Jana's POV
Hawak hawak niya ang mapa sa kanang kamay habang ang isa naman ay sa busy sa paghawak ng bayong.
Malapit lang naman kaya pwede niya nalang lakarin. Wala namang problema sa kanya pero ang mas pinoproblema niya ngayon ay kung saan siya kukuha ng mga damit na susuotin niya. Ayaw niyang sabihin ang sinapit sa kanyang Nanay at Tatay dahil mag'aalala lang ang mga iyon.
Binabagtas niya ang kahabaan ng daan ng makaramdam ng gutom. Kailangan niyang magtipid. Isang daan lang kasi ang nasa bulsa niya. Kaya naman tiniis niya nalang ang gutom at binagtas na ang maingay at mausok na daan ng Manila.
Maglalakad na sana siya papuntang kabilang kalsada ng makaramdam ng pagkahilo.
Hala bakit umiikot ang paligid ko?
SSSCCCRRREEEAAACCCHHHH
Hindi niya na alam ang nangyari pero parang may nagkakagulo.
"Ohmygosh Xian i-check mo ang bata"
Narinig niyang sabi ng isang tinig. Unti unti siyang nagmulat at nakita niyang nakahiga na pala siya sa kalsada.
"Ineng okay ka lang ba?",tanong ng isang lalaki sa kanya.
"Ah opo nahilo lang po ako. Pasensya na po sa abala."
"Buti nalang nakapagpreno ako ng maaga kung hindi baka nabundol na kita."
"Iha, are you alright? May masakit ba sa iyo? Nagasgasan ka ba? Dadalhin ka namin sa hospital.", napatingin siya sa malambing na tinig na iyon.
Tumingin siya dito at nagkatitigan sila. Ang ganda niya. Para siyang anghel. Grabe unang araw palang ay nakakita na siya ng artista...
Ang ganda ng mga mata nito.
"Ehem...."
Napatigil siya sa pag-iisip ng tumikhim ng malakas ang lalaki kanina.
"Are you alright iha?",nag-aalalang tanong ng magandang babae.
"O-opo...."
"Halika dadalhin kita sa hospital para makasigurado tayo na okay ka lang."
"Ah hindi na po ma'am. Makaka abala lang po ako sa inyo. At saka hindi naman po ako nasaktan. Okay lang po ako."
"Tawagin mo nalang akong Tita Megan",nakangiting sabi nito at titig na titig sa kanyang mukha. Bahagya pa siyang nailang.
Ang bait bait niya at ang ganda talaga.
"A-ako po si Jana...."
Gggrrrooowwwlllll
Nang tumunog ang tiyan ay halos kasing pula na ng makopa ang pagmumukha niya. Nakakahiya....
"Pahensya na ho kayo",nahihiyang hingi niya ng paumanhin.
"Hahahaha alam ko na kung saan kita dadalhin iha. Halika mukhang gutom ka na"
"Naku nakakahiya po. Huwag na po."
"No. I insist.Hindi ko alam pero malapit ang loob ko sa iyo mukha ka kasing mabait na bata kaya sige na pagbigyan mo na ako"
"S-sige po"nahihiya niyang sagot saka inisa isang pinulot ang mga nagkalat na prutas at gulay sa kalsada. Tinulungan siya ng lalaki kaninang tinawag na Xian. Bodyguard pala siya ni Ma'am Megan.
Pumasok na sila sa sasakyan.
Wow ang gara dito sa loob. First time niyang sumakay sa sasakyan.
"Komportable ka ba iha?"
"Ahh ehhh ang lamig po...."
"Hahahaha Xian pakihinaan nga ang aircon ng sasakyan",natutuwang sabi nito at agad namang sinunod ni Manong Xian.
"Taga saan ka Jana?",pagkuwa'y tanong ulit sakin ni Tita Megan.
"Sa malayong probinsya po "
"Bakit ka nandito sa Manila?"
"Para po mag-aral ma'am natanggap po kasi akong scholar sa Esteban High."
Kumunot ang noo nito at tiningnan si Manong Xian na parang naghahanap ng sagot.
"Ang Esteban High ma'am ay pagmamay ari ni Don Harris Esteban. Kasosyo po ni Master Kristan sa negosyo. Isang kilalang eskwelahan na pawang mayayaman at maimpluwensyang tao ang nakakapasok",mahabang paliwanag nito.
Ilang minuto pa ay huminto na ang sasakyan sa hindi niya alam na kainan.
Wow..ang ganda naman ng mga kainan nila dito. Sa probinsya ay karinderya lang eh.
"Halika iha...pumasok na tayo. Hindi mo ba pwedeng iwan mo muna ang gamit mo sa kotse para mas komportable ka?"ang tinutukoy nito ay ang bayong na yakap yakap.
"Naku okay lang po. Mahirap na po baka po kasi makalimutan ko."
"Xian hawakan mo muna ang gamit niya"
'Hindi po ma'am nakakahiya naman po kay Manong"
"Manong?Hahahahahha"
"Ma'am naman magkakaedad lang kaya tayo nina Master",kakamot kamot na sagot ni Xian.
"Ah eh bakit po?",inosenteng tanong ni Jana sa kanila.
"Ahh wala iha natutuwa lang ako sa iyo. Ang mabuti pa ay pumasok na tayo haha"
Pagpasok nila ay tumingin ang mga taong naroroon sa loob na ng kainan. Napansin niyang nagsiyukuan ang mga nagtratrabaho roon kaya naman kada matapat siya sa mga nakayuko ay yumuyuko din ako pabalik.
ayst...ang hirap naman pala dito sa Manila..kakaiba ang mga tao dito.
Hindi niya naman alintana ang mga taong nakatingin sa kanya na puno ng panghuhusga at nakataas ang kilay.
"Hahaha I really like this kid Xian reminds me of my old self once upon a time",masayang sabi Ma'am Megan pero hindi kahit hindi niya maintindihan ang tinutukoy nito.
Umupo na sila sa mesa at hindi naman nagtagal ay may mga waiter ng nag asikasu sa kanila.
May binigay silang menu ng mga kakanin..wow..parang mukhang masasarap ang mga ito ah.
Napansin niyanh nagbubuklat buklat narin si Ma'am Megan kaya nakigaya narin siya habang hindi parin binibitawan ang bayong.
T-bone? Ano kaya ito mukhang masarap ah. Magkano naman kaya? Nang tiningnan niya kung magkano ay 2600.00 lang pala ang isang order.
Ha?! Grabe naman dito 100 na ngalang ang pera njya eh. Kaya naman nanghihina niya itong tiniklop ulit.
"May I take your order ma'am?";nakangiting sabi ng waiter.
"May napili ka na ba iha?",tanong ni Ma'am Megan.
"Ahh ehh kung may free silang sopas iyon nalang po saka isang kanin at isang service water ",sabi niya
"Ho?",kumakamot na sabi ng waiter.
"Hahahaha Never mind her...pakiserve nalang lahat ng nasa menu dito sa mesa namin...",natatawang sabi Ma'am Megan.
"Noted ma'am....",sabi ng waiter saka umalis na
~
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Fiksi RemajaShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...