Jane's POV
Pagpasok ko sa malaking mall ay namangha ako! Grabe ang lamig! Ang daming tao!
Habang may nakamasid sa akin habang nakataas ang kilay.
Naglakad lang ako hanggang sa mahagip ko ang National Bookstore. Dito na siguro iyon.
"Miss bawal ang pulubi sa loob", sabi ng guwardya.
"Ha? Kuyah bibili lang po ako ng notebook at ballpen. Hindi po ako pulubi.", sagot ko rito.
"Tch. Sige nga kung hindi ka pulubi. Nasaan ang pera mo?"
"Nandito po oh",sabi ko sabay pakita ang wallet kong luma na.
"Hay naku! Dalian mo lang at baka pag nakita ka ng Manager eh ako ang malalagot!"
"Sige po kuyah. Salamat po"
Tuluyan na akong nakapasok sa loob at agad tumingin sa mga ballpens na naroon. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang 35.00 ang isang ballpen! Wow ha! Sa probinsya namin 6.00 lang ang isa eh! Ang mahal naman dito! Nagpunta ako sa part kung saan nakahanay ang mga notebooks at naghanap ako ng mura at iyong kaya lang ng budget ko pero nanlumo ako ng makitang 120.00 lang ang pinakamura nila.
Laglag ang balikat na umalis na ako doon.
"Oh bakit ang bilis naman ata?", nagtatakang tanong ng gwardya.
"Babalik po ako manong. Kulang po kasi ang pera ko", malungkot na sabi ko.
"Ganoon ba? Oh sige"
Wala sa sariling naglakad na ako palabas at nag-iisip kong saan ako kukuha ng idadagdag sa pera ko.
"Hay...paano na iyan? Wala pa akong bag",naluluhang sabi ko.
"Ano ba iyan! Ang tumal ng benta natin! Wala pa tayong nabebenta! Kahit sana isa lang ngayong araw na ito!"
Napatingin ako sa mamang nagsalita. Nakita kong nagbebenta sila ng magic sing!
Eh kung...aha! Tama!
Mabilis akong naglakad palapit sa dalawang nag-uusap at kinalabit sila.
"Bakit hija? Wala pa kaming benta! Wala kaming mabibigay na limos sa iyo! At isa pa! Bakit nakapasok ang isang pulubi dito?!", galit na sabi nito.
"Ahmm. Hindi naman po ako pulubi eh. Pwede po bang ako ang magbenta niyang binbenta ninyo?", nananantiyang tanong ko.
"Aba! Budol budol gang ka hanu?! Ma'am huwag po kayong magpapaniwala jan!", kontra ng isa.
"Hmmm...bakit sa tingin mo ba ay makakabenta ka?", taas kilay na tanong nito sa akin.
"Susubukan ko po. Pero pwede po bang makahingi ng kaunting pera kapag nakabenta po ako?", pagmamaka awa ko.
"Ahahaha! As if naman! Ako nga na magandang saleslady hindi makabenta! Ikaw pa kaya na pulubi! Hahaha", natatawang sabi ng babae .
"Okay...deal...", sabi naman ng manager nila. Hindi makapaniwalang tiningnan ng babae ang boss nito.
"Seryoso kayo ma'am?!", gulat na tanong nito.
"Yes! I'm so desperate kasi nga wala pa halos tayong benta ngayong buwan na ito! Wala naman sigurong mawawala kapag pinagbigyan ko ang bata!",paliwanag nito.
"Naku po! Salamat po!", mayasang sabi ko saka siya niyakap.
"Ayyyy ano ba yan! Okay na! Huwag mo na akong yakapin!", kuntra nito.
"Pwede ko po bang mahiram ang mike?", excited na tanong ko.
"At bakit?!", pasupladang tanong ng saleslady.
"Ano ba Minda! Ibigay mo nalang sa bata ang mike at hayaan mo siyang dumiskarte?!", saway ng manager dito.
