Hans' POV
Literal akong napatulala sa target kung saan kitang kita ng dalawang mata ko ang hinagis na dart ni Jana.
Bullseye?! Paano niya ginawa iyon?
Nang mahimasmasan na ako ay sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad na nakasimangot papuntang sofa.
Mukhang nagalit ko yata ang honey ko ah...
Kakaiba talaga siya, naiiling nalang ako habang naglakad narin palapit dito at naupo sa tabi nito.
"Gutom na ako. Pakainin mo ako dahil kasalanan mo kasi", sabi ko rito.
"Oh eto na po kamahalan!", sabay abot niya sa akin ng tinapay.
"A-ano yan?", nakangiwing tanong ko rito.
"Seriously?! Hindi mo alam ito?! Ito ay gawa sa arina na minasa at ginawan-"
"Argh?! I know that?! Its just that..papakainin mo ako niyan?", hindi makapaniwalang tanong ko rito.
"Oh anong masama sa tinapay? Eh masustansiya nga ito eh! Ano kakain ka oh kakainin ko nalang lahat ito?!", naiinis naring sabi nito na tukoy ang apat na tinapay
"Ka-kakain..", napipilitang sabi ko.
"Say ahhh!!", sabi nito habang hawak hawak ang tinapay.
Minsan pa akong lumunok bago ako ngumanga.
"Kumagat ka lang ng kaunti para matikman mo. Nilagyan ko ito ng ube jam galing pa iyan sa probinsya namin", natutuwang sabi nito.
Gaya ng utos nito ay kumagat ako ng kaunti at pilit nilasahan iyon habang nakangiwi pero unti unti akong natigilan ng maubos ko iyon dahil napakasarap pala ng lasa nun.
"Oh anong lasa?", naghihintay na tanong nito.
"Tch! Ampangit ng lasa! Sige na subuan mo na ulit ako?! Ahhh!"
"Sus! Ampangit raw eh bakit ka pa nagpapasubo ha?!", sigaw nito pero sinubuan niya naman ulit ako.
"Oh okay na? Ako naman ang kakain",sabi nito at sarap na sarap na kinain ang isa. Nakita kong dalawa nalang ang natira kaya kumuha ulit ako ng isa at sinubo iyon ng buo.
Nang maubos ko iyon ay kukunin ko na sana ulit ang isa pang huling tinapay pero tinapik nito ang kamay ko kaya naman nabitawan ko iyon.
"Ano ba?!", asar na sabi ko rito.
"Hoy! Akin to kaya sa akin ang huling tinapay!"
"Hindi pwede! Gutom na gutom ako kaya akin iyan!", naiinis na sabi ko.
"Aba't!", nagsimula na rin itong mainis kaya naman inilapag nito ang baunan sa may mesa at saka ako binalingan.
"Hoy! Ikaw lalaki?!"
"May pangalan ako! Hanko ang pangalan ko!"
"Pwes ikaw Hanko! Makinig ka!"
Hmmmm sounds good. Bingo baby!, napangisi nalang ako sa naisip na kalukuhan.
"Hanko makinig ka!", galit na sabi nito at nakapamaywang pa. Nakatayo na ito sa harap ko habang nakaupo naman ako. Mukha tuloy akong anak na pinapagalitan ng nanay.
"Opo Hanko. Este Jako!"
"Anong Jako! Jana pangalan ko!"
"Jako nalang! Ang hirap bigkasin ng Jana! Ayoko masyado mahaba! Kaya Jako nalang!"
"What?! Anong pinagkaiba ng Jana sa Jako! Eh two syllables lang naman iyon pareho ah!"
"Hindi! Jako has 3 syllables and Jana has only two!"
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...