Kristine's POV
Nagulat ako ng makita ko si Jana dito sa isla.
Anong ginagawa niya dito? Hindi ako makakapayag na sa ganito lang magtatapos ang lahat! Ngayon pa na masaya na ako kung ano ang meron ako ngayon.Ang tagal kong pinangarap ang ganitong klaseng buhay!
Kung kinakailangan ko siyang iligpit ay gagawin ko!
"O-ouch K-kristine m-masakit"
"Answer me Jana?! What the hell are you doing here?!", pasimpleng asik ko rito. Mahirap na nagkalat ang mga bodyguards na binigay ni Mama Megan sakin. Mapurnada pa ang mga plano ko.
Nabasa ko ang pagkalito at gulat sa kanyang mukha.
Nakakainis! Hindi ko alam kung talagang santa ang babaeng ito at hindi mahalata ang galit ko o sadyang boba lang talaga siya!
"Jana?!!"
Syet! Andito rin pala sila!
"Kristine?"
"Oh hi Guyz", nakangiti na ako ng bumaling sa kanila.
"Ohemgee! It's really you! Hoy bruha ka! Ang tagal na hindi ka nagparamdam andito kalang pala?!", litanya ni Antonette.
Argh! Paki ko!
"Oo eh. I'm with my family. Pasenysa na kayo at nawala ako ng walang paalam. Anyway magpapaparty ako for all of us"
"Uy Kristine sexy natin ah", nakangising wika ni Luis.
Napangiti naman ako sa sinabi nito. Napansin kung inirapan ito ni Marie.
"Pero syempre mas sexy ang baby loves ko", nakangising bawi nito saka mabilis na hinalikan ang nobya sa pisngi.
Tsk!
"Heh! Tsura mo!", nakairap na sagot ni Marie.
Tahimik lang naman si Hans sa tabi habang hindi manlang ako pinagkaabalahang tingnan dahil na kay Jana ang pansin nito.
Napangiti ako ng mapait. Magiging akin din ang atensyon mo Hans..Malapit na.
"Wow sosyal ka na ha! Pa party party ka nalang!", sabi pa ni Antonette.
"Ganoon talaga ang buhay. Anyway I have to go guyz baka hinahanap na ako ni Mama. See yah", nakangiting paalam ko sa kanila at agad tumalikod at naglakad na palayo.
Bwisit!
~
Jana's POV
"Hey are you okay?", pukaw sa akin ni Hans habang hindi parin natatanggal ang tingin ko sa palayong si Kristine.
She's weird. Bakit parang galit na galit siya sa akin kanina? And all of a sudden naging mabait ulit.
"Uhmm oo naman. P-pagod lang siguro ako sa byahe", nakangiting wika ko.
"Ang mabuti pa tara na sa hotel para makapagpahinga ka na"
"Mabuti pa nga"
Sumakay na kami sa shuttle bus at nagpahatid sa hotel.
Grabe ang ganda pala talaga ng isla.
Inalalayan ako ni Hans sa pagbaba habang hawak nito ang bag ko. Kung nagtataka kayo kung nasaan naman ang bag niya ayon at bitbit ni Brayan.
Tsk tsk tsk. Loko loko talaga. Hindi mahawakan ang sariling bag pero nakipag agawan sa bag ko.
"Uhmm excuse me. Sino po sa inyo si Miss Jana Ramos?", tanong ng empleyado ng hotel.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...