"Guapo ba ang papa niya?"
"Enjeru naman eh."
"Nagtatanong lang naman eh. Isa pa, nakakamangha na hindi ka tinamad this time. Ano ba ang napakain ni Anna sayo at ganoon-ganoon na lang kalaki ang awa mo sa kaniya?"
Pinagmasdan lang ni Gera ang mga halimaw sa oval. "Hindi ko alam. Siguro na-aawa ako sa kaniya dahil ang papa na lang niya ang kasama niya at mawawala pa ang lahat sa kanila." Sagot niya.
"Hindi ka ba naaawa kay Civ? Sa mga halimaw?"
Hindi siya sumagot.
Sumeryoso na rin ang boses ni Enjeru sa kabilang linya.
"Pag-isipan mong mabuti ang gagawin mo, Gera. Hindi naman mali kung gusto mo silang tulungan, pero hindi sa paraan na may mapapahamak. Hindi dalawang tao ang pinag-uusapan dito kundi buong mundo ang makakaalam."
Hindi pa rin sumagot si Gera.
Nadidinig niya ang pag-nguya at paghigop ng kape nito. Malamang na dini-date nito ang sarili dahil wala itong kasama doon.
"Kay Civ ka talaga kampi noh?"
Tumawa ito ng malutong sa tanong niya.
"This time, yes." Sagot nito. "Kamping-kampi ako kay Civ. Between this Anna and Civ, I would be on Civ's side."
Hindi muna sumagot si Gera. Tiningnan niya ang gusali sa di kalayuan. Akala niya susundan siya ni Civ pero hindi naman ito sumunod.
"Eh ano ba ang pwede kong gawin para tulungan sila ng walang mapapahamak?"
"Un gâteau de plus s'il vous plaît." Sagot nito.
Naikunot ni Gera ang noo. "Ano?"
"Ah, sorry. Nag-order lang ako ng isa pang cake. Ano nga ulit ang tanong mo?"
Marahas na bumuntong-hinga si Gera. "Ano nga ang gagawin ko ng walang mapapamak?"
"Merci.'" Halatang kausap nito ang kung sinong waiter sa tinambayan nitong tindahan. "Pag-isipan mong maigi." Sagot nito habang ngumunguya.
Napa-ungol sa inis si Gera. "Hindi nakakatulong."
"Since naisipan mong tulungan sila, pag-isipan mo kung ano ang magagawa mong tulong ng walang mapapahamak."
"Bakit hindi mo na lang ako tulungan kasi. May naiisip ka noh?"
Tumawa ito ng malutong sa kabilang linya. "No way. Ba't ko naman sasabihin sayo? May isip ka, paganahin mo yan, tatamad ka kasi. Besides, risky ang ginagawa mo."
"Risky? How so?"
"Hindi lang sa mga halimaw kundi pati na rin sa relasyon niyo ni Civ."
Patda si Gera.
"Anyway, I have to go. Bebe time with my Loo-chan."
"Wait, Enjeru. Saglit lang. Anong ibig mong sabi---" pero pinatay na nito ang tawag.
Napamura na lang si Gera. Kinabahan siyang bigla ng sabihin nito ang tungkol sa relasyon nila na Civ. Ano ang kinalaman non sa gagawin nila?
Isa pa, anong tulong ang kailangan niyang gawin?
Nakamot na lang niya ang ulo dahil walang gustong pumasok sa isip niya. Bakit kasi hindi na lang sabihin ng magaling niyang pinsan eh?
Tinitigan na lang niya ang numero ng pinsan sa dala-dalang phone ng magawi ang mga mata niya sa camera ng phone.
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasia(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...