Chapter 294 _ Sakripisyo para sa Agham

29 3 2
                                    


"So, ano ang maipaglilingkod ko sayo Miss Friar?"

Hindi sumagot si Enjeru. Kinuha lang niya ang inuming naka-serve para sa kaniya. Dinala siya ng matanda sa pribadong silid kung saan ay sila lang ang naroroon. Ilan sa mga pinagkakatiwalaang tauhan nito. Naroon din sina Haldo at Erena sa sulok kung saan ay permenting nakabantay lang ang dalawa.

Sumimsim ng kaunting inumin si Enjeru habang nakatitig sa matanda na nakamasid lang sa kaniya.

Hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung ano ang pangalan nito. Wierd naman siguro kung itanong niya yun dito. Nasabi na niyang may kaibigan siya pero baka magtaka ito kapag nalamang walang nasabing pangalan ang kaibigan na yun.

"Gusto kong maging isa sa VIP dito. Interesado ako sa kung ano ang ginagawa niyo dito." Sagot lang niya dito.

"Hindi ko alam na interesado sa mga halimaw ang may-ari ng Friar Trading."

"Siguro ang dating may-ari hindi, pero iba ako. Nakakamangha ang mga halimaw. At simula nong malaman kong totoo sila, hindi na sila nawala sa isip ko."

"Alam ko ang pakiramdam na yan. Ang mga halimaw na kasama mo ay.." sinulyapan nito ang dalawa sa bandang likuran niya.

"Si Erena ay isang alipin ko slash bodyguard. Isa siyang bampira. Si Haldo naman ang aking butler. Isa siya sa umaalalay sa akin specially when it's handling my work. He is very capable. He's is also slash my boy toy."

"Boy toy?" namananghang tanong nito.

"Katulad ng sabi ko, he is very capable." Binigyan lang ng makahulugang tingin ni Enjeru ang matanda. Napangiti lang ito sa sagot niya.

Walang kibo sina Erena at Haldo sa usapan ng dalawa.

Si Haldo ang nahihiya sa sinabi nito dahil wala sa plano yun.

"Gusto mo rin ang mga halimaw regarding that department?"

"I'm very active see." Uminom ng maiksi si Enjeru. "I always want something new. Masyado ng common ang mga tao, that's why I'm looking for something else."

"I see, I see. Yan ba ang dahilan kaya gusto mong maging VIP?"

"Yes. Gusto kong mag-invest. Gusto kong bumili dito. Dinig ko ay madalas kayong magpa-auction lalo na kapag may bagong mga halimaw? Baka lang sakaling may magustuhan ako. I'm so excited."

"Indeed. We will settle the matter regarding the VIPs. Excited lang ako ng malaman na lumapit na rin sa wakas ang may ari ng Friar Trading."

"Sa wakas?" naulit ni Enjeru.

"Yes. Nadinig ko na sa mga client ko ang tungkol sa kompanya mo. Isa sa pinakamalaking kompanya. I was hoping that the owner would come and reach us soon."

"Why?"

"It's the Trading of course. Mas madaling maka-export ng mga halimaw sa iba't-ibang mundo ng hindi dinadaan sa legal na proseso hindi ba?"

"Export," naulit ni Enjeru habang nakatitig sa wine na nasa loob ng baso. "Yes. Good point." Pinigil niyang ibato dito ang hawak na baso.

Export. Parang produkto lang ah.

"With this, we can do business with each other diba?"

Napangiti si Enjeru sa sinabi nito. Hinarap niya ang matanda at tinitigan ito. "Nakikipag-negosyo ka rin ba sa iba mga VIPs?" tanong niya dito.

"But of course. It's much easier to do an illegal business kung may kasama kang legit at madaling makapagtago sa mga mata hindi ba?" natawa pa ito ng malutong.

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon