"Heh~ Yan pala ang Black Market." Nasambit ni Enjeru ng makita ang bubong ng malaking Dome. Wala talagang mag-aakalang may ganong gusali sa lugar na yun. Kasing liblib ng lugar ng Vermillion Academy ang bahaging yun.
Kahit sino siguro ay magtataka kumbakit may ganong gusali sa lugar na yun. Pero wala naman makakapansin lalo na dahil sa bubong non na punong-puno ng halaman. Kung titingnan mula sa langit, iisipin lang ng kahit sino na malaking burol lang yun.
"Matalino ang may-ari ah." Tiningnan ni Enjeru sa katabi si Erena.
Wala itong kibo pero kitang-kita niya ang alanganin sa mukha nito. Hinawakan niya ang kamay nito kaya napalingon ito sa kaniya.
"Wag mong ipakita yan mamaya." Aniya sa pinsan.
Tumango ito.
"Kailangan nating pagbutihin ito. Kapag nakita nilang may alanganin tayo at hindi sigurado sa ginagawa, magdududa sila."
"Tama." Wika ni Haldo sa tabi nila. Anyo nito ang Haldo na kilala nila at hindi ang pagiging Alamid nito. "Kaya Enjeru, pagbutihan mo ang acting mo." Nilingon siya ng Alamid.
"Aba, aba. Ako yata to. Makikita niyo, pang Oscar Winner itong acting ko. Ang gagawin lang naman ay sumunod sa plano hindi ba?"
"Wag ka sanang gumawa ng kakaiba."
Napangiti lang si Enjeru. "Wala akong gagawin kung walang mangyayari."
Hindi ikinatuwa ni Haldo ang sagot na yun. Tinitigan lang niya ng masama si Enjeru pero ngisi lang ang naging sagot nito.
Namamangha pa rin siya sa ginawa ng mga tauhan nila. Parang hindi si Enjeru ang nakikita niya ngayon.
Mga kilalang artist at stylist ang pumunta sa mansion para ayusan ito. Kailangan nitong magmukhang rich hier sa isang malaking kumpanya. Pero hindi rin naalis na kailangan nitong magmukhang spoild para sa image na gagawin nito. Nakasuot na rin ito ng hair extention na may mga highlight. Kailangan nitong ng wild and spoild image.
Kahit si Erena ay kailangan ding magmukhang bodyguard slash slave ni Enjeru. Kailangan nilang makuha ang magandang impresyon ng mga taong involve kapag nalamang may isang aliping halimaw si Enjeru.
Pinaghandaan na nila yun ng dalawang araw. Hindi lang naman ang gagawin nila ang pinagplanuhan nila. Kailangan ding matuto ni Enjeru sa mga patakaran at kalakalan ng Trading Company. Kailangan itong makilala ang ilang mga kilalang negosyante at iilan pang mga kilalang halimaw na nakikipagkalakalan ng palihim sa kanila.
Ipinakilala din nila dito ang mga halimaw na lihim na nagtatago sa mundo ng mga tao. At sa katunayan, iilan sa mga yun ay mga kilalang tauhan, mapaartista man, politiko, o kung ano pang imahe.
Malaking mind blown nga kina Enjeru at Erena na isa palang halimaw ang iilan sa mga artistang kilala ng mga ito. Marami pang mga halimaw ang involve sa malalaking ahensiya ng gobyerno.
Ang tanging nakakaalam lang non ay si Eugene. At marahil ilan sa mga taong pinagkakatiwalaan ng mga ito.
Nakadepende sa performance ni Enjeru at sa pagiging kalmado ni Erena ang pagiging successful ng operasyon na yun. Sana lang hindi magwala si Erena. O kahit si Enjeru na gumawa ng sarili nitong desisyon.
Nakabantay pareho sina Eugene at Akito sa kanila. May dala silang hidden camera na si Eugene mismo ang nag-provide. May mga tauhang halimaw naman si Akito na pwedeng makipag-usap sa kanila through Telepathy. Kailangan nilang gamitin ang lahat ng meron sila para maging maayos yun. Kasama ng mga ito ang tahimik na si Anna.
Hindi naman nito kailangang naroroon, pero ayaw pakawalan ni Enjeru ang babae. Kapag daw kasi nagkagulo, gagamitin nila ito.
Hindi niya alam kung magiging proud ba siya dito o matatakot dahil sa mga tumatakbo sa isip nito.
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasía(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...