Paghawak ko sa mike ay pumindot ako roon. Pagkatapos ay pumainlanglang ang isang musika sa lugar na iyon. May mga taong napatigil at tumingin. Marami din ang dedma lang at tiningnan ako na para akong mababaliw.
"Hello?! Ang kantang ito ay para po sa inyong lahat?! Sana po ay magustuhan ninyo!"
Hmmmmmm.
If I would have to live my life again
I'd stay in love with you the way I've been
Your love is something no one ever can replace
I can't imagine life with someone else.
Nang simulan ko ang kanta ay pumikit ako at dinama ang mensahe ng awit.
Pagkatapos non ay nagmulat na ako pero saglit na napatulala dahil sa ilang sandali lang ay napapalibutan na ako ng mga tao. Ngumiti ako sa maluwag sa kanila.
I promise , I will share my life with you
Forever may not be enough it's true
My heart is filled with so much love I feel for you
No words can say how much I love you so
Mas ginalingan ko pa ang pagkanta matapos kong mapansin na natutuwa ang manager sa ginagawa ko. Halos magtulakan na kasi ang mga tao roon para makita lang ako.
And if forever's not enough for me to love you
I'd spent another lifetime baby if you ask me to
There's nothing I won't do
Forver's not enough for me to love you so
Nang matapos ko ang kanta ay sinalubong ako ng masigabong palakpakan. Maging ang mataray na saleslady kanina ay tuwang tuwa sa performance ko.
"Gusto niyo po bang maging magaling na singer? Sanayan lang po kasi iyan. Kaya kung ako po sa inyo ay bumili na po kayo ng magic sing! Mura lang po at swak sa budget!", sabi ko sa kanila.
"Bibili ako!"
"Ako rin!"
"Lumapit na po rito ang mga gustong bumili!"
Sa awa ng Diyos ay nakabenta ako ng 10 magic sing! Tuwang tuwa ang manager ng makabenta ako.
"Oh ito ang parte mo hija! Alam mo magaling ka! Gusto mo bang magtrabaho dito?", alok nito sa akin.
"Naku, ang laki naman po nito. Kahit isang libo nalang po.", natutuwang sabi ko at tinanggap ang 2000 na bigay nito at ibabalik na sana ang 1000 pero hindi ito pumayag.
"Alam mo hija. Nakita kong kailangan mo ng pera kaya tanggapin mo na iyan. Maliit na bagay lang iyan sa ginawa mo. Dahil sa iyo ay nakabenta kami.", nagagalak na wika nito.
"Naku po. Maraming maraming salamat po talaga. Hayaan niyo po at babalik itong biyaya na ipagkakaloob po ng Diyos sa inyo", nakangiting sabi ko saka excited na isinilid na ang pera ko sa lumang pitaka ko.
"Kung hindi mamasamain hija. Saan mo ba gagamitin ang pera?", curious na tanong nito.
"Galing po kasi ako ng probinsya. Scholar po ako sa Esteban High pero sa kasamaang palad ay nadukutan po ako pag-apak ko po dito. Tinangay po nila ang pera at damit ko kaya eto po pasukan na po bukas ay wala pa po akong nabibiling gamit. Pero salamat po sa binigay ninyo at makakabili na po ako ng mga kailangan ko", kwento ko sa kanila.
"Pang-MMK naman pala ang kwento mo bakla!", naiiyak na wika ng saleslady.
"Naku! Ganoon pala! Oh eto dagdag niyan! Nakakaawa ka naman pala.", naaawang sabi ng manager at dumukot ng isa pang libo.
"Naku po huwag na-
"No! I insist. Isipin mo nalang na isa ako sa sugo na ipinadala ng Diyos para tulungan ka!", nakangiting sabi nito.
"Maraming marami pong salamat ma'am...Tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob."
"Walang anuman hija. Iyong sinabi ko sa iyo. Kung kailangan mo ng ekstra income. Pwede kang magtrabaho dito. Maliwanag ba?"
"Opo ma'am! Salamat po ulit.."
~
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...