Kabanata 38

27.1K 812 108
                                    

Hello guyz! Salamat sa mga walang sawang nagbibigay ng kanilang comments at votes. Nakakataba po ng puso. Yayy! Nababasa ko po lahat kahit hindi po ako nagrerep dahil narin gipit sa oras at ako'y sobrang nagagalak kung kayat kahit busy sa work ay sinisingit ko na ang paggawa ng update! Harhar! Wag lang mahuli ni Boss! Hihi! Anyway highway this particular chappy is dedicated to beverlylabogpauig..This is for you!:)

PS:Noted po lahat ng gustong magpadedicate...intayin lang po ha..:) lovelots

Enjoy reading!:)

Vanessa's POV

"Ahhhhhhhh!!!!!"

Bogsssshhh!!!

Nagwawala na naman siya.

Gulat na gulat ako ng bigla nalang magbabasag ng mga gamit si Hans.

"Hans!!", sobrang naaawa na ako dito.

Ako ang nakakakita kung gaano ito naghihirap pagkatapos ng pagkukunwari  niya para lang saktan si Jana.

Nagtagumpay nga kaming paghiwalayin sila pero ganito naman ang naging kinahinatnan.

Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito. Oo inaamin ko nasasaktan ako dahil nagkakaganito siya sa ibang babae. Ang ibig sabihin lamang nito ay mahal na mahal niya ang babaing iyon.

"Fuck you all!!!!!", sigaw nito habang umiiyak at walang tigil sa pagbabasag ng mga gamit.

Boggsssshhh!!!

"Hans tama na!",naiiyak naring saway ko rito.

Kanina pa siya nagbabasag ng mga gamit dito sa hangout room nila.

"Umalis ka dito! Hiindi kita kailangan! Magsasama kayong lahat tang ina niyo!",galit na galit na hiyaw nito.

Boggssshhh!!!

"Tama na!!!!"

Galit na galit ito habang walang sawang nagbabasag ng mga gamit hanggang sa magsawa at nanghihinang napaupo sa sulok.

Tanging naririnig ko lang ay ang hinagpis nito. Ako naman ay matiyagang nagbabantay dito baka kasi saktan nito ang sarili at iyon ang hindi niya hahayaang mangyari.

Nang matapos mahimasmasan ay nagtungo ito sa kusina at naglabas ng mga alak.

Pinanood ko lang siya habang nagpapakalunod sa alak.

~

Jana's POV

"Goodmorning din po!", bati ko sa mga empleyado na bumabati sa amin dito sa Angels.

Grabe naman kasi ang daming bumabati pero hindi naman pinapansin ni Tito Kristan kaya naman ako nalang ang sumasagot.

"Tito Kristan di ba ang ganda dito? Ang bait pa ng mga empleyado.Hihi"

"Pfffttt",hindi ko naman malaman kung bakit natatawa si Tito Celvin sa sinabi ko

"This way sir", sabi ng waiter at dinala kami sa isang mesa.

Pinaghila ng waiter si Tito Kristan pero hindi ito umupo bagkus ay humila pa ito ng isang upuan at saka ngumiti sa akin.

Natigilan din ang waiter sa ginawa nito. Parang hindi pa nga ito makapaniwala.

"A-ako po?", tanong ko habang nakaturo sa sarili.

"Ofcourse...anything for our princess", ngiting ngiting saad nito.

"T-talaga po? Prinsesa po ako?"

"You have no idea"

"Ho?",nalilitong tanong ko.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon