Kabanata 43

25.5K 599 35
                                    

"Kyaaaahhh!"

"Excited na ako!"

"Ako din!"

"Balita ko maganda daw ang AMSS ISLAND!"

"Magshoshopping na ako ng nga gamit ko! Bye guyz!"

"Oy nanjan na si Jana!"

Kanina pa ako nagtataka kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko.

Ang luwang ng kanilang ngiti habang nakatingin sa akin.

Ano kayang meron? Himala. Mabait ata sila sa akin ngayon.

"Uy Jana! Salamat sayo!",sabi ng isang babaeng kaklase ko.

"Ehhhh? Anong meron?", nagtatakang tanong ko. Sasagot na sana ito ng biglang may tumili sa likuran ko kaya napalingon ako.

"Sister?!!!!!!!!!!!"

"M-marie? Antonette? Anong nangyayari?", tanong ko sa kanila ng makarating sila sa harap ko.

"Kyaaaaaahhhhh!!!!", pero imbes na sagutin ako ay tumili lang sila ng tumili ni Antonette.

"Bakit nga?"

"Naku girl! Ang swerte mo! Nabiyayaan lang kami kaya makakasama kami!", nagtitiling sigaw ni Antonette.

"Hindi ko kayo maintindihan", naguguluhang saad ko.

"Remember yung sinalihan mong Spelling Bee? Natuwa daw sa iyo ang major stockholder ng school natin kaya magbabakasyon ang buong year level natin sa AMSS ISLAND for 2 days! Kyaaahh!! Di ba ang astig?!", nagsisigaw sa tuwa na saad ni Marie.

"Ahh. Saan ba ang AMSS ISLAND?", curious na tanong ko.

Bahagya namang natigilan sina Marie at Antonette sa tanong ko saka sabay napangiwi.

"Ehh? Hay naku friend nakalimutan natin pareho na mula pala sa bundok itong kaibigan natin. Bigyan mo nalang siya ng idea sis", nalolokang saad ni Antonette.

"Ano ka ba sis. Ang AMSS ISLAND ay pagmamay ari ng mga Steeve. Isa sa pinakasikat na islang dinadayo dito sa bansa natin. Puro mayayaman lang ang nakakapasok doon kasi nga mahal. Pero dahil sa katalinuhan mo eh makakapunta tayo doon?! Oh di ba?! Balita ko maganda daw doon. Sasakay tayo ng eroplano! Kyahhhh!", nangangarap na paliwanag ni Marie.

"Ha? Pwede bang huwag na lang akong sumama?", tanong ko matapos mag-isip.

"HINDI PWEDE?!",sabay pa nilang sagot sa akin.

"Sis naman paano naman kami. Excited na nga kami eh. Baka bawiin pa nila ang pagpunta natin doon kung wala ka.", nakasimangot sa wika ni Antonette.

"Wala kasi akong pera eh. Sayang lang kasi kung-

"Naku girl! Problema ba iyon?! Eh kaya nga kami nandito eh. Huwag kang mag-alala dahil kaming bahala sayo", pamimilit pa ni Antonette.

"Hayst. Nakakahiya naman sa inyo. Huwag na-

"Ano ka ba sis. Sige ka magagalit kami sayo", nakangusong wika ni Marie kaya naman natigilan ako.

"T-titingnan ko huh", napipilitang saad ko.

"No! Final desicion na! Pupunta tayong lahat!"

Napangiwi nalang ako ng tuluyan.

~

Araw ng Byernes

Ito ang araw na pagpunta namin sa AMSS ISLAND. Alas otso ang usapan sa aming tagpuan pero heto at nakahiga parin ako sa higaan ko habang nakatitig sa orasan.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon