"Nice to meet you both." Nakangiting bati ni Haldo sa mag-pinsan pagkatapos niyang ipakita ang totoong anyo sa mga ito sa utos na rin ni Eugene.
Hindi na kataka-taka kung magulat man pareho ang dalawa.
"Isang halimaw si Haldo?!" naisigaw ni Erena.
"Isang Alamid si Haldo?" naisigaw naman ni Enjeru.
Napasipol lang si Akito na nanonood lang. "Ang tagal ko na ring hindi nakita ang anyong yan."
Tinitigan lang ng masama ni Haldo ang lalaki.
Wala si Anna doon. Kahit papaano ay binigyan sila nito ng privacy lalong-lalo na dahil private matter yun.
"Isa akong itim na Alamid. Kukunti lang ang uri namin kaya marahil ito ang unang pagkakataon na makita niyo ang tulad namin." Wika ni Haldo sa dalawang babae. Hindi pa rin naalis ang ngiti niya dahil natutuwa siya sa reaksyon ng dalawang babae.
"O yeah. Nabanggit nga ni Shiro na may tatlong uri ng mga Alamid. Puti, pula at itim. Parang manok lang." Sagot ni Enjeru.
Napasimangot si Haldo sa huling sinabi ni Enjeru at ang lakas naman ng tawa ni Akito.
"Kaya mo ring gawin ang kung anong kayang gawin ng mga Alamid?" tanong ni Erena.
Tumango si Haldo.
"Pangagaya?"
"Obviously."
"Fox Fire." Si Enjeru
Nagsample si Haldo sa kamay niya.
"Dahon?" si Erena ulit ang nagtanong.
Naglabas siya ng dahon at idinikit sa sariling ulo. Naging si Eugene siya.
"Pagsanib ng iba't-ibang bagay?"
"Mga Kyuubi lang ang kayang gumawa non."
"Well then, ano ang kaibahan mo sa ibang Alamid maliban sa kulay?"
Napasaisip si Haldo. Sa katunayan ay hindi rin siya sigurado. Kung ano ang kayang gawin ng mga pulang alamid ay kaya rin naman nilang gawin. Ng hindi siya makasagot ay parehong may dismaya pa sa mukha ng dalawa. "Mas guapo kami."
Ang lakas ng tawa ni Akito na halatang nang-aasar. Hindi naman mapigilan ni Eugene ang matawa. Hindi naman nakapagsalita ang dalawa dahil hindi inaasahan ang sagot na yun.
"Well then," nagsalita na si Enjeru saka siya naglakad palapit kay Haldo. Umikot pa at pinagmasdan ang kabuuan ng matangkad na lalaki. "Kapag sa akin ka na nagsilbi, gusto ko ganito lang ang anyo mo. But human form."
"Not so fast." Pigil ni Haldo sa babae sabay duro ng noo. "Alam kong mahilig ka sa guapo, Enjeru. But as much as possible, ayaw kong kunin ang atensyon ng lahat kaya dapat karaniwan lang ang itsura ko."
Napapiksi si Enjeru. Tiningnan niya si Eugene for confirmation.
Tumango ang matanda bilang pag-sang ayon sa sinabi ni Haldo.
"At sasabayan mong tumanda si Enjeru?" tanong ni Erena sa itim na Alamid.
"Sa anyo lang na gagayahin ko. Yes."
"Paano mo nagagawa yun na gumaya ng bagong mukha?"
"Anyway," agaw pansin na ni Akito sa apat. "Ngayon alam niyo ng isang halimaw si Haldo, mas magiging madali na lang ang gagawin nating mag-infiltrate sa Black Market. Na-kontak ko na ang mga tauhan ko. Alam ko na kung paano tayo mapapabilang sa mga VIP nila." Tiningnan niya si Eugene ng may makahulugang tingin.
Napabuga ng lang ng hangin si Eugene ng malaman ang ibig sabihin non. "Ako na ang bahala sa payment."
Ngisi ang naging tugon ni Akito.
~~~~~
Hindi kumibo si Miguel ng makitang sini-serve ng mga kilalang chief ni Richard ang mga kakainin nila. Kasama niya sa mesa sina Marga at Rita na halatang masayang-masayang naroroon.
"What's wrong, Miguel. Don't you like the menu?" tanong ni Richard sa kaniya.
"Hindi naman po sa ganoon." Aniya saka tiningnan ang nasa harap. Kahit anong titig ang gawin niya, hindi pa rin siya namamalikmata kung ano ang naka-serve sa tapat niya.
Isang Gremlin.
"Gremlins are a good delicacy." Sambit ni Richard habang sinimulan na nitong hiwain ang karne ng halimaw sa plato nito. "Isa rin sila sa madaling hulihin. You should try it, siguradong masasarapan ka."
Tumango lang siya saka kinuha ang tinidor at kutsilyo. Tiningnan niya ang dalawang mangkukulam na naghihiwa na rin ng maliit na piraso saka yun sinubo.
Hinintay niya ang reaksyon ng mga ito hanggang sa magpatango-tango.
"It's very good Mister Richard." Wika ni Marga dito. "Matigas ang balat ng mga Gremlin. Nakakamangha na malambot ngayon."
"But of course, we do have the finest cheif we could get." Sagot ni Richard.
"Nakatikim na kayo ng Gremlin dati?" tanong ni Miguel sa mga mangkukulam.
"Miguel, hindi lang Gremlin ang kaya naming kainin." Makahulugang tanong ni Rita sa kaniya. "As far as we all know, mga halimaw pa rin kami."
"True." Segunda ni Marga habang ini-enjoy ang pagkain niya.
"Ang mga halimaw," wika ni Richard. "Ay para ring mga hayop, meron din silang food chain. Survival of the fittest, ika nga. Predators and Prey. Tayong mga tao ang prey nila pero kung sila-sila lang ang magpapatayan, isa ang mga Gremlin sa bottom feeders. At kita mo naman ngayon, tayo ang predator ng mga tulad nila." Natawa pa ito ng maiksi sabay subo.
Pasimpleng napalunok lang si Miguel hindi dahil naglalaway siya kung hindi dahil namamangha siya na may kasamang takot.
Ang dami niyang bagong natuklasan sa lugar na yun. Kahit sa pagkain ng mga halimaw ay bagong-bago rin sa kaniya. Yun rin ang unang pagkakataon na makakatikim siya ng halimaw.
Muli siyang napalunok saka nagsimulang humiwa ng maliit na piraso. Nakatingin naman sa kaniya ang tatlo at inaabangan ang pagsubo niya.
Bahala na siguro.
Saka niya sinubo ang maliit na piraso. Inaasahan na niya ang pinakamasamang lasa na matitikman niya sa buong buhay niya. Kaya lang ay hindi niya inaasahan na lasang manok lang pala yun.
"They usually attack livestocks." Sagot ni Richard. "Kaya lasang manok lang sila."
Bumungisngis ang dalawang mangkukulam. Marahil pinagtatawanan ang reaksyon niya.
==========================
Next, Chapter 288 _ Pagsusuri sa mga Halimaw
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasy(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...