Kabanata 28

23.3K 556 37
                                    

Jana's POV

"Ayy ano ba yan bakit hindi nagshoshoot si Hans?", dismayadong sabi ng babae sa bandang unahan namin nina Marie at Antonette.

Tumingin ako sa score board at nakita kung lamang na ang mga junior sa score na 45-29.

Tanging sina Bryan, Luis at Francis lang kasi ang nagdadala at mukhang pagod na sila.

"Oo nga! Puro assist lang ang ginagawa eh ang laki na ng lamang!", nakasimangot sa sabi naman ng katabi nito.

"Hoy sis", tawag sa akin ni Marie.

Nagtataka naman akong tumingin rito.

"Bakit sis?", sagot ko.

"Anong nangyari jan sa Han mo?", kunot noong tanong nito.

"Ha? M-malay ko", nalilitong sagot ko.

"Hay naku! Icheer mo kasi sis!", sabat naman ni Antonette.

"GO HANSSSS!!!", rinig naming sabay na sigaw nina Kristine at Diana.

Tinangnan ko kung anong reaksyon ni Hans pero parang balewala labg ito rito at patuloy lang ang walang buhay na paglalaro nito.

"Sige na sis! I cheer mo na kasi!", ungot nina Marie at Antonette sa akin.

"A-anong sasabihin ko?", kinakabahang tanong ko.

"Sabihin mo kung anong gusto mong sabihin. Malamang kahit ano oks lang doon eh patay na patay iyan sa iyo eh.", panunulsol pa ni Antonette.

"Hans....", mahinang tawag ko.

"Han-

Bosssggghhh

"Aray bakit mo ako binatukan?!", inis na baling ko rito.

"Shunga ka ba? Paano niya maririnig eh ang hina hina ng boses mo!", nanlalaki ang mga matang sabi nito.

"N-nahihiya ako eh", namumulang wika ko.

"Ano ba yan Jana?! 3rd quarter na at kulelat na tayo!"

"Ka-

"Heppp!!! Ichecheer mo oh ichecheer mo?!", salubong ang kilay na wika nito kaya napalunok ako.

"A-ano ulit ang sasabihin ko?", tanong ko kaya naman napatampal ito sa noo.

"Kahit ano!", natatawang sabi ni Marie.

"Ah eh...ehem ehem....Hans...."

"Lakasan mo! Ilong mo lang nakakarinig eh!"

"Hans..."

"Lakasan mo pa?!",malakas na bulyaw ni Antonette.

"HANS?!!!!",dahil sa gulat ay bigla tuloy akong napasigaw ng ng pagkalakas lakas dahilan para tumahimik ang buong gym at ngayon ay nakatingin silang lahat sa akin.

"Ano na sis....magsalita ka na", bulong sakin ni Marie.

Nakatingin naman ang lahat sa akin kaya naman kulay makopa na ata ang mukha ko dahil sa hiyang nararamdaman.

Nahagip ko rin kung paano unti unting pumurma ang ngiti sa labi ni Hans habang hinihintay na magsalita ako.

"A-ano kasi..ahmn...Bakit ang pangit ng laro mo?", pagalit na wika ko rito.

Sabay sabay namang napalatak ang mga tao sa sinabi ko.

"Ay anak ka ng..Grabe Jana ang sweet mo ha?! Nilanggam ako ng itim na langgam sa katamisan ng sinabi mo!", sarkastikong wika ni Antonette.

"Ehhhh? T-thank you...", nahihiyang sagot ko.

"Pffffftttt Hahahahahaha!"

Napabaling tuloy ang atensyon naming lahat kay Hans na ngayon ay namimilipit na sa tawa.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon