Chapter 279 _ Pagsundo sa Anak

36 7 0
                                    


"Well?" simpleng tanong ni Enjeru sa pinsan ng pumasok na ito sa kotse.

"Pupunta na siya dito." Sagot nito.

Tiningnan ni Enjeru ang pinsan na deretso lang ang paningin sa labas. Para itong nagpupuyos sa galit pero pinipigilan lang nito.

"Hindi ka nakapagpigil?" tanong niya dito.

"Hindi ko napigilang mainis sa kaniya. Naaalala ko kasi ang ginawa ng papa niya at napagbuntunan ko siya." Gigil na sagot nito. Marahas ang pagbuntong-hinga.

Tinawanan lang niya yun ng maiksi.

"Relax, Erena." Umayos siya ng upo. "Bawal kumagat ng tao, hindi ba?"

"Alam ko yun, kaya lang..."

"Oo na. Alam ko. Pero wala namang bawal na may gawin ako sa kaniya diba?"

Napatingin ito sa kaniya.

Kindat lang ang naging sagot ni Enjeru dito.

"Naiinis din ako noh?"

Natawa na lang ito.

Natigil ang pag-uusap nila ng pumasok na sa backsit si Anna.

Magaling at alam agad nitong sila yun.

Sabay nilang sinilip ang babae sa likuran na bahagya pang nagulat ng makita si Enjeru.

"Hi," nakangiting bati niya dito. "Ako si Enjeru. Pisan ng kaibigan mong si Gera. I'm sure nadinig mo na ang tungkol sa akin." Aniya.

Hindi agad sumagot habang nakatitig lang sa kaniya. Ewan kung natatakot ba ito o ano. Kakaiba kasi ang titig nito.

"Bakit?" takang tanong niya.

"Ikaw ang babaeng gusto ni Will?" sagot nito.

Lalong lumapad ang ngiti ni Enjeru. Totoo ngang nakakainis na makita ito kahit wala naman itong kasalanan. Dapat lahat ng inis na yun ay sa papa lang nito pero dahil anak ito ay nadadamay na ito.

"Tama ka! At ito, makinig kang mabuti, Anna." Lumamig ang boses niya pero di naalis ang ngiti. "Ako ang babaeng pinakamalala mong makikilala kay mag-iingat ka sa gagawin mo. Sa pagkakataong ito, hostage ka namin. Wag kang pumalag pa, hindi ka namin pakakawalan hangga't hindi namin nababawi ang kaisa-isang halimaw na dinukot ng papa mo."

"Kasama ng papa ko ang dalawang bruha na yun. Sila ang sumira sa isip niya. Wala siyang kasalanan dito." Katwiran nito.

Binigyan muna ng makahulugang tingin ni Enjeru si Erena bago hinarap ang babae.

"Sigurado ka bang ang papa mo lang at ang mga bruha ang may gawa nito?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala akong ibig sabihin, ang masasabi ko lang, saan galing ang mga tauhan at mga bagay na ginamit nila para sakupin ang buong akademya?"

Natigilan ito. Para bang noon lang naalala ang tungkol doon.

"Siguro nga naging kasanggkapan lang ang ama mo sa lahat ng ito, pero hindi ba't kasalanan din niya dahil nagpagamit siya? Anyway, kung totoong may mas malaki pang sindikato sa likod ng papa mo, hindi magiging madali ito. At sigurado akong walang halimaw ang mapapahamak. Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag may isa sa kanila ang napahamak?"

"Pero wala naman talaga siyang kasala—"

"Wag mong ipagdiinan sa akin na wala siyang kasalanan sa lahat ng ito!" tumaas na ang boses ni Enjeru.

Nagulat naman si Anna at kahit si Erena ay bahagya ring nagulat.

Natigilan naman si Enjeru. Ikinalma na lang niya ang sarili saka siya ulit ngumiti. "Look, hangga't hindi pa ako nakakasiguro kung sino talaga ang may kasalanan, lahat ng involve ay may kasalanan. Kahit ikaw." Hindi umimik ang babae. "Tandaan mo, mabait pa ako sa anghel kapag magkaibigan tayo pero mas masahot pa ako sa demonyo kapag kinalaban mo ako. Niintindihan mo?"

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon