Hindi nakaimik si Enjeru dahil sa hindi inaasahang sinabi ni Loo. Kumalma na siya saka naman ito lumayo at tumititig sa mga mata niya. Gustong lumambot ng puso niya ng makita ang parehong pagmamahal at hinanakit sa mga mata nito.
"Patawarin mo ako kung wala akong sinabi sayo." Sinabit nito ang ilang hibla ng buhok sa teynga niya saka hinawakan ang pisngi niya at hinimas ng marahan. "Natatakot akong umamin dahil sa nangyari sa buong lahi ko, Enjeru. Pero maniwala ka sa akin, mahal na mahal kita. Kaya lang, kahit gusto kong sabihin yun ay tinatalo ako ng matinding takot. Nasaksihan ko ang isang nilalang na lumabag sa taboo, Enjeru. Hindi naging maganda ang kapalaran sa kaniya. Nalabag ko rin marahil ang taboo ng dahil sa isang tao ay ipinagkanulo ko ang buong lahi dahilan para maubos sila. Natatakot akong kapag bumigay ako, matutulad ka sa kapalaran niya. Na marami ang mapapahamak hindi lang ikaw at ako." Huminto ito at tumitig sa kaniya. Marahil hinihintay ang sasabihin niya.
Titig lang ang binigay ni Enjeru sa lalaki. Wala siguro itong nabasa sa kaniya kaya niyakap siya nito ng mahigpit.
"Maniwala ka sa akin, sinubukan ko Enjeru. Sinubukan ko. Kaya lang tinatalo ako ng takot ko. Ng konsesiya ko. Hindi ko gustong umalis ka papunta sa Paris, hindi ko gustong masaktan ka. Kaya lang mas ayaw ko namang mapahamak ka dahil lang nilabag natin ang taboo. Hindi mo alam pero hindi mawala sa isip ko ang kalagayan mo. Kung kumusta ka na. Natatakot akong baka nakahanap ka na ng ibang lalaking para sayo. Isang tao.
"Pinilit kong gustuhin yun pero hindi eh. Yun ang dapat para hindi ka mapahamak pero hindi ako matahimik. Kaya nong sabihin mo sa akin na may kasintahan ka na, kahit na alam kong nagsisinungaling ka lang ay natakot ako. Kaya pinili kong bumalik dito at harapin ang lahat. Na tapusin ito at iwan ang lahat ng masamang alaala. Para kapag nakabalik ako, sayo, handa na akong umamin. Handa na akong tanggapin ka."
Napatitig lang si Enjeru sa kisame. Hindi na nawala ang pagtulo ng luha niya dahil masaya siya. Ang tagal na niyang gustong madinig yun. Ang tagal na niyang hinintay yun.
Hinayaan lang niyang magsalita si Loo habang tahimik lang siyang umiiyak sa sobrang saya.
Lumayo ito at tumingin sa kaniya. Hindi na nagawang itago ni Enjeru ang emosyon at patuloy lang siya sa pag-luha.
"Gusto kitang suprisahin pag-uwi ko." Natatawang sambit nito saka pinunasan ang luha niya. "Gusto kong umamin sayo, tanggapin at suklian ang binibigay mong pagmamahal sa akin. Nitong mga nagdaang taon nagpigil ako dahil takot ako. Kahit ngayon takot pa rin ako. Kaya lang mas takot ako sa trato mo ngayon. Mas takot akong kalimutan mo ako. Na hindi na ako. Kaya kung itatanong mo sa akin kung alin mas nakakatakot,"
Napaiyak na ng tuluyan si Enjeru dahil sa sobrang saya. Di na rin niya napigilan ang mapangiti habang hinihintay ang sasabihin nito. Parang alam na rin naman niya eh.
Ngumiti ng matamis ang Alamid bago nagsalita. "Mas takot akong mawala ka." Pinupunasan nito ang luha niya. "Kaya handa na ako, Enjeru. Handa akong harapin ang lahat. Handa na akong ipaglaban ka. Kung ano man ang mangyayari sa atin simula ngayon, haharapin ko lahat ng yun ng walang takot. Kaya, itigil mo na ang pagpapanggap. Mahal na mahal kita." Saka siya hinalikan sa labi.
Napapikit na lang si Enjeru at tinanggap ang halik nito. Hindi pa rin natigil ang iyak niya. Hindi niya maipaliwanag ang sobrang sayang nararamdaman at parang sasabog ang puso niya. Ang tagal din niyang hinintay ang halik na yun eh.
Niyakap na lang niya ng mahigpit si Loo habang tinatanggap ang halik nito sa kaniya. May katagalan yun hanggang sa lumayo ito at tumitig sa kaniya.
"Ba't ba umiiyak ka pa rin?" natatawang tanong nito habang pinupunasan ang luha niya.
Hindi sumagot si Enjeru. Buong pagmamahal na tinitigan lang niya si Loo. Hindi niya kasi maipaliwanag ang saya eh. Hinawakan lang niya ang mukha nito.
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasy(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...