Jane's POV
"Aling igin...."
"Oh ikaw pala iyan Kristine. Halika rito at ipapakilala ko sa iyo ang makakasama sa kwarto", tawag ni Aling Igin dito.
Napasinghap ako ng makita ko siya sa malapitan at gayundin ito pagkakita sa akin.
"Kristine siya si Jane. Jane..siya ang sinasabi ko sa iyo si Kristine."
"H-hello", nahihiyang bati ko rito.
Kapag biglang tingin ay masasabi mong magkamukha kami pero matagal at tinititigan ko siya ay hindi na. Magkahulma kami ng katawan pero mas maputi ako. Mas matangkad rin ako ng kaunti.
"Hi", nakangiting bati nito.
"Di ba sabi ko sa iyo magkamukha kayo? Oh paano ba iyan? Iwan ko na kayo at ng makilala niyo na ang isa't isa", natutuwang sabi ni Aling Igin.
"Salamat po ulit Aling Igin", sabi ko dito.
"Walang anuman. Saglit lang babalik ako at dadalhan kita ng mga damit na magagamit mo"
Pagkaalis ni Aling Igin ay pareho kaming natahimik ni Kristine. Nagkakahiyaan pa kasi kami eh.
"Ahmn. Sa Esteban High ka rin ba papasok?", nanantiyang tanong ni Kristine.
"Ahmn..oo eh. Rinig ko kay Alin Igin ay gayun ka din..Taga saan ka pala?"
"Hindi ko alam"
"Ha?", gulat na sabi ko.
"Hahaha. Nakakatawa naman iyang reaksyon mo. Hindi ko alam kung saan ako nagmula kasi sa ampunan ako lumaki"
"Ahhh..sori ha? Ako naman ay sa isang malayong probinsya.", nakangiting sabi ko.
"Wow...ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa magiging kwarto natin. Sana maging magkaibigan tayo! Para nga tayong kambal eh! Kasi magkamukha tayo...", masayang sabi nito saka hinawakan ang kamay ko at hinila papasok sa kwarto.
"Naku..mabuti naman at may makakasama na ako sa Esteban High..", masayang sabi ko.
"From now on tatawagin kitang twin..."
I love you twin...
"Ouch", napaigik ako ng maramdaman ko ang sakit sa ulo. Parang may narinig akong boses ng isang batang lalaki.
"Okay ka lang ba twin?", nag-aalalang tanong ni Kristine.
"Oo. Okay lang ako. Siguro pagod lang ako..", sabi ko rito.
"Naku ang mabuti pa ay magpahinga ka muna.",sabi ni Kristine.
"Alam mo natutuwa ako at may kaibigan na ako. Ito ang unang pagkakataon na nagmakaroon ako ng isang kaibigan sa dating paaralan ko kasi ay ilag silang lahat sa akin", kwento ko rito.
"Ako rin naman. Natutuwa ako at sa wakas ay may makakasama na ako sa school. Hindi na akong magiging loner."
Pumasok kami sa kwarto at nakita kong malinis ito. Hindi naman siya kalakihan pero sakto naman para sa aming dalawa.
"Twin, magpahinga ka muna"
"Salamat t-twin.."
Hindi naman nagtagal ay naramdaman ko na ang pagbagsak ng mata ko dala na rin ng pagod sa byahe.
"You are my little princess....", sabi ng isang lalaki.
"Mommy! I am scared!", sabi naman ng isang batang babaeng umiiyak at para silang nasa barko.
"Always remember that Mommy loves you baby alright? You and your twin.", narinig kong sabi ng isang malambing na tinig
"Twin! Help me! I'm gonna fall.", umiiyak na sabi ng isang batang babae hbang nakakapit sa railing ng isang barko.
"Twin! Hold my hand! Help! Help us!", sigaw naman ng isang batang lalaki habang natataranta ito at umiiyak.
"Abbbyyyyy!!!!!", sigaw nito ng nabitawan ng batang babae ang hawak at tuluyang nahulog.
