Xander's POV
Argh! Damn! I really hate that woman!
When she was sent to America to study, I waa very thankful because it was a big relief to me! Simula pagkabata ay palagi na itong nakabuntot sa akin to the fact na nakakairita na! Nanjan iyong nagtatago na ako para lang hindi niya ako makita!
Sobrang napakavocal nito sa kanyang nararamdaman para sa akin. Mukhang tanggap narin nina Mommy at Daddy maging ang mga kapatid ko.
Kulang nalang ay magpaparty ako ng sabihin nitong pupunta na ito sa America para doon mag-aral. Pero ng makita ko ito kung paano umiyak ng umiyak ay inaamin kong may kung anong humaplos sa puso ko.
Bago ito umalis ay nagiwan ito ng katagang...
"I shall return myloves! Pagbalik ko! Maiinlove ka na sa akin! Itaga mo iyan Alexander Miguel Steeve! Ako si Dyosa Jessica Esteban ang babaeng pinanganak para sayo!"
Oh di ba? Sinong baliw ang makakagawa noon kundi siya lang..
Noong una ay inaamin kong nakakamiss pala ang kakulitan nito. Iyong bigla nalang itong susulpot na parang kabute!
She's damn beautiful and sexy pero ewan ko wala akong maramdaman sa kanya. Maybe because palagi ko siyang nakikita. Kulang nalang ay dito iyon tumira kabitbahay lang kasi namin sila. Kaya nga kumuha na ako ng condo noon at doon ako naglalagi kapag alam kong narito iyon sa bahay.
But there is this woman I love...
I know she loves me too pero may kung anong pumipigil rito. Somehow ay naiintindihan ko naman ito pero I promised na makukuha ko rin ang matamis nitong oo.
She is Hazel Bostamonte...Jessica's Bestfriend....
(Pasilip lang ito sa Love story ni Xander guyz...soon na rin siya)
Akala ko makakahinga na ako kasi nga wala na ito kaso sa araw araw na ginawa ng Diyos ay palagi niya akong inaabala sa cellphone kung hindi sa cellphone sa telepono sa bahay! Kung ilang ulit nga akong nagpalit ng number pero nakukuha parin nito iyon. Alam ko namang sa mga kapatid ko niya nakukuha ang mga number ko eh kasi nga sinusuhulan niya ang mga ito lalo na ang bunso naming kambal.
Buhay nga naman..Maging sa social media ay hindi nito pinatawad. Lantaran nitong sinasabi ang pagkagusto niya sa akin. Nakakaturn off siya.
Isa na rin siguro iyang rason kung bakit hindi magawang umamin ni Hazel sa totoong nararamdaman nito sa akin.
At ang pinakalatest nitong kabaliwan. She asked me to go to Esteban High para maging judge ng pre pageant and during the coronation as well. Ofcourse! Isang malaking No ang sagot ko! Pero ng sabihin nitong uuwi ito para siya ang maging judge ay napaoo nalang ako bigla. Mahirap na mas malaking danyos kung uuwi pa ito.
Sana nga hindi na ito bumalik eh.
Araw ng Pre Pageant
Kanina pa ako naiinis habang inaayos ang necktie ko.
"Hey baby...."
Napalingon ako ng marinig ko ang malambing na boses ni Mommy. Awtomatiko tuloy na napangiti ako. Lumapit sa akin si Mommy at siya na ang nag-ayos ng tie ko.
"Mommy naman sinabi ng binata na ako eh. Malapit na nga akong magkagirlfriend eh", nakasimangot na sabi ko rito.
"Talaga? Alam mo anak gustong gusto ko talaga si Jessica para sa iyo...Kahit napakavocal niya alam kung mabait siyang bata", masayang sabi nito.
"Mommy hindi siya ang tinutukoy ko...Iba..Siya ang babaeng gusto ko", saad ko rito.
Noong una ay hindi pa ito nakahuma pero pilit itong ngumiti.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...