Jana's POV
Okay. Anong ginawa ko para magalit siya sakin? N-nagseselos daw siya?
dug dug dug dug dug
Bakit abnormal ang tibok ng puso ko?
"Hey Jana! Are you okay?", tanong sa akin ni James ng mapalapit siya sakin hawak hawak ang isang tray na puno ng pagkain.
"Ahh ehh okay lang naman p-pero ahmm pwede bang maiwan na kita? M-may hahabulin lang ako. Nagalit ata. Sige ha?", paalam ko dito saka nagmamadaling umalis na at lumabas.
"Jana wait?!", sigaw pa nito pero hindi ko na siya tiningnan at namamadaling hinanap ang mga lalaking iyon lalong lalo na ang lider nilang sumpungin.
Hinanap ko sila pero hindi ko sila makita. Kung saan saan na ako nakarating at malapit na ring maubos ang oras para sa break time kaya naman nagdesisyon akong umupo sa harap ng isang kwarto nakasarado.
Nilabas ko ang baon ko mula sa bag at nagsimula ng kumain. Pero hindi pa ako nakakarami ay biglang bumukas ang pintuan kaya naman gulat na gulat ako lalo na ng makita ko si Luis ba iyon.
"A-anong ginagawa mo diyan?", tanong ko rito.
"Ikaw dapat ang tatanungin ko niyan Honey ni Boss. Anong ginagawa mo dito?",nagtatakang tanong nito sa akin.
"Ah eh kumakain?", sabi ko rito saka pinakita ang tinapay na kinakain ko?
"What's that? Is that your meryenda? Akala ko ba sabay kayo nung James kanina?", nagtatakang tanong nito.
"Ahmm n-nagalit kasi si a-ano pala pangalan non? Kaya nga sumunod ako para tanungin kung b-bakit..", sabi ko rito.
"Haha! Ikaw naman kasi Honey ni Boss. Sinabi niyang sabay kayong magmeryenda eh sa iba ka sumama kaya tuloy nagjelly jelly si Boss", natatawang sabi nito.
Saka lang ako natauhan sa sinabi nito. Oo nga pala. Sinabi niya iyon kaninang hinatid ako.
"Hoy Luis! Sino yan?", tanong ng isang tao sa loob.
"Nandito ang honey ni Boss dude?!", sagot naman ni Luis at agad na may bumungad sa may pinto. Si Francis pala iyon.
"Ayon oh! Hello Honey ni Boss! Gago ka talaga Luis?! Bakit hindi mo papasukin ang Honey ni Boss ha?!",malakas na sabi nito.
"Eh hindi niyo naman kasi sinabi eh. Pasok ka Honey ni Boss", sabi ni Luis sabay bukas ng pinto.
Nang bumungad sa akin ang loob nun ay nalula ako dahil ang ganda! Napakalawak at ang daming iba't ibang bagay gaya na lamang ng video games, may space din kung gusto mong maglaro ng archery? darting, may basketball shooting din!
Gusto kong subukan lahat?!
"Hello Honey ni Boss?! Tuloy ka sa aming simpleng lungga!Haha!", bungad sa akin ni Bryan. Grabe ang gwagwapo nila.
Asan kaya ang isang iyon?
"Ahmn s-salamat ha", sabi ko saka nahihiyang umupo sa sofa nila.
"Ahhh!", nagulat pa ako ng mapaupo ako ng tuluyan dahil bahagyang lumubog iyon.
Wow ang lambot naman.
Dahil natutuwa ako, paulit ulit akong tumayo saka uupo ulit.
"Hahahaha!", natatawa nalang ang tatlo habang tinitingnan ako.
"Anong kaguluhan ito?!"
Napatigil kaming apat ng maagaw ang pansin namin sa dumadagundong na boses.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...