Kabanata 25

23.7K 600 8
                                    

Jana's POV

Nagtatapat na ba siya sa akin kanina? Ohmygosh! Kainis! Bakit kasi ngayon pa ako tinawag ni kalikasan!

Binalikan ko ito kaso wala na siya. Kaya eto malungkot na naglalakad pauwi na.

"Sis?!!!!"

"Ayy bwisit na ihi?!", gulat na gulat na saad ko.

"Kyaaahhh?!! Ang ganda ganda pala ng boses mo sis?!", nagtatalon na sigaw ni Marie.

"Hahaha! Akala ko pa naman kung ano na.", natatawang wika ko.

"Kyah!!! Excited na ako sa Coronation Nigth sis?! Magaganap ang big big transformation ever?! Panahon na para ilabas natin ang nakatagong ganda mo sis?!", excited na sigaw rin ni Antonette.

" Malaki ang chance natin sis!", natutuwang sabi pa ni Marie

Tawa lang kami ng tawa pero napatigil ako ng hindi pala sumasali si Kristine at seryoso lang ang mukha nito.

Hindi ba siya masaya sa akin?

"Sis...", tawag ko rito.

"Ahh sis..ang g-anda pala ng boses mo", napipilitang sabi nito.

"Salamat sis..", nakangiting wika ko rito.

"Dahil jan ay tara sa ihawan ni Aling Igin?!", malakas na sigaw ni Antonette.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami doon at agad umurder ng mga isaw, fishball, kikiam, dugo, kwek kwek at bbq. Manlilibre daw si Antonette dahil sigurado na daw na makukuha ko ang Best in Talent.

"Naku sis kailangan nating magpraktis. Ako ang bahala sa iyo", excited na wika ni Antonette.

"Naku salamat ha?", masayang sabi ko rito.

"Hey gurlz..mukhang may selebrasyon tayo ah.."

Tiningnan namin kung sino ang chismosong iyon at tama nga ang hinala namin. Si Marvin Uy.

Junior (3rd year) palang ito pero ang lakas na ng loob. Masugid siyang manliligaw ni Diana.

Mayroon itong kasamang apat at umupo sila sa mesa namin.

Hindi kami kumibo dahil dakilang high blood ang isang ito. Baka manggulo pa dito sa ihawan. Ang pagkakaalam ko ay kaedad namin siya pero dahil sa mga kalokohan nito kaya nahuli siya ng isang taon.

Napansin kung nagtipa si Marie sa kanyang cellphone at pasimpleng sinuksok iyon sa bulsa nito.

"Hmmm...mukhang masarap ah. Balita ko magaling ka raw kumanta ah", nakangising wika nito sa akin saka umupo sa tabi ko at umakbay.

Ang isa naman ay tumabi kay Kristine. Dalawa naman kay Marie at Isa kay Antonette.

Mukha silang manyak! Kadiri!

"Ano ba Marvin bitaw nga..", mahinahong sabi ko rito saka pilit tinatanggal ang braso nitong nakaakbay sa akin.

"Huwag ka ngang feeling jan! Hindi ka maganda! Pasalamat ka nga pinapatulan pa kita eh!", mayabang sa sabi nito saka hinila pa palapit ang upuan ko kays naman muntik na akong napasubsob rito.

"Hahahahaha!", tawanan naman ang mga kasama nito.

"Ano ba?! Ang bastos mo! Ano bang atraso namin sayo ha! Bitawan mo nga ako!", pagpupumiglas ko rito.

Matagal na rin ng simulan kaming pagtripan ni Marvin Uy at ang kanyang mga alagad. Sinabihan ako ng mga kaibigan ko na magsumbong kina Hans pero pinigilan ko sila dahil isa pang high blood iyon baka mas malaking away pa kung papatulan ang kabaliwan ng mga gunggong na ito.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon