Kabanata 27

23.9K 603 44
                                    

Jana's POV

Hindi ko mapigilan ang hindi mailang sa klase ng tingin nila sa akin.

"Sweetheart you are very beautiful..", bulong sa akin ni Hans kaya naman ramdam kong pulang pula ang pisngi ko.

"Grabe ang ganda niya pala kapag naayusan"

"Oo nga! Mukha siyang artista"

"Kaya naman pala bantay sarado si Hans, maganda naman pala siya"

"Nakakagulat nga eh!"

"Alam niyo may kamukha siya.Hindi ko lang matandaan eh pero mukha kasi siyang pamilyar"

"Tss. Anong tinitingin tingin niyo jan?! Baka matunaw ang sweetheart ko!", pasupladong pagtataboy ni Hans sa mga nakatingin sa akin.

Asikasong asikaso naman ako ni Hans habang nasa paradahan kami.

"Sweetheart gusto mo ng tubig?", tanong nito sa akin.

"M-mayroon ba?", tanong ko rito.

"Syempre naman. Lahat ng gusto mo mayroon basta sabihin mo lang sakin sweetheart", mayabang na wika nito habang hawak ang kamay kong nakakapit sa braso nito.

"T-talaga?"

"Hmmm"

"Sige nga penge ako ng tubig. Nauuhaw na kasi ako eh", sabi ko rito.

"Bryan.....!"

"Yes boss?"

"Tubig nga para sa sweetheart ko"

"Boss tinatama-

Binigyan niya ng masamang tingin ito kaya't napakamot nalang si Bryan.

"Sabi ko nga boss kukuha na ako eh!", sabi nito saka tumakbo na.

"Oh akala ko ba ikaw ang kukuha? Bakit mo inutusan si Bryan?", nagtatakang tanong ko.

"Ayoko ngang iwan ka. Ano sila sinuswerte?", nakangising sabi nito.

Hindi naman nagtagal ay humihingal ng dumating si Bryan.

"Boss eto na..", sabi nito saka binigay ang isang mineral.

"Salamat Bryan", nakangiting nagpasalamat ako rito saka tinanggap ang tubig.

"Walang anuman Ms. Beautiful. Kung alam ko lang na ganyan ka kaganda sana pinatulan na kita noong nagpapacute ka sa akin"

"Haaaa? Kailan naman iyon?", nagtatakang tanong ko.

"Luis pahiram ng kutsilyo mo pare. May kakatayin lang ako", sabi naman ni Hans kay Luis.

"Ahhehee..joke lang iyon Jana. Ang Irog ni Boss. Nakakatawa kaya iyon..Hahahaha", tumatawang sabi nito pero seryoso lang nakatingin dito si Hans.

"Ah hehe S-hige boss. Haha..Nakakatawa talaga ng joke ko"

"Tss."

Hindi nagtagal ay nararamdaman ko ang init ng araw.

"Naiinitan ka ba sweetheart? Gusto mo ba ng payong? pamaypay?",alok ulit nito

"B-bakit mayroon ka ba?", nagtatakang tanong ko.

"Syempre ako pa"

"Oh sige nga akin na...", hingi ko rito.

"Saglit lang sweetheart at kukunin ko", paalam nito.

Tumingin ito sa likod at iniwan at saglit.

"Psssttttt", tawag nito sa isang lalaking classmayt namin na may kaakbay na babae na nakahawak ng payong at pamaypay.

"Bakit boss?"

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon