MERRY CHRISTMAS Readers!
Here's two Chapter as my Christmas Gift to you who love Vermillion Academy.
=================================
Galing si Erena sa canteen ng mapansin niya ang ilang mga halimaw na papunta sa fifth floor. Pansin na pansin niya agad ang mga ito dahil hindi lang naman bastang magba-barkada ang magkasama. Para bang buong section ng mga halimaw.
Hindi muna siya umakyat at hinayaan ang mga itong naglakad paakyat ng hagdanan habang humihigop ng dugo mula sa carton na galing sa canteen.
Sa katunayan ay matagal na niyang napapansin yun kahit nong bago pa lang sila doon ng pinsan at kapatid niya.
May grupo ng mga halimaw ang umaakyat at pumapasok sa isang silid na nasa tabi ng Museum. Ang na silid na yun ay isang convention area na kasya ang maraming halimaw. Doon nila ginanap ang Christmas Party nila dati.
Iniisip lang niya na may special class lang ang mga ito. Marahil hindi na rin yun iba ngayon sa nakikita niya.
Naikunot lang niya ang noo niya ng mapansin niya sina Brain, Pu and Sit na umaakyat din kasama na rin ang ilang mga kaklase niya.
Hindi ba yun ibang section?
"Brain, Pu, Sit." Tawag niya sa tatlo. Sabay pang tumingin ang mga ito sa kaniya. "Saan ang punta niyo?" naglakad siya at sumabay sa mga ito. "Pupunta din kayo sa Convention Room?" natanong niya.
"Oo naman. It's time for us to take the lesson as well." Sagot ni Brain sa kaniya.
"Lesson para saan?"
"Hindi mo alam?" tanong ni Pu. "Lahat ng mga non-humanoid form na halimaw ay dumadaan sa ganitong lesson every week."
"Non-humanoid?" naulit niya.
Nagkatinginan ang tatlo na para bang may kakaiba pa. "Mga halimaw na hindi mga anyong tao." Sagot ni Sit. "Ikaw, anyong tao ka kaya malamang na hindi ka isasali. Madali lang naman kasi sa inyo ang makapagtago."
"Makapagtago saan?" naulit niya.
"Sa mga tao, duh."
Nahinto lang sa paglalakad si Erena ng makarating na siya sa third floor. Nasundan na lang niya ng tingin ang mga ito na umakyat pa.
"Bye, Erena. See you later." Paalam pa ng mga ito.
Kaway lang ang naging sagot niya pero hindi na naalis ang kunot-noo niya. Hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan nila.
Saka lang din niya napansin, na walang mga halimaw nga doon ang anyong tao. Lahat ng mga ito ay may mga unique na anyo.
Nalilitong naglakad na lang siya pabalik sa room nila. Ng buksan niya yun ay wala ng halos halimaw. At lahat ng mga naiwan ay mga halimaw na masasabi pang anyong tao.
May kaniya-kaniyang ginagawa ang mga ito.
"Erena," tawag ni Vam sa kaniya. Ngiti agad ang sinalubong nito.
Naglakad siya palapit saka inabot dito ang dugo na dala niya para dito. Kaagad naman nitong kinuha yun at ininom.
Napatingin na lang siya sa paligid dahil kunting-kunti na lang sila. "By the way, saan pupunta sina Brain at ang iba?" baling niya sa mga ito.
"Nakita mo silang paalis?" tanong ni Mun sa kaniya.
Tumango lang siya.
"Ah, it's probably that time already." Sagot ni Vam.
"Ang alin?"
"Yung mga halimaw kasi na hindi anyong tao, dumadaan sila sa spesyal na lesson. Kailangan nilang kunin yun for twenty-five years hanggang sa makompleto nila. It's like a special course for them." Paliwanag ni Mun.
"Special Course?"
"Wala yung specific na pangalan pero tinatawag namin yun, Blending with the Humans course." Sagot ni Vam.
