Kabanata 2

30.4K 666 7
                                    

Jana's POV

"Kung iyan ang nakabubuti para makamit mo ang pangarap mo anak ay gagawan namin ng paraan iyang pagpunta mo ng Manila",suhestiyon ng kanyang Nanay habang kumakain sila sa maliit nilang hapag kainan.

Nakwento niya kasi sa kanila ang tungkol sa scholarship na inooffer ng Esteban High.

"Pero ikaw ba eh makakaya mong mabuhay ng nag-iisa lang jan sa Manila. Malaki iyang Manila anak. Iba ang buhay doon",sabi ng kanyang Tatay.

"Naku Tatay ako pa yakang yaka iyan Tatay. Magtatrabaho din po ako doon during my vacant times para hindi po kayo mahirapan ni nanay..."

"Naku anak napakaswerte namin sa iyo ng Tatay mo pero ano ba itong alien na sinabi mo anak? Alam mo namang no red no rit kami ng Tatay mo eh.",natatawang sabi ng kanyang nanay.

"Si nanay talaga no read no write po saka english po iyon nanay..."

"Hay nako pareho lang iyon. Eh mabalik tayo kailan daw ba ang alis mo anak?."

"Sa susunod na pasukan na po Nay kasi malapit na po kasing matapos ang school year eh. Doon po ako mag-fo fourth year...."

"Oh eh okay pala eh para makapag ipon pa ng kaunti para naman may baunin ka pagpunta mo roon"

"Opo Tay at saka nangako naman po ang lokal na pamahalaan na magbibigay din po sila ng pinansyal na tulong sa akin para po sa pag-aaral ko po doon."

"Talaga? Aba eh salamat naman kung ganoon. Kaya ikaw anak pagbutihin mo ang pag-aaral mo doon."

"Opo Nay...."

~

Mabilis lumipas ang mga araw at natapos na ang school year. Nakuha ni Jana ang pinakamataas na parangal. Syempre masayang masaya ang kanyang mga magulang sa nakamit ng anak. Sulit ang kanilang hirap sa pagpapa-aral sa nag-iisang anak.

Sa bakasyon ay tumutulong naman siya sa mga magulang sa paghahanap buhay. Dahil sa  talento ay sumasali narin siya sa mga paligsahan sa pagkanta kaya naman may kaunti na siyang naiipon.

At dumating na nga ang araw ng kanyang pag-alis...

"Nay mamimiss ko po kayo", umiiyam na sabi niya sa  kanyang Nanay habang yakap yakap niya ito. Nasa terminal na sa ng bus papuntang Manila.

"Naku ang anak ko dalaga na. Mag-iingat ka doon ha? Huwag magpapabuntis. Naku sinasabi ko sa iyo Jana Ramos isipin mo ang sakripisyo namin ng Tatay mo. Mag-aral kang mabuti at magtapos."

"Naku Minda bitawan mo na yang anak mo at tama na yang drama niyong mag-ina at paalis na ang bus",singit ng kanyang Tata.

"Tay mag-iingat din po kayo dito ni nanay ha? Kung makakatyempo po tatawag po ako "

"Naku anak sayang lang iyan sa pera."

"Tay naman eh sa mamimiss ko kayo ni Nay eh",nakangusong sabi niya.

"Oh siya siya wag ka ng ngumuso dyan. Dalaga na ang anak ko oh ",naluluha ring sabi ng kanyang Tatay.

Sinunod niyang yakapin ang kanyang Tatay.

"Anak ang bilin ko sa iyo palagi mong itago sa tela ang balat mo sa likod ng palad mo ha iyan ang magdadala sa iyo ng swerte "paalala sa sa kanya ng kanyang nanay.

"Opo nanay nilagyan ko na po ng tela. Gumupit narin po ako ng ibat ibang kulay para po may pamalit.."sagot niya dito. Mula bata pa ay pinagbawalan na siyang ipakita sa mga tao ang kanyang balat dahil ito raw ang swerte niya.

"Sige po Tay, Nay alis na po ako. Mahal na mahal ko kayo ",sabi niya saka bumitaw na. Dali-dali niyang pinunasan ang luha at saka binitbit ang lumang bag na kinalalagyan ng gamit niya pati na ang mga bayong kung saan nilagay ang mga gulay at prutas na binigay ng mga kapitbahay nila at saka umakyat na sa sasakyang bus.

"Mahal na mahal ka rin namin anak",narinig niyang sigaw ng kanyang Nanay.

Kumaway siya sa kanila habang umaandar palayo na ang sasakyan...

~

Manila

"Terminal.....terminal.....nasa terminal na po tayo sa mga bababa dito ay pwede na po kayong bumaba"

Napabalikwas si Jana ng marinig ang sinabi ng konductor ng bus.

Nang tingnan niya ang oras ay madaling araw palang. Halos mahigit 10 oras ang byahe niya mula sa kanilang probinsya.

 Ang sakit na ng kanyang pwet kaya naghanap siya ng pwedeng mauupuan habang hinihintay ang pagputok ng araw.

Mahirap na baka kasi mawala pa siya ang laki pa naman ng Manila. Kinuha niya rin ang mapa na binigay ng kanyang dating adviser at tiningnan ang lugar kung saan siya pupunta mamaya.

~

Dahil sa pagod at puyat ay hindi na niya nakayanan at nakatulog na sa upuan.

Nagising ng may biglang humablot sa yakap yakap na bag..

"Hoy ang bag ko!!!! Magnanakaw!!!! Tulong!!!! ", ubod lakas niyang sigaw pero wala manlang tumulong sa kanya kahit isa.

Sinubukan niyang sundan pero bigla nalang itong nawala na parang bula. Nanghihina siyang bumalik sa kinauupuan niya kanina...Hinugot niya ang bulsa niya at mayroon siyang nakitang isang daan.

Paano na siya. Wala na ang pinaghirapan nilang ipon na limang libo.

Naluluha na lamang siya sa sinapit.

Kinuha niya na ang mga bayong saka nilabas ang mapa.

Maglalakad nalang siguro siya para makatipid.

~

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon