Dedicated to exoL_dokyungsoo...naks...siya daw kasi nauna nagcomment sa Kabanata 51...:)
Enjoy reading!
~
Jana's POV
Gabi na ng makarating ako sa probinsya namin.
Pagbaba ko sa tricycle ay pumikit ako at saka dinama ang hangin.
Hmmm. Ang sarap ng hangin!
I'm home
Namiss ko ang amoy ng probinsya! Ang preskong hangin! Ang mga bukid!
Hanla! Fiesta pala ngayon! Kaya pala may banderitas na nakasabit sa daanan.
"Jana ikaw ba yan?"
Lumingon ako sa nagmamay ari ng tinig at nakita ko si Aling Bebang na kapitbahay namin.
"Aling Bebang kumusta po?", nakangiting wika ko.
"Naku! Namiss ka naming bata ka! Ano kumusta ang Manila? Mukhang hiyang mo ah! Mas lalo ka pang pumuti oh!"
"Hahaha! Hindi naman po!"
"Bebang sino pa ang kausap mo riyan ha?"
Natigilan ako ng marinig ko ang tinig ni Inay mula sa maliit naming bahay na gawa sa kawayan.
Mayroon lamang itong dalawang maliit na kwarto. Maliit na sala at kusina. Ang banyo ay nasa labas. Typical na bahay sa isang malayong probinsya.
Mayroon din kaming gripo kung saan kami umiigib ng tubig.
"Minda! Andito ang anak mong si Jana!"
"He! Huwag mo akong pinagloloko jan Bebang"
Napangiti nalang ako sa palitan nila ng salita.
Hindi naman kasi inaasahan nina Nanay ang pag uwi ko eh.
"Tingnan mo iyang Nanay mo at hindi ako pinaniwalaan"
"Haha. Nay! Tay!",sigaw ko.
"HARU JUSMIYO! Ikaw nga anak!", humahangos na sabi ni Nanay at patakbong lumabas mula sa loob ng bahay.
"Jana anak!", sabi naman ni Tatay.
"Nanay! Tatay! Namiss ko po kayo!", sabi ko sabay yakap ko sa kanila.
"Naku ang anak ko! Mabuti naman at nakauwi ka anak! Miss na miss ka na naman ng Tatay mo!", umiiyak na sabi ni Nanay.
Hindi ko din napigilan na maiyak dahil sa pangungulila ko sa aking mga magulang.
"Ito lang ba ang gamit mo anak? Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa bahay", sabi ni Tatay at binuhat ang bag ko na naglalaman ng aking gamit.
"Kumain ka na ba anak? Mayroon tayong adobong kangkong!", masayang sabi ni Nanay.
"Hindi pa po! Naku namiss ko yan Nay!"
Dumiretso na ako sa maliit naming kusina at naghugas ng kamay saka dumulog sa mesa.
"Hmmmm. Namiss ko to!", sabi ko sabay subo ng kangkong at kanin.
"Dahan dahan anak. Ikaw ba eh hanggang ilang araw ka dine?", tanong ni Nanay.
"Mga tatlong araw po Nay."
"Sakto anak. Fiesta natin bukas. Magluluto tayo ng ibat ibang kakanin bukas. Siguradong mabubusog ka. Aba eh ang payat mo na ah", sabi naman ni Tatay.
"Tay naman. Sexy po ang tawag jan"
"Anong sexy sexy! Payatot kamu! Iyang kagaya ni Nanay mo ang sexy para sa akin. Di ba mahal?", sabay kindat kay Nanay.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...