Kabanata 10

25.7K 612 30
                                    

Jane's POV

"Goodmorning sis!"

Napangiti ako ng marinig ko ang masayang bati sa akin ni Kristine. Nakasuot ito ng jeans at blouse. Habang ako naman ay isang mahabang palda at blouse din. Isang linggo kasing civilian muna at sa susunod na linggo pa kami mag-uuniform. Buti nalang inasikaso na ng dati kong eskwelahan ang enrolment ko kaya papasok nalang ako.

"Oh sis..Bakit ganyan ang suot mo?", dismayadong tanong nito habang pinasadahan ang ayos ko. Bahagya panga itong napangiwi.

"Okay naman ang ayos ko sis. Komportable nga ako eh", nakangiting sabi ko sabay lakad papunta sa kusina at umabot ng tinapay. Kinuha ko ang palaman. Pagkatapos kung lagyan ng palaman ang tinapay ay inilagay ko na iyon sa sisidlan. Kailangan kung magtipid kaya magbabaon nalang ako ng meryenda ko. Babalik nalang siguro ako dito para makakain ng lunch sa karinderya ni Aling Igin. Baka sakaling makatipid pa ako.

"Seriously sis? Para saan naman iyan?", tanong ni Kristine.

"Baon ko ito sis. Alam mo na kailangan kong magtipid"; nakangiting sabi ko rito.

"Ganoon ba? Alam mo akala ko ako na ang pinakamahirap na nag-aaral sa Esteban...hindi pala..Hehe. Halika na nga sis. Pasok na tayo", excited na sabi nito sabay sukbit sa bag nito.

Kung titingnang maigi si Kristine ay parang may kaya kung pumurma ito. Hindi halatang mahirap lang  pala ito gaya ko.

Saan kaya siya nagpunta kahapon..?

"Sige sis.Tara na!", sabi ko sabay lagay ng baon sa bag ko at sinukbit narin ito.

Paglabas namin sa bahay ay napansin naming abalang abala si Aling Igin sa maliit na karinderya nito.

"Goodmorning Aling Igin! Alis na po kami", nakangiting bati ko sa kanya.

"Goodmorning din Aling Igin!", bati rin ni Kristine.

"Goodmorning din sa inyong dalawa! Oh dito na kayo kakain mamaya ha?", nakangiting sigaw nito

"Opo! Maraming salamat po!", sagot ko rito at saka kumaway na.

Habang naglalakad kami ay patuloy naman ang mga kotseng dumadaan.

"Sis look oh! Di ba ang swerte nila? Papasok lang eh nakakotse pa sila. Someday! Magkakaroon din ako ng sasakyan katulad nila kaya naman mag-aaral akong mabuti.", puno ng pangarap na wika ni Kristine.

Iilan lang kaming naglalakad na papasok. Siguro ay sila ang mga kagaya naming scholar.

Kilala kasi ang paaralang ito bilang paaralan para sa mga mayayaman at mga kilala sa lipunan.

Nang makapasok kami sa gate ay bahagya pa akong nalula sa laki ng paaralan. Wow! Ang ganda! Mayroong naglalakihang building dito. Punong puno ng sasakyan ang parking area. Napuno ng ingay ng mga estudyante sa paligid.

Namamangha  lang akong nakatingin sa paligid. Naglakad kaming dalawa ni Kristine papasok habang ginagala ko ang paningin sa paligid.

"Ah eh sis..M-mag C CR lang ako ha?", pagkuway sabi ni Kristine saka nagmadaling umalis na.

"T-teka lang sis......"

Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil mabilis na itong nawala sa paningin ko.

"H-hindi ko alam ang pasikot sikot sis. Saan na ako pupunta nito?", mahinang bulong ko.

"Oh my gosh! Look at that girl! Hahaha!"

"Tingnan niyo ang itsura niya! Amoy pulubi! Hahaha!"

Napansin kong natahimik ang paligid at lahat sila ay nakatingin na sa akin.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon