Jana's POV
Sumakay na kami sa shutle bus at nagpahatid sa centro kung saan kami pwedeng magmeryenda.
Tahimik lang ako habang nag-iingay ang mga kasama ko. Ang mga lalaki eh nasa likod lahat habang kaming babae ang magkakatabi. Ako kay Antonette habang si Marie at Vanessa.
Agad kasing kinuyog ng mga lalaking barkada si Hans para hindi na makakontra si Vanessa na kapit tuko kung makakapit.
Sa totoo lang ay nasasaktan ako sa sobrang pagkakalapit nila. Parang kailan lang na nasa akin lahat ang atensyon niya. Pero dumating lang ang first love niya nagbago na ang lahat.
Kung sana opisyal na kaming dalawa may karapatan akong sumbatan siya pero hindi nga kaya nananahimik nalang ako.
Titiisin ko nalang ang sakit at matinding selos na nararamdaman ko.
"Andito na tayo!!! Wow dami palang fastfood dito!!", excited na wika ni Bryan at nauna ng bumaba.
Hindi naman siya mukhang gutom ano?
"Jollibee!!!", nagtwinkle twinkle naman ang mga mata ni Marie habang nakatingin doon.
"Mcdo tayo!!", sabi naman ni Luis.
"Oh sige hiwalay na tayo! Sa Mcdo tayo!", sarkastikong sagot ni Marie.
"Sabi ko nga sa Jollibee na tayo myloves. Chilax mahal. Hindi ka na mabiro", lambing naman dito si Luis sabay kiss sa pisngi nito.
Uwaaahh!!! Naiinggit ako!!!
Ganyan na ganyan
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...