Naikunot ni Erena ang noo niya. Yun ang unang pagkakataon na nadinig niya yun.
"Basically, isa yung kurso para matuto ang mga halimaw kung paano makaka-blend in sa mga tao. For emergency measure." sagot ni Mun.
"Ba't hindi kayo kasali?"
"Madali kaming makapagtago." Sagot ni Vam. "Pero hindi dahil kaya naming gawin yun ay hindi na kami dumadaan sa kurso na yun. Dumadaan din ang mga tulad namin pero hindi kasing tagal ng tulad nila."
"Hindi ba't kailangang iwasan ng mga halimaw ang mga tao?" natanong niya.
"Oo naman. It's a must. Pero hindi mo maiiwasan na may mangyari at makasalamuha mo ng wala sa oras ang mga tao, kaya kailangan naming mapag-aralan ang ganoong kurso para naman hindi mataranta ang mga halimaw kung sakali noh?"
"I see," nasagot na lang niya. "Kailangan ko rin bang dumaan non?"
"Siguro," sagot ni Mun. "Siguro ipapatawag ka rin. May separate lesson din kasi sa iba't-ibang uri ng mga halimaw lalo na dahil may iba't-ibang paraan din sila kung paano makapagtago."
"Sa mga bampirang tulad natin, mas makaka-blend in tayo kapag gabi." Sagot ni Vam.
"Ano ang mangyayari kung makompleto na ang kurso na yun?"
"Graduation," sagot ni Loo.
"Ha?" mabilis na tiningnan niya si Loo. Mas lalo tuloy siyang nalito. Ngayong sinabi nito, hindi niya alam kung ano nga ba ang basihan ng graduation sa mga halimaw.
Ang tanging alam lang naman kasi niya ay kung kailan gusto umalis ng mga halimaw sa paaralan.
"Oo nga pala. Nagpaplano ka ng umalis dito sa school diba Loo?" baling ni Mun sa Alamid. "Kailangan mo pa bang kunin ang Final Exam eh sigurado namang perfect score ka na?"
Natawa lang si Loo ng maiksi.
"Sana ol." Nasagot ni Vam.
"Final Exam." Naulit ni Erena. "May Final Exam din dito?"
"Oo naman. Kailangan mong kunin ang Final exam lalo ng kung kailangan mo ng permeso para manirahan sa—"
"Mun."
Sabay-sabay silang tumingin sa pinto ng bumungad doon si Anjiri. Suminyas lang itong lumapit.
Kaagad naman na tumayo si Mun. "Aalis muna ako." Paalam muna nito sa kanila bago ito sumundo kay Anjiri.
Takang nasundan na lang nila ng tingin ang dalawa.
"Saan pupunta ang mga yun?" natanong ni Erena. Tiningnan niya sina Vam at Loo pero pareho lang na napailing ang dalawa.
Napapansin na rin niya lately na pasimpleng umaalis ang dalawa. Hindi niya alam kung saan pupunta ang mga ito pero wala namang sinasabi si Vam sa kaniya. Hindi na rin siya masyadong nagtatanong pa.
"Naghahanda sila para sa kursong yun." Si Loo ang sumagot sa tanong niya. "Madalas pinapatulong si Mun lalo na dahil isa siya sa pinakamatalino dito sa school."
Ngayon lang niya napapansin na ang dami ngang nangyayari sa akademya. Ni hindi niya alam na may Final Exam pala para basihan sa pag-alis ng akademya. Hindi niya alam na may ganong kurso pala.
Actually, hindi nga siya sigurado kung tama ang alam niyang goal ng Vermillion Academy eh.
Ang tanging alam lang niya sa akademya ay tumutulong yun sa mga halimaw na walang mauuwian.
Sa katunayan, hindi na siya sigurado kung tama pa ba ang alam niya tungkol sa mga halimaw at sa mundo ng mga ito.
Kung tutuusin, ang dami pa nga nilang kailangang malaman.
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasía(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...