Para sa mga matiyagang naghintay sa ud ko..love you guyz...pasensya na sa tagal ng ud..Maikli lang po ito pero sana magustuhan niyo:)
Sa mansiyon
Maganang kumain si Hans dahil narin sa sobrang gutom. Hindi kasi madali ang ginawa niyang pagtitiis na hindi kumain.
Nang matapos ay nagpababa lang siya ng kinain saglit at nahiga na sa kama para matulog. Kahit gusto niyang pumunta agad sa Esteban High para magpaliwanag agad kay Jana ay hindi na niya kaya ang antok.
Samantala, kararating lang noon ng mga magbabarkada sa mansiyon kaiidlip lang naman ni Hans.
Hindi rin nila alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa loob dahil sa kalokohan ni Brayan.
"Wow! Ang ganda at laki naman ng bahay nila!", namamanghang wika ni Antonette.
"Manang, nasaan pala si Principal?", tanong ni Francis sa isa sa mga katulong.
"Ahh umalis na pa sir. Bumalik na ng Amerika"
"Ho?! Ayos pala ah! San po si bossing?", masayang tanong din ni Brayan.
"Sa kwarto po sir", sagot naman ng katulong.
"Ah sige Manang. Aakyat na kami ha?"
"Sige po sir"
Umakyat na sila sa marangyang hagdan hanggang sa tumigil sa tapat ng kwarto ni Hans.
"Oh, bakit hindi pa tayo pumapasok?", nagtatakang tanong ni Jana.
"Alam mo kasi Jana baka mabigla ka sa makikita mo kaya ang mabuti pa ay dito muna kayo sa labas at titingnan muna namin ang sitwasyon sa loob", paliwanag ni Brayan.
"Ganoon ba? Pero okay lang naman sakin eh. Gusto ko na siyang makita baka kasi hindi ko na maabutang humihinga", naiiyak na naman nitong sabi.
"Oo. Susunod din kayo. Mauuna lang kami saglit", sabi naman ni Luis saka nauna ng pumasok.
Bagaman nagtataka ay wala na ring nagawa pa ang tatlo kundi manatili sa tapat ng kwarto.
"Lagot ka Brayan. Ano ng gagawin natin?", nag-aalalang pabulong na sabat ni Francis
"Ano ka ba pare. Magugustuhan to ni bossing", sagot naman ni Brayan.
"Shhh. Wag nga kayong maingay! Natutulog ata si Boss", sabi naman ni Luis.
"Takpan nalang natin ng kumot pre", suhestiyon ni Brayan.
"Gago pano pag tuluyan ng hindi makahinga si bossing?", nanalalaki naman ang matang komento ni Luis.
Tok tok tok tok
"Sandali!", natatarantang sigaw ni Brayan saka dali daling tinakpan ng kumot ang natutulog na si Hans.
Nagkukumahog namang tinungo at binuksan ni Francis ang pinto.
"Bakit ang tagal niyo?", kunot noong tanong ni Antonette.
"Eto na nga bukas na oh!", nakangusong sagot pa ni Francis.
"N-nasaan si Hans?", tanong ni Jana.
"Uwaaaah!! Bossing bakit mo kami iniwan! Huhuhu! Patawad bossing!", malakas na hagulhol ni Brayan habang nakayuko kaya napatingin silang lahat doon.
Samantala, bahagya namang napakislot ang natutulog na si Hans dahil sa gulat sa lakas ng pag-iyak ni Brayan.
"Boss relaks ka lang jan. Huwag kang gagalaw", mahinang bulong ni Brayan ng maramdaman na gumalaw ito.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...