This chappy is dedicated to akaesyaleviste. As promised this is for you my dear....:) I hope you will like it..Enjoy Reading...:)
Sa mga gustong magpadedicate...sabihin niyo lang:)
Jana's POV
Hanggang ngayon ay napatulala parin ako sa naging reaksyon ni Hanko.
T-teka bakit tinawag siyang Hans kanina ni Kristine?
Don't tell me siya rin ang Hans na tinutukoy nila?!
Bakit ang tanga ko?!
Bakit hindi ko man lang naisip na...
Maliban sa Hanko ay Hans din ang pangalan niya?!
Ang dami naman niyang pangalan?!
P-pero iyong totoo nakakatakot pala siyang magalit...
"Jana okay ka lang?", nag-aalalang tanong ni Kristine.
"O-okay lang ako..", sabi ko rito.
"Grabe nakakatakot palang magalit si
Hans.....", tulalang sabi nito habang nakatingin sa sira sirang upuan.Nang ilibot ko ang tingin ay mga tulala rin sila sa nasaksihan. Doon ko lang napansin sina Diana kasama sina Lucy at Briget. Maging sila ay wala ng kulay ang mukha nila.
Naglakad palapit sa akin si Diana at sinamaan ako ng tingin kaya napalunok tuloy ako.
"Subukan mong magsumbong kay Hans..Isinusumpa kung mas hindi kita titigilan....Susubukan kung iwasan ka mula ngayon basta't hindi makakarating kay Hans ang ginawa ko kung hindi alam mo na ang mangyayari sayo. Mas grabe pa doon ang aabutin mo.", pabulong na pagbabanta nito sa akin.
"Goo- What happened here?", nagtatakang tanong ni Sir Ferrer ng mabungaran ang sira sirang upuan doon.
"Nothing sir. Nagkakatuwaan lang at hindi sinadyang nasagi namin ang isang upuan. Babayaran ko nalang sir.", balewalang sagot nito kay Sir.
"Oh Miss Ramos.I'm glad you're already here", masayang bati nito sa akin.
Umayos na kami ng upo at nagsimula na ang klase.
Sumapit ang tanghalian ay wala parin sina Hanko. Saan kaya nagsusuot ang mga iyon?
Naglalakad na kami papunta sa Kainan ni Aling Igin ng may kumausap sa amin ni Kristine.
Pamilyar sila...Tama..klasmayt din namin sila.
"Uhmm Hi....", nahihiyang sabi ng babae. Ang cute niya.
"Hello..",nakangiting bati ko rin dito.
"P-pwede bang sumama sa inyo?",tanong ng baklang kasama ng babae.
Nagkatinginan naman kami ni Kristine saka sabay ngumiti.
"Oo naman", malugod na sabi ko sa mga ito saka nagpatuloy na kami sa paglakad.
"Ako nga pala si Marie...",pagpapakilala ng cute na babae.
"Ako naman si Antonette...."
"Hoy Anton?! Ang kapal mo ah?!"
"Babaita ka sinabi ng huwag mo akong tawagin sa pangalang iyan eh?! Sinumpa ko na iyan! Ako na ngayon si Antonette..."nagniningning ang mga matang sabi nito.
Nagkatinginan ulit kami ni Kristine at sabay na natawa.
"Ako naman si-
"Jana Ramos?!", sabay nilang sabi kaya napatigil ako.
"Haha. Kilala niyo na pala ako...", natutuwang sabi ko sa kanila.
"Oo naman! Grabe ang haba ng hair mo gurl?! Akalain mo nabihag mo ang pihikan na si Hans Eric Esteban?! Kyaaahhh?!", sigaw ni Antonette.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...