Belated Merry Christmas and Happy New Year guyz! mwuah! #Thankyouforthelove
Marie's POV
"Grabe ang swerte pala ni Kristine noh? Imagine siya pala ang nawawalang anak ng mga Steeve?! Ano kaya ang feeling? Reynang reyna na ang bruha!", komento ko sa mga kaibigan.
Nandito kami ngayon sa kwarto namin at busy sa paghahalungkat ng mga damit na dinala ko. Buti nalang girl scout ako at may dala akong mga damit na pang party.
Lahat daw kami ay invited para sa party na hinanda ni Kristine.
"Korek ka jan sis! Ang mudrang bells ko nga eh super fan na fan niya si Madam Megan noh!", komento din ni Antonette.
Napansin kung tahimik lang sa tabi namin si Jana habang nakatingin sa labas.
"Oh Jana natahimik ka jan sis? May problema ka ba?", tanong ko rito.
Natigilan naman ito mula sa malalim na pag-iisip pagkatapos ay nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
"Alam niyo yung feeling na familiar ka sa isang lugar like nakapunta ka na dito noon pero hindi mo lang matandaan", wala sa sariling wika nito.
"Parang deja vu lang ganun?", sagot ko rito
"Aha..parang ganun na nga. But it's impossible. Paano naman ako makakapunta sa ganitong lugar eh pang mayaman naman dito", naguguluhan paring wika nito.
"Baka naman iyong kaluluwa mo dati eh mayaman sis", natatawang sabi pa ni Antonette.
Ding Dong.....
Natigil kami sa pagchichikahan ng may magdoor bell.
"Pustahan tayo ang mga boys na ang mga iyon", sabi ko.
"Ako na ang magbubukas.", suhestiyon ni Antonette.
At umalis na nga ito para pagbuksan ang pinto habang si Jana ay tumulong narin sa paghahanap ng pwede naming isuot mamaya.
"Ito kaya sis gusto mo?", tanong ko rito saka pinakita ang short dress na napili ko.
"Ang ikli naman sis. Gusto ko iyong simple lang.", sagot nito.
"Bagay kaya sa iyo ito sis", pilit ko pa rito.
"Girls!!!!!!", malakas na tili ni Antonette ang gumulantang sa amin.
"Ay butiki!",gulat na bulalas naman ni Jana.
"Hahaha!", natawa nalang ako rito.
"Girls! Over here!!!", malakas ulit na tili ni Antonette l
kaya naman dali-dali kaming napalabas ni Jana."Anyare bakla?", tanong ko rito.
"Look!!!!", excited na turo nito sa dalawang malaking box sa labas.
Mabils nitong binuhat iyon papasok at nilapag sa may salas.
"Zara!!!!", malakas naming tili ni Antonette matapos makita ang tatak ng kahon habang nagtataka lang si Jana.
"Anong Zara?", tanong pa nito.
"Seriously sis? Oh never mind!",natawa nalang ako. Nakalimutan ko na hindi pala mahilig sa fashion ang kaibigan ko.
"To: Miss Marie daw! Ang bongga!", sabi ni Antonette.
"Ohemgee! Sa akin?", hindi makapaniwalang saad ko saka dali daling kinuha ang isang box kung saan nakasulat ang pangalan ko.
"Uy meron din sayo Jana...To: Princess Jana...wow..kelan ka pa naging prinsesa?",taas kilay na tanong ni Antonette.
"Kanino naman kaya galing?", nagtatakang tanong ni Jana.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...