Chapter 286 _ Ang kompanya at ang Akademya

33 2 1
                                    


"Ginawang Trading company ang kompanya natin para malaya tayong makipagkalakan sa mga halimaw ng hindi alam ng mga tao. Ang kompanya ang tulay ng pakikipagkalakalan sa pagitan ng mga halimaw at mga tao. Ang ilan sa gamit ng mga halimaw ay gawa ng mga tao at ang ilan namang gamit ng mga tao ay gawa ng mga halimaw."

Hindi pa rin magawang makapagsalita ni Enjeru pagkatapos yung ipaliwanag ni Eugene sa kaniya.

"Ang kompanya natin ang malayang napupuntahan ng mga halimaw kapag may kailangan sila mula sa mga tao at kung may gusto silang ibinta sa mga tao."

"You mean to say, may direct contact ka ng ilang mga negosyanting halimaw sa mundo nila?"

"Oo naman."

Nasapo ni Enjeru ang bibig sa sobrang pagkamangha. Hindi niya inaasahang ganoon kalaki ang papel ng kompanya nila. Hindi na tuloy siya sigurado kung kaya ba niyang gamapanan ang papel nito.

Kaya pala palaging abala ito. Kaya pala palagi itong umaalis at pumupunta sa iba't-ibang panig ng mundo. Hindi lang pala ito nakikipagkalakan sa mga tao kundi pati na rin pala sa mga halimaw sa bansang yun?

As in?

"At my direct contact ka rin ng mga taong nakikipagkalakan sayo?"

"Yes." Proud pang sagot nito.

"Hindi ba sila nagtataka kung saan galing ang mga producto na ibinibinta mo sa kanila?"

"Tumatanggap kami ng mga anonymous names ng mga trade partners namin. Alam nila yun at alam din ng mga halimaw yun. Hangga't maayos ang produkto na naibebenta namin sa kanila at exact schedule ang padalahan, wala na silang reklamo doon. I make sure to satisfy the human partners para hindi na sila masyadong magtanong sa mga produktong naikakalakal namin. Halos lahat ng mga produktong yun, ay gawa ng mga halimaw. Pero hindi nila alam yun."

Magsasalita pa sana si Enjeru pero hindi niya magawa dahil sa sobrang pagkamangha. Hindi na niya naialis ang titig sa matanda. Punong-puno ng paghanga ang mga mata niyang nakatitig dito. Ngayon lang yata niya na-realize kung gaano ito kagaling na tao.

Parang gusto tuloy niyang mag-bow down dito.

"Which is why, naipo-provide ng kompanya natin ang kailangan ng mga halimaw na naririto sa mundo natin."

"What?" muli siyang nagulat dahil sa huling sinabi nito. "You mean to say may mga halimaw talaga na nagtatago dito sa mundo natin at nakikihalu-bilo sa mga tao?"

Natawa ito ng malutong dahilan para muling mapanganga si Enjeru. Akala niya tapos na siyang magulat pero hindi pa pala?

"Isa yan sa rules ng Vermillion Academy if I remember correctly." Giit niya pa rin sa matanda. "Hinding-hindi pwedeng magpakita sa mga tao. Paulit-ulit yung sinasabi." Hindi pwedeng hindi niya alam ang tungkol doon. Hindi siya papayag na nagmukha lang pala silang tanga sa lahat ng yun. Akala naman niya alam na niya lahat ng tungkol sa Vermillion Academy at sa mga halimaw. Yun pala, malaman-laman niyang may mga halimaw palang gumagala sa mundo ng mga tao ng hindi niya alam?

Alam niya ang tungkol kay Dean, pero madali naman itong maka-blend in. Ang ibig bang sabihin, hindi lang si Dean ang mga halimaw na nakakasalamuha niya kundi may iba pa pero hindi lang niya alam?

Wait, kaya ba binigyan siya ng bite mark ni Loo para itaboy ang mga halimaw na may tangka sa kaniya? Dahil alam pala nitong maraming halimaw sa paligid?

All along, alam nito? Alam ng lahat maliban sa kanilang tatlo? No wait, alam din kaya na rin kaya ni Erena yun kaya siya lang ang dinala doon?

Hindi maintindihan ni Enjeru ang nararamdaman. Nagulat siya oo, pero hindi rin niya naitago ang sobrang inis dahil wala man lang sinabi ang mga ito sa kaniya.

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon