Kabanata 42

25.6K 708 46
                                    

"She's stable now Mr. Steeve", sabi ng doktor na sumusuri kay Jana na wala paring malay hanggang ngayon.

Nasa isang marangyang silid sila ng mansiyon na sadyang ipinaayos ni Kristan sa isang kilalang interior designer na mula pa sa ibang bansa para sa pagbabalik ng anak pero hindi niya akalain na mapapaaga pala ang kanyang pagdating.

"Tell me what happened to her doc?", nag-aalalang tanong ni Kristan habang tahimik lamang na nakamasid ang mga magulang nito na sina Don William at Donya Cynthia. Hanggang ngayon ay nalilito parin sila sa inaakto ng kanilang anak.

"Based on what you have said Mr. Steeve. I can say that she's suffering from selective amnesia because of trauma. Maybe she suffered earlier from childhood. But becuase of what happened a while ago these are symtoms na unti-unti ng bumabalik ang mga ala-ala niyang nawala. Hindi agad agad pero paunti unti. Depende iyan kung maexpose siya sa mga bagay na makakapag-pa alala sa kanyang nakaraan", mahabang paliwanag ng doctor.

"Thank you doc"

"Your welcome Mr. Steeve. Anyway mauna na po ako dahil may mga naghihintay pa po sa aking mga pasyente sa Steeve International Hospital",paalam ng doctor.

"Ipapahatid na kita sa driver doc"

"Salamat Mr. Steeve"

Hindi nagtagal ay nakaalis na nga ang doktor na tumingin kay Jana.

"Can I talk to you in the study room Kristan. As in now", seryosong saad ni Don William at agad nilisan ang kwarto.

Bahagya lang natigilan si Kristan pero agad din iyon nawala.

"Jessica ikaw na muna ang bahala sa kanya"

"Opo Tito"

Dali daling nagtungo si Kristan sa study room at nakita agad ang amang nakaupo roon sa mesa habang may hawak na kopita ng alak.

"Explain", tipid na wika ng ama.

Napabuntong hininga siya saka nagtungo sa bar at nagsalin din ng alak saka bumalik sa harap ng ama.

Hindi niya ito napaghandaan.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa apat na sulok na kwarto hanggang sa piniling bitawan ni Kristan ang mga salitang bomba sa pandinig ng Don.

"She's your true granddaughter Dad..She's our baby Abby", madamdaming pahayag ni Kristan.

Napasinghap naman ang matandang Don matapos marinig iyon. Kahit na inaasahan na niya ito base sa nakita kaninang pag-aalala ng anak sa bata kanina ay hindi parin ito makapaniwala.

"H-how..?", naguguluhang tanong nito.

"The other one is impostor Dad. Dati siyang kasama ni Abby ...I mean our true Abby sa boarding house na tinutuluyan niya. Napagkamalan siya ni Xander na ito ang kakambal dahil narin sa may pagkakahawig ang dalawa at nagpanggap naman ito", tiim bagang na saad ko.

"She even copied her birthmark kaya paniwalang paniwala si Xander lalong lalo na ang asawa ko"

"And when are you planning to tell this to us...sa asawa mo"

"I did not intend to keep it from everybody dad..pero ang asawa ko lang ang inaalala ko. Masyado siyang naniniwala sa impostor. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Give me time to fix this dad...."

"I can't believe this is happening...Siguraduhin mo lang na maayos ito sa madaling panahon Kristan! Paano nalang ang totoong apo ko..."

"Yes dad"

"Kumusta naman ang apo ko? Paano siya nabubuhay? Paano mo nalaman ang tungkol sa kanya? Sino ang kumupkop sa kanya?"

"Dad calm down! Isa isa lang...She's a good person. Napakabait na bata. Napakatalino rin. She's a scholar at Esteban High School. Kinupkop siya ng isang mag-asawa sa isang malayong probinsya"

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon