Kabanata 5

27.4K 702 5
                                    

~

Jana's POV

Habang hinihintay namin ang inorder na pagkain ni Ma'am Megan ay pinag-aralan ko ang lugar kung saan kami naroroon.

Napakaraming kumakain dito at mga halatang mayayaman. Siguro ako lang ang naiiba dito dahil mahirap lang ako at ang gaganda ng mga suot nila.

Habang busy ako sa pagmamasid ay naagaw ang pansin ko sa mga kalalakihang tumayo mula sa isang mesa. Apat sila at wow ang gwapo nilang lahat. Napako ang tingin ko sa lalaking nasa unahan parang siya ang leader nila. Ang lakas ng dating nito. Ang tangkad niya ang tangos ng ilong at ang pula ng mga labi nito.

Saka lamang ako natauhan sa katititig dito ng hindi sinasadya ay lumingon ito at nabuking ako nito. Nakita kong ngumisi ito kaya naman dali dali akong tumingin sa ibang direksyon pero pulang pula na ang mukha dahil matinding pagkahiyang naramdaman.

Nakakahiya....

"Ahh hija maiba ako...bakit pala nakabenda iyang isa mong kamay?", tanong ni Ma'am Megan. Napatingin ako sa tinutukoy nito saka napangiti.

"Swerte ko raw po kasi ito kaya hindi daw po dapat makita ng iba sabi ni Nanay...."

"Ahhhh..ano ba iyan?"

"Birth-

"Excuse me Miss Megan pero hinahanap na po kayo ni boss Kristan..Kakausapin niya raw po kayo....", pamumutol ng bodyguard nito sa sasabihin ko saka tinuro ang hawak na telepono

"Ohh sige...hay naku....kahit kailan talaga napaka-OA niyang boss mo...",dinig kong komento ni Ma'am Megan saka tinanggap ang telepono ng bodyguard nito.

"Babe nasa Angels ako....May kasama akong dalagita na muntik na naming nasagasaan...Oo okay naman siya babe...Huwag mo na akong sunduin babe ano ka ba...kakain lang kami saglit at pupunta na ako jan..Okay babe....mahal na mahal din kita..."

Pagkatapos makipag usap ay binalik na nito ang telepono sa bodyguard.

"Pasensya ka na hija....iyon ang asawa ko...napaka-OA lang talaga minsan..",natatawang sabi nito.

"Okay lang po Ma'am Megan.."

Hindi nagtagal ay dumating narin ang inorder naming pagkain. Wow ang daming pagkain.....Namimilog ang mga mata ko pagkakita sa mga iyon. Mukha ngang masarap.

Pinagsaluhan namin ang mga pagkain at masasabi kong napakasarap nga. Busog na busog ako at kahit hindi na ako kakain mamayang gabi nito. Pero ang daming natira sayang naman. Pwede kayang iyuwi ko nalang? Ang dami naman kasing inorder ni Ma'am Megan eh. Ayan tuloy punong puno ng pagkain ang mesa namin.

"Ohh my..hija pwede bang ihatid na kita kung saan ka tutuloy...",  sabi ng mabait na si Ma'am Megan.

"Sige po Ma'am....",ang sagot ko.

Nakita kong sumenyas ito at saka binigay ang isang card. Pagkalipas ng ilang minuto at bumalik ulit ang waiter saka binalik ang card na kanina ay binigay ni Ma'am Megan.

Tumayo na ito at naglakad na palabas pero napahinto ito ng maramdaman na hindi ako sumunod.

"Halika na hija...", nagtatakang sabi nito.

"Ahh ehh...sayang naman po ito Ma'am pwede po bang iyuwi ko nalang po? Pagkain ko na po mamayang gabi hanggang umaga ito. Makakatipid pa po ako....", nahihiyang sabi ko.

Narinig kong napasinghap ito at saka ngumiti. Napansin kong kumislap ang mga mata nito at pasimpleng pinunasan ang mata.

"Sure hija....teka lang...Xian...can you please ask for an assistance at ibalot ang natira...at pakidagdagan na rin", utos nito.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon