Jana's POV
"Hanla! Andito kayo?!", hindi parin makapaniwalang tanong ko.
"Wala kami dito sis. Anino lang namin ito", sarkastikong sagot ni Antonette.
"Hahahaha! Paano niyo nalaman na nandito ako? At saka paano niyo natuntun ang bahay namin?"
"Sinabi mo sa akin noon sis. Buti nga matalas ang memorya ko eh."
Magtatanong pa sana ako ng pumasok si Nanay mula sa likod.
Busy kasi ang mga itong magluto ng mga pagkain dahil pista namin sa aming bayan.
Ito ang kultura na kailanman ata ay hindi na matatanggal sa amin.
"Aynaku! Ikaw bata ka! Ano ba iyang mukha mo Jana! Hindi ka na nahiya sa boyfriend mo dine. May muta ka pa! Mukha ka ng bruha sa gulo ng buhok mo",litanya nito.
"Pffffftttt Hahahahhaa!", tumawa naman ng malakas si Hans sa sinabi ni Nanay kaya napanguso nalang ako.
"Nay naman eh!"
"Maghilamos ka nga muna!"
"Nay! Kahit naman may muta at mukhang bruha si Jana eh maganda parin siya sa aking paningin", hirit ni Hans.
"Aruuuuu. Sabi mo lang iyan dahil girlfriend mo ang anak ko!"
"Anong Nay! Nakiki nanay ka na sa nanay ko ha!", komento ko naman.
"Naman! Alam ko namang tayo na ang magkakatuluyan eh. Dahil kung hindi magwewelga ang mga readers natin!(lol)"
"Aysus! Ang aga aga boss nilalanggam na naman kami sa kasweetan mo", kantyaw ni Bryan.
Natatawa nalang ako habang mabilis na bumalik sa kwarto ko para ayusin ang sarili.
Sobrang saya ng araw na ito dahil sa makukulit na kaibigan ko.
Enjoy na enjoy sila habang tumutulong sa paghahanda at pagluluto ng pagkain.
"Ke gwagwapo at gandang bata naman ang mga kaibigan mo Jana!", komento ni Aling Bebang.
"Naku Aling Bebang, hindi niyo po tinatanong eh artista po kami sa Manila", natatawang sabi ni Bryan habang naglalagay ng suace ng litson.
Ang mga loko eh nagtanggalan ng pang itaas kaya tuloy para ng carnavalan ang bahay namin sa dami ng usyosong kapitbahay.
Kami naman nina Marie at Antonette ay nakaupo lang sa ilalim ng mangga habang kumakain ng mangga na may sawsawan na bagoong alamang.(yum yum..libreng maglaway lol)
Dati naman ay simpleng handaan lang naman ang handa namin pero maaga daw bumangon sina Hans at namalengke ng panghanda.
Hindi ko nga alam kung saan sila bumili ng isang buong baboy pang litson at marami pang iba.
Tumulong narin ang iba naming kapitbahay sa pagluluto.
Natatawa pa ako dahil maraming umaaligid na mga babae na todo papansin sa mga lalaki kaya naman enjoy na enjoy sina Bryan at Francis habang dedma lang naman sina Hans at Luis.
"Ang sarap ng buhay dito sa probinsya! Tahimik! Simple!", nakangiting wika ni Marie.
"Madaming pang pagkain!", dagdag pa ni Antonette na siyang ikinatawa namin dahil kanina pa nito binabanatan ang mga iba't ibang prutas na nakahain.
"Kinuha ko ang Photo album nitong si Jana. Tingnan niyo kung gaano siya kakulit ng bata pa siya....", sabi ni Nanay habang paparating na hawak ang photo album ko.
"Nay naman eh nakakahiya!", natatawang saway ko.
"Haha! Patingin kami Tita!", excited na wika ni Marie.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...