Kabanata 26

22.3K 619 10
                                    

Jana's POV

Opening ng Intramural ngayon.

Nandito kaming apat ngayon sa bahay ni Aling Igin. Kanina pa ako kinukumbinsi nina Antonette at Marie na ayusan ako dahil ipaparada raw nila ang mga kandidata. Bakit ang dami nilang nalalaman. Sinabi ko ngang okay lang kung magpalda nalang ako gaya ng nakasanayan ko eh.

"Ano ba sis?! Malelate na tayo! Pumayag ka na kasi! Ano nalang ang sasabihin nila kung makita ka nilang ganyan. Take note ha?! Paparada kayong mga kandidata?!", nahahigh blood ng sabi ni Antonette. Maaga pa naman silang nagpunta ni Marie dala dala ang mga pagpipilian kong suotin pero ang matigas ng ulo ko.

"Hindi nga ako komportable sis eh?!", giit ko pa rin.

"Jana Ramos?! Ano ba?! Kung hindi ka namin mapilit sa santong dasalan dadaanin ka namin sa santong paspasan!", nagbabantang sabi ni Marie.

"Hay nako! Kung ayaw niya kasi huwag niyo na siyang pilitin!", naiinis na sabi ni Kristine.

Nakabihis na ito ng cheering uniform. Ang ang sexy niya! Ang iksi ng palda nito at ang pangtaas naman nito ay napakaiksi rin at kitang kita ang tyan nito. Nakapusod pataas ang straight nitong buhok. Nakalagay na rin ito ng make up.

Hindi kami nakapagsalita agad sa pagsabad nito. Mukhang naiinis na nga ito.

Kinuha nito ang jacket saka naglakad na papunta sa pinto.

"Doon nalang tayo magkikita. Mauuna na akong umalis kasi baka mag wawarm up pa kami para mamaya", paalam nito at saka umalis.

"Ang taray ni ate ha....", komento ni Antonette.

Hindi nalang ako nagkomento. Ilang minuto pa kaming nagpilitan hanggang sa pumayag na rin ako sa huli pero ako ang pipili ng susuotin ko.

"Ayoko niyan! Bakit ang iksi iksi! Nagshort pa ako bakit hindi nalang magpanty eh wala ng halos maitago iyan ah!", nakangusong reklamo ko ng sabihin nilang magsusuot ako ng sexy shorts na itim.

"Nice idea sis...Sige magpanty ka nalang....", nakangising sabi ni Antonette.

"What?! Eh kung isumbong kaya kita kay Hans!"

"Ito naman sis..hindi ka na mabiro baka ibala pa ako ng kanyon ng lalaking iyon!"

"Hahaha..korek ka jan sis...", natatawang sabi ni Marie.

"Ikaw nga babaita eh umamin..Kayo na ba ni Hans?", tanong ni Antonette sa akin.

"H-hindi noh!", namumulang sabi ko.

"Aysus! Kailan ba magiging formal na kayo ha?"

"Ewan ko don! Bakit ako!", nakangusong sabi ko.

"Hoy mga bruha! Ano tutuloy pa ba tayo oh maglalatag na ako ng higaan natin dito at magkwentuhan nalang tayo oh tutal malapit ng mag alas otso at malapit ng magsimula ang parada?!", sarkastikong sabi ni Marie

"Si Jana kasi eh ang arte arte!", paninisi sakin ni Antonette

"Ayoko nga kasing masyasong maexpose ang balat ko eh!", giit ko.

"Ano bang pinagpuputok ng butse mo eh ang kinis kinis kaya ng balat mo at hanggang kalahati lang naman ng binti mo ito eh. At saka may paraan na ako para maitago mo ang ibang parte ng balat mo", suhestyon ni Antonette.

"Ano?"

"Magsusuot ka ng boots iyong hanggang sa tuhod mo"

"May ganoon?"

"Oo!"

"S-sige"

"Eto ang tube isuot mo na dali!",sabi naman ni Marie.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon