Hans' POV
"Boss kelan ka pa natutong magdamoves",nakangising komento ni Francis na sinagot ko lang ng irap at saka naglakad na. Umalalay narin ang tatlo sa akin.
Para tuloy kaming artista na tinitilian ng lahat pero balewala iyon sa akin habang ang tatlo ay mukhang nag-eenjoy sa attention.
Kung noon ay bored ako mukhang magiging makulay na ang mga susunod na araw ko dahil sa babaeng nakapukaw ng attention ko.
She's a nerd pero ewan ko ba kung ako lang ang nakakapansin sa malaanghel na mukha nito. Napakaganda niya at mukhang napakainosente rin sa mga bagay bagay. Paano pa kaya kapag naayusan na ito?
Pero deep inside me gusto kong ako lang ang nakakapansin sa kanya. Ayokong may ibang magkakainteres dito.
Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti habang iniisip kung paano pumula ang mukha nito kanina.
Ang sarap sunggaban ang mapupulang labi nito.
"Hanla boss masama na iyang tama mo! Ngumingiting mag-isa oh! Haha!", natatawa ring kantyaw ni Luis.
Papunta na kami ngayon sa tambayan ng grupo namin. Mamaya nalang kami papasok sa kwarto namin. Actually minsan lang kaming pumasok at mas madalas pa kami sa tambayan. Wala lang sa amin ang mag-aral dahil nalakabagot. Nakakapasa parin naman kami dahil kahit ganito kami ay pasado lahat kami sa exams hindi nga lang kataasan. Pero ano naman ngayon? Bastat pasado okay na.
"Woah! Happy first day of school!!!", malakas na sigaw ni Bryan matapos marating namin ang tambayan at umupo na sa sofa.
Pinasadya ko talaga ang tambayan na ito kay Mama. Naroroon ang iba't ibang laro na pinagkakaabalahan namin kagaya ng archery, darting, pool, video games, at gym. Mayroon kaming sariling kusina at kanya kanyang kwarto.
Oh di ba ang astig?
KRINNNGGGGGGGG
Nang tumunog ang bell na ang ibig sabihin ay magsisimula na ang klase ay nagkatinginin kaming apat saka ngumisi.
Nagtunguhan kami sa kanya kanyang laro at inabala ang aming sarili.
Si Francis ay sa darting habang si Luis ay sa archery. Kami naman ni Bryan ay sa video games nagtungo at naglaro ng car racing.
"Syangapala boss. Anong pangalan ng babae kanina sa parking lot?Mukhang may tama ka roon ah", pasimpleng tanong ni Bryan habang tutok na tutok sa nilalaro.
Bahagya akong natigilan sa tanong nito kaya nawala ang focus ko sa nilalaro. Oo nga naman. Bakit hindi ko man lang natanong ang pangalan niya?
"Yahoooo!!! Panalo ako!!! For the first time!!! Yeah!!! Hahaha! Alam ko na kung paano talunin si boss!!!!", nasisigaw na sabi ni Bryan matapos akong unahan sa finish line dahil nawala saglit ang attention ko gawa ng babaeng iyon.
"Weeeh?",hindi naniniwalang tanong ni Luis dahil kailanman ah wala pa talagang nakakatalo sa akin.
"Wahahaha-
PPAAAAKK
"Aarryyy boss! Bakit mo ako binatokan?", reklamo pa nito.
"Ang ingay mo! Tigilan niyo na iyan pasok na tayo hindi niyo ba narinig ang school bell kanina?", masungit na sabi ko sa kanila
"Ha?! Boss naman! Talaga namang hindi tayo pumapasok ah", nagtataka ding sabi ni Francis.
"Tch. Ang daming satsat kung ayaw niyo di wag", pasuplado kung sagot saka kinuha na ang bag saka umalis na.
Pero hindi nagtagal naramdaman kung nasa likod ko na sila. Napangisi nalang ako.
~
Jana's POV
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Novela JuvenilShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...