Para akong nalulunod. Hindi ako makahinga .
Tok tok tok tok
Napabalikwas ako ng bangon at napansin kong basa ang pisngi ko at ang lapot na ng pawis ko.
Nightmare again....Sino ang mga iyon? Hindi ko makita ang mukha nila.
Tok tok tok..
"Jane! Si Aling Igin mo ito!"
Madalian kong inayos ang ang sarili saka naglakad papaunta sa pinto.
"Okay ka lang ba hija?"
"Okay lang po", pilit akong ngumiti para mapakitang ayos lang ako.
"Oh syanga pala meron akong mga dalang damit. Hiningan ko ang mga kapitbahay para kahit papano eh may gagamitin ka", sabi nito at saka ko lang napansin ang mga hawak hawak nito at agad ko siyang dinaluhan.
"Naku po! Maraming maraming salamat po! Tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob", naluluhang sabi ko.
"Walang anuman hija. Sige maiwan na kita at busy kami sa baba dahil pasukan na bukas. Eh naghahanda na kami. KahiT papaano kasi eh marami ding mga nagpupunta dito para kumain", paalam nito.
"Sige po. Marami pong salamat!"
Saka lang nag-sink in sa utak ko na bukas na pala ang pasok at hindi pa ako nakakabili ng mga gamit. Peto paano ba iyan? Wala naman akong pera. Kahit isang ballpen at notebook lang sana.
Naku ang mabuti pa ay lumakad na ako para makahanap ng raket.
Dali-dali akong nagpumili ng damit at mabilis na nagbihis.
Nasaan kaya si Kristine?
"Oh Jane...saan ka pupunta hija?", tanong ni Aling Igin pagkakita sa akin.
"Ahh. Bibili po sana ako ng mga gamit sa school bukas. Saan po kaya ako makakabili?", tanong ko rito.
"Ahh kung gusto mo ng malapit eh may Steeve Mall jan sa malapit. Pwede kang magtricycle. Pero ang tanong may pera ka ba?", tanong nito.
"Ahh meron naman po kahit paano", sagot ko rito.
Isang daan nga lang.....
"Naku..eto muna papautangin kita ng 500. Bayaran mo nalang pag nagkapera ka", sabi niya sabay abot sa pera.
"Naku huwag na po. Nakakahiya naman po. Dagdag puhunan din po iyan", sabi ko rito.
"Eh paano ka?"
"Okay lang po ako. Sige po Aling Igin at lalarga na po ako"
"Oh sige hija. Mag-ingat ka ha?"
"Salamat po", paalam ko at saka tuluyan ng umalis.
Tutal eh sabi ni Aling Igin ay malapit lang ay lalakarin ko nalang sayang din kasi ang pamasahe.
Pagdating ko roon ay medyo humihingal pa ako. Pinagtitinginan ako ng mga tao pero bakit kaya? Nakaduster kasi ako at nakatsinelas lang. Bakit kaya? Anong bang problema nila? Malinis naman ang damit ko ah.
Hala puro salamin ang nakikita ko! Hindi kaya guguho ito? Anong klaseng pamilihan ito? Paano kaya pumasok dyan? Bakit walang push and pull?
Naghintay muna ako ng taong papasok para alam ko kung ano ang gagawin.
Nakita ko ang grupo ng kababaihan ang pumapasok. Wow ang gaganda nila! Pinanuod ko kung ano ang gagawin nila kung papaano ang pumasok pero nanlaki ang mga mata ko ng makitang dire diretso lang sila.
Hala! Bakit di nila napapansin ang salamin!
"Watch out!", malakas na sigaw ko. Tiningnan naman nila ako ng may pagtataka pero umirap lang sila at tuloy tuloy na naglakad!
Akala ko pa naman mauuntog na sila pero paglapit nila ay kusang bumukas ang pinto!
Wow! Amazing!
~
Hello guyz! Pasensya na at ngayon lang ulit nagupdate.....Asahan ninyo at dadalasan ko na ang update nito. Enjoy reading! :)
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...