Chapter 254_ May Nagbabalik

61 5 0
                                    


Pumasok si Miguel sa sekretong silid niya. Sinipa niya ang pinto pasara sa sobrang inis. Hindi niya mapigilan ang magalit dahil para lang siyang ginamit.

"Sumpain ka, James. Pagkatapos ng mga ginawa ko ay basta mo na lang akong itatapon?"

Pasigaw na tinapon lahat ng mga nakapatong sa mesa. Nagwawala na siya. Nagbabasag.

Hindi niya matanggap na ganoon kadali lang na mawala ang lahat. Buong buhay niya, ibinuhos sa trabahong yun. Hindi siya papayag na basta-basta na lang na maalis sa kaniya yun.

Maghahanap siya ng halimaw at ipapamukha niya sa matabang James na yun na totoo lahat ng teorya niya.

Hindi niya papayag na ganoon lang ang gawin nito.

Kung kaya lang sana niyang suportahan ang sarili ay ginawa na sana niya. Hindi sasapat ang mga naipon niya pero hindi rin naman agad magtatagal pa ang mga yun kung ipagpapatuloy niya ang paghahanap. Kailangan niya ng malaking pinansyal na tulong para maipagpatuloy ang lahat ng yun.

Nagkamali siyang humingi ng tulong sa James na yun. Inakala niyang buo ang tiwala nito sa kaniya pero hindi pala.

"Ang saklap siguro. Yung ginamit ka at basta na lang itatapon."

Natigila siya sa nadinig.

Mabilis siyang tumingin sa pinto para lang makita ang isang babae. Tumitingin ito sa paligid. Minsan pa ay sinusundot nito ang mga bagay doon.

Nakasuot ito ng purong itim na damit. Maputla ang balat. Para lang itong teenager na goth na napadpad doon. Marahil ay kaedad lang ito ng anak niya.

"Sino ka?" naguguluhang tanong niya.

Humarap ito sa kaniya. Sumalubong sa kaniya ang bilog nitong mukha. Maganda ito kahit pa sabihing napaka-dark na make-up na suot nito.

"Paano ka nakapasok dito?" nakakapagtaka lang kung paano ito nakapasok doon gayong siya lang ang nakakaalam sa lugar na yun.

"Gumamit lang kami ng kaunting mahika." Ngumiti ito ng matamis.

Nagawi ang paningin niya sa kakaibang kulay ng mga mata nito. Marahil contact lens.

"Kami?" naulit ni Miguel.

"Pwede ka naming tulungan." Isang babae ang nagsalita sa tabi. Nakaupo lang ito sa couch doon. Katulad ng naunang babae ay nakaitim din ito. Kung hindi pa niya napansin ang pagkakaiba ng itsura, baka masabi niyang kambal ang dalawa.

Napaatras siya habang pabaling-baling ang tingin sa dalawang babae. Hindi man lang niya napansing pumasok ang mga ito.

"Sino kayo?"

"Nadinig namin ang nangyari kanina at nalulungkot kami para sayo. Pero mabuti ng malaman mo yun para malaman mong walang kwenta ang James na yun." Wika ng naunang babae.

Naikunot niya ang noo niya. Kahit dalawang teenager lang ang nasa tapat niya ay may hindi maipaliwanag na kilabot siyang nararamdaman mula sa mga ito.

"Hindi ka dapat magpadala sa banta niya Miguel. Kung gusto mo, tutulungan ka namin kung paano mo siya mapapaluhod sayo. Magmamakaawa siya kung tutuusin."

"Sino ba talaga kayong dalawa?"

"Ako si Marga."

"At ako naman si Rita."

"We are Witches." Duet ang mga ito.

Napanganga sa gulat si Miguel. Kaya lang ay nagulat ang dalawang bruha ng tumawa siya ng malakas. Hindi niya alam kung maniniwala siya sa mga ito o tatawa lang pero wala siyang magawa kundi ang tumawa lang.

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon