Kristine's POV
Nandito ako ngayon sa Tan Yee Mental Hospital.
"Ma, nagcutting class po ako.....", wala sa sariling sabi ko.
Nakaupo ako sa receiving area kung saan nasa harap ko ang isang nakatulalang may edad na babae.
Ang totoo, alam kung buhay ang mga magulang ko pero totoo ring sa ampunan ako lumaki. Ang tatay ko naman ay nasa bilangguan. Bata palang ako noong nagsasama kami na buo ang pamilya. Mahirap lang kami at nakatira sa isang barong barong.
Mula ng magkamulat ako ay nakita ko kung paano sinasaktan ni Tatay ni Nanay tuwing umuuwi ito ng lasing.Laging umiiyak si Nanay pero tila bingi at walang puso si Itay. Hanggang sa natuto naring magbabae si Tatay at iniuuwi pa nito ang babae sa bahay at doon gumagawa ng milagro. Rinig na rinig ni Inay ang lahat ng hayupan ni Itay kasama ang babae nitong pokpok pero wala itong magawa kundi tahimik lang na umiyak sa tabi.
Paulit ulit nalang na ganoon ang nangyayari kaya naman hindi na ako nagulat ng dumating ang araw na kinakatakotan ko. Naubos ang pasensya ni Nanay. Pitong taong gulang ako noon at lima naman ang bunso kung kapatid na si Aldo.
Nagising nalang ako na may hawak na kutsilyo si Inay at pinagsasaksak ang babae ni Itay. Namatay ito pero ang kapalit ay nawalan naman ng katinuan si Inay.
Kinuha kami noon ng kapatid ko ng DSWD at dinala sa isang ampunan ngunit tumakas si Aldo. Hanggang ngayon ay hindi ko parin nakikita.
Makalipas ang mga araw, nabalitaan ko nalang na si Itay naman ay nasangkot sa isang krimen at nakulong magpahanggang ngayon.
Sa klase ng background ko ay masasabi kong hindi ko ito maipagmamalaki kaya sinasabi ko nalang sa mga taong nasa paligid ko na lumaki ako sa isang ampunan.
Pero lihim ko naman silang dinadalaw gaya na lamang ng nawala ako kamakalawa at hindi nagpaalam kay Jana.
"Alam mo Ma, may bago akong kaibigan. Mabait siya. Pero hindi siya marunong mag-ayos. Nakakatuwa siya", mapait akong napangiti sa kwento ko.
"Pero kanina, natakot ako ng tinangnan siya ng mga tao na puno ng panghuhusga. A-ayokong madamay kaya iniwan ko siya"
"Tine- Tine.....", wala sa sariling sagot ni Inay.
"Napakatalino niya Inay at tingin ko ay nagugustuhan na siya ni Hans, ang lalaking matagal ko ng pinapangarap na mapansin ako. Hindi ko alam kung natutuwa ba ako sa bago kung kaibigan ko o dapat ko siyang kainggitan....."
"Gusto ko siyang maging kaibigan pero natatakot ako...mabait siya hindi niya deserve ang tulad ko Ma..",malungkot na wika ko.
Makalipas ng ilang oras ay nagpasya na akong umalis. Naglalakad ako ngayon pauwi sa bahay ni Aling Igin ng mapatingin ako sa isang shop.
Henna......
Matagal akong napatitig roon at kapagdakay kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko at nagbrowse sa mga naroong larawan.
Hindi nagtagal ay nakita ko iyon at pinakatitigan saka ako bumaling sa loob ng shop.
Sa parte man lang na ito ay makabawi ako sa kanya...
Saka ako tuluyang pumasok sa loob.
"Hello miss. Anong design ang gusto mo?",tanong agad sa akin ng lalaki punong puno ng tattoo sa katawan.
"P-pwede niyo bang matulad ang ganito na parang makatutuhanan na birthmark?", tanong ko sa kanila sabay pakita ang larawang nakuha ko habang tulog si Jana.
Sana magustuhan niya ang gagawin ko....
"Hmmm, interesting...sige kaya ko iyan", nakangising sabi nito at iginaya niya na ako paupo.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...