Kabanata 46

27.1K 732 192
                                    

Megan's POV

"Mama!"

Pagpasok ko palang sa resto kung saan kami magkikita ng anak ko ay agad ko na itong nakita. Nakangiting lumapit ito sa akin saka humalik sa pisngi ko.

At first hindi pa ako sanay na tawagin niya ng Mama kasi she used to call me Mommy when she was young. Like Xander..pero hindi ko naman masabi sabi rito dahil baka masamain niya iyon.

Di bale na kahit anong itawag niya sa akin bastat ang importante ay nakita ko na siya.

"How's your day baby? Nag-enjoy ka ba?", tanong ko rito.

"Ofcourse Ma! I like it here so much! Ang ganda ng lugar! First ko nga pong makarating dito eh!", masayang wika nito.

Napatigil naman ako sa paginom ng juice matapos marinig ang sinabi nito.

"Hindi ba familiar saiyo ang lugar baby?", tanong ko rito.

You've been here so many times before when you were young....

"First time ko talaga dito Ma! Grabe ang sarap ng feeling! Anyway Ma, my classmates are here. I learned na binigyan sila ni Papa ng priviledge to come here. Gusto ko sanang magpaparty Ma"

Tila hindi na pumapasok ang mga sinasabi nito dahil naguguluhan ako sa nalaman ko. Bakit hindi niya maalala ang lugar? Posible kayang nakalimutan niya? Like amnesia?

"Ma!"

Napakislot pa ako ng marinig ang pagsigaw nito.

"Hindi ka naman nakikinig Ma eh!", nakabusangot na saad nito.

"I'm sorry baby may iniisip lang si Mama. What is it again?", paglalambing ko rito.

"Iyon nga Ma gusto ko sanang magpaparty for my friends"

"Ohh. Ofcourse you may anak. I will call Eva to prepare for it."

"Really Ma?! Thanks Ma!"

Napangiti naman ako matapos akong yakapin ng anak.

"I'll tell my friends immediately Ma! I'm so excited na!"

"Anyway anak. I called your Dad- I mean Papa eh gusto na niyang umuwi ako. But don't worry anak I'll fix the party first and ask your brother Xander to accompany you here before leaving..."

"It's okay Ma!"

Honestly I'm a little bit disappointed kasi I thought malulungkot siya dahil maiiwan siya pero parang okay lang naman dito.

Hayst. Ano bang iniisip ko.

Matapos kaming magmeryenda ay hinayaan ko na siyang kitain ang mga kaklase nito. Siguro sobrang namiss na niya ang mga ito. Habang ako naman ay tinawagan na ang mga dapat tawagan para sa party ng anak kinabukasan ng gabi.

~

Luis' POV

"Asan na daw sila?", tanong ni boss sa amin.

"Boss! Hindi sila mawawala relax! Nakaisang daang tanong ka na ata jan eh. Parating na ang mga iyon", natatawang sagot ni Francis.

"Tsss"

Maging kami ay natawa narin. Ang OA talaga ni Boss pagdating kay Jana.

Narito na kami sa beach. Ewan ko ba dito sa mga kolokoy na ito. Masyadong excited buti nga at napilit si Boss na bumaba.

"Witwiw!", sumipol si Bryan matapos dumaan sa harap namin ang grupo ng kababaihan wearing their swimsuit.

"Kyaahhhh!!", kinikilig na tumili naman ang mga ito.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon