Chapter 273 _ Tangkang Pagtakas

28 4 1
                                    


"Sh!t!" mabilis na bumaba sa kotse si Gera ng ihinto yun ni Anna. Kaagad niyang tinakbo ang dereksyon ng gate at sumilip sa loob.

Napanganga na lang siya ng matanaw ang kaguluhan sa loob. May mga armadong lalaki ang bumabaril ng mga nagkakagulong mga halimaw.

"Erena!" dali-dali siyang pumasok.

"Tika lang, Gera!" napasunod din sa kaniya si Anna.

Hindi na niya ito hinintay dahil nag-aalala siya sa kalagayan ng kapatid. Binilisan niya ang pagtakbo ng harangan siya ng isa sa armadong lalaki.

"Anong ginagawa mo dito Miss? Dilikado dito." Pigil nito.

Nagdilim ang anyo niya saka sinuntok ng malakas ang lalaking agad natumba.

"Ikaw ang wag makialam!"

Mabilis niyang tinakbo ang dereksyon ng gusali.

Natigilan na lang siya ng makita ang pagtumba ni Anjiri sa tabi ng, hindi niya alam kung buhay pa bang si Philipe. Nasa di kalayuan ng mga ito si Mun.

"Anjiri!" nahindik siya sa nakita.

Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari at kumbakit nangyayari yun. Hindi naman siguro yun dahil sa pagpunta ni Anna.

Ilang mga halimaw ang nakita niyang wala ng malay at ang ilan ay tinutugis na rin ng ibang mga armadong lalaki.

Matitinis na tawa ang nadinig niya.

Nagulat na lang siya ng makita sina Marga at Rita.

Ang mga ito ba ang may pakana ng lahat.

"Gera?"

Tiningnan niya ang katabi at mas nagulat siya ng makita ang papa ni Anna. Halatang nagulat ito na naroon siya.

"Ikaw?" nagdilim ang anyo niya na agad itong sinugod. "Anong ginawa mo?"

"Bitiwan mo ako!" galit na sinampal siya nito.

Natumba siya sa lupa bago ito tinitigan ng masama.

"Alam mo naman siguro kung ano na ang nangyayari sa akiin diba? Kailangan ko itong gawin." Sagot nito.

"Papa!" gulat na tawag ni Anna.

Nagulat si Miguel ng makita ito. "Anna, anong ginagawa mo dito?"

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?"

"May mga halimaw dito, anak. Totoo nga sila. Tama lahat ng teorya ko." Masayang balita pa nito.

Di makapaniwalang tinignan ni Anna ang paligid. At tulad niya ay nahindik din ito sa nakita.

Napailing ang babae na ikinabura ng ngiti ng papa nito.

"Mali ito, papa. Maling-mali."

"Anong mali Anna? Ito ang matagal na nating hinintay, diba? Ito ang pagkakataon para patunayan sa buong mundo ang existence nila." Hinawakan nito ang babae. Kumawala si Anna dahilan para magulat ito.

"Pero hindi sa ganitong paraan."

"Ano bang pinagsasabi mo Anna?"

"Mali ito, papa."

Nagalit ang lalaki. "Kung ayaw mo akong suportahan, bahala ka. Ipagpapatuloy ko ito." Asik nito.

"Papa, sandali. Itigil mo na ito." Mabilis nitong hinawakan ang ama.

Iwinakli ng lalaki ang braso na ikinagulat lang ni Anna.

"Wag kang makialam!"

Madilim ang anyong tiningnan ni Gera ang lalaki.

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon