Kabanata 19

22.5K 596 22
                                    

Kristine's POV

Tanghali na pero hindi parin bumabangon si Jana. Nakakain na ako at lahat pero hindi parin ito tumatayo.

"Sis....uy...wala ka bang balak bumangon jan?", tanong ko rito.

"H-hindi muna ako papasok Sis. Masakit ang katawan ko at saka magtataka sila kapag makita nila ang itsura ko. Ang mga pasa ko", malungkot na wika nito.

"Hayst....", napabuntong hininga nalang ako pero somehow ay naiintindihan ko naman ito.

"Sige na.Pumasok ka na at baka malate ka pa. Pakisabi nalang na may sakit ako. Mag-aadvance reading nalang siguro ako..", malungkot na wika nito.

Alam kong masama ang loob nitong lumiban. Kung may magagawa lang sana ako...

"S-sige...", napipilitang sabi ko saka umalis na at pumasok.

Pagdating ko sa paaralan ay marami ng estudyante. Kaunting oras nalang at magsisimula na ang klase.

Ring ring ring ring...

Hindi nga nagtagal ay tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.

"Shit?! Where the hell is she?!"

Nagulat kaming lahat ng biglang marahas na tumayo si Hans at sumigaw. Nakita kong pumiksi sina Diana maging ang dalawang kampon niya ay hindi mapakali.

"Boss..relax..baka naman nalate lang siya", pagpapakalma ni Francis dito.

"Tch!", inis na umalis si Hans at sumunod naman ang mga kaibigan nito.

"Goodmorning class....", sakto namang kaaalis nila ay pumasok sir Ferrer.

"Goodmorning sir...", sagot naman namin.

"Oh nasan si Miss Ramos?", kunot noong tanong nito ng mapansing bakante ang upuan ni Jana.

"Ah sir may sakit po kasi siya kaya hindi po siya nakapasok",sabi ko rito.

"Ahh ganoon ba? Sayang naman, akala ko pa naman..Hayst di bale na nga lang...",puno ng panghihinayang na wika nito.

Kapansin pansin ang paghahanap ng mga guro kay Jana. Ibig sabihin ay unang araw palang niya ay nagmarka na siya sa lahat. Buti pa siya....mapait akong ngumiti.

Hanggang sa natapos na naman ang araw at hindi na muling bumalik pa sina Hans.

"Oh sis andito ka na pala. Gusto mong magmeryenda?", tanong agad nito sa akin pagdating na pagdating ko sa bahay.

"Hindi na sis. Kumusta naman ang mga kalmot at mga pasa mo?", tanong ko rito.

"Eto mas okay na sis kumpara kaninang umaga", masayang sabi nito.

Wala na itong suot na salamin kaya mejo nanibago ako. Maganda nga talaga siya at nakatago lang sa salamin. Hindi ngalang pansinin kasi hindi siya nag-aayos. Wala din sa ayos ang buhok nito. Inshort mukha talaga siyang manang....Pero kung tititigan mo siya ng matagal ay mapupuna mo ang pulang labi nito. Makinis din ang balat niya kaso nakatago sa kanyang mahahabang damit. Tama nga si Aling Igin may pagkakahawig nga kami. Kung mag-aaayos lang siguro ito ay mas pansinin ang pagkakahawig namin. Sa biglaang tingin ay malilito ka pero kapag tititigan mo siya ay mapapansin ang mga pagkakaiba namin gaya na lamang ng mata nitong nanunuot kung tumingin. Matangos rin ang ilong nitoMas maputi at mas matangkad pa.

Kaya nagtataka ako kung bakit mas napansin siya si Hans kaysa sakin. Ako pala-ayos ako at sinisiguro kong hindi ako nahuhuli sa pag-aayos kagaya ng mga kaklase naming mayayaman.

"S-sis bakit mo ako tinitingnan?", nagtatakang sabi nito.

"Wala lang sis. Alam mo bang hinahanap ka ng mga teachers natin sa school kanina?", pag-iiba ko ng usapan.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon