagpan pa ang sama ng loob nito sa kaniya pero hindi siya susuko. Bibigay at bibigay rin ito sa kaniya.

Pero may pagkakataon pa ba siyang gawin yun gayong...

Natigilan siya.

Gayong ikakasal na siya?



~~~~~~~


"Nagawa mo, Ru." Ang sambit ng Haring Kyuubi sa kaniya.

Nasa bulwgan sila ng palasyo.

Nakaluhod si Loo sa gitna. Nasa tabi ng Hari ang dalawa nitong anak na babae at lalaki. Nasa gilid naman ang ibang konseho ng mga Alamid. Ipinatawag siya para sa huling paglilitis ng kasalanan niya sa lahat ng bayan. May mga ilang tauhan din sa paligid.

"Natapos mo ang parusang ibinigay ko sayo ng walang kahirap-hirap, Ru." Masayang sagot nito na napatango. Tila ba nasisiyahan sa ipinakita niya.

Limang pagsubok o parusa ang ibinigay nito sa kaniya. Hindi naman madaling gawin yun dahil matagal na panahon din ang ginugul niya bago natapos ang lahat ng yun. Bagamma't sa tingin ng mga ito ay madali lang gawin yun.

Marahil may ilang mga Alamid na ang nakasubok ng mga parusang yun pero hindi kasing bilis niyang nagawa.

Nakayuko lang si Loo habang nakikinig sa mga ito.

May nararamdaman siyang tuwa dahil kahit papaano ay magaan na ang loob niya. Excited na siyang makabalik sa England. Excited na siyang makita ulit si Enjeru at aminin dito ang lahat.

"Natapos na ang parusang ipinatanaw ko sayo at nabayaran mo na ang kasalanan mo. Bagamma't hindi pa doon natatapos ang obligasyon mo bilang nahuhuling pulang Alamid."

Napatingala si Loo sa Hari. Seryoso na itong nakatingin sa kaniya.

Nakaupo ito sa gitna at suot nito ang magarbong kasuutan na mas nahihigit sa ibang tauhan na naroroon. Kitang-kita niya sa likod ang napakaraming buntot nito. Kung bibilangin, siyam yun lahat. Natatangi nga itong kyuubi at Hari ng mga Alamid.

"Obligasyon?" naulit niya.

"Ikaw ang dahilan kaya naubos ang lahi ng mga Alamid. At ikaw rin ang magiging dahilan para mabalik sila. Utang mo ito sa kanila. Utang mo ito sa ama mong Pinuno ng pulang Alamid."

Hindi na naalis ang kunot ng noo ni Loo dahil alam na niya ang gustong sabihin nito.

"Kailangan mong magpakasal at paramihin ulit ang lahi niyo."

"Ano?"



========================

Next, Chapter 214_ Huling Parusa

Updates on 5/30


Sorry for the late update.

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon