Kabanata 24

22.3K 616 26
                                    

Jana's POV

Nakakaaliw pala ang manood ng ganitong competisyon. Ang gaganda nilang lahat. Mukha talagang pinaghandaan. Kaya naman sinigurado kung magagandang anggulo ng bawat larawang kinukuha ko.

"Wow! What a very unique talent! And now ladies and gentlemen, our last candidate..the last but not the least....."

Hmmmm. Last candidate na pala. Buti naman at matatapos na.

"JANA RAMOS?!!!"

Nabingi ata ako...

Ano r-raw? A-ako? B-bakit ako?

Halos mabingi ako sa katahimikan ng buong gym at lahat na ngayon ay nakatingin sa akin.

"What the hell?!", galit na galit na sigaw ni Hans at nagsimula ng magwala pero nakita kong pinapakalma siya nina Luis.

Nang siguro ay pumasok sa utak ng mga tao na ako ang tinawag ay naghagalpakan na sila sa katatawa.

"Hahahahahahahhha!!"

Pulang pula na ako sa pagkapahiya. Nakita ko sa gilid na nagtatawanan sina Diana, Lucy at Briget.

So, all along ay plano talaga nilang ipahiya ako. Gustong gusto ko ng pakawalan ang luha ko pero kinagat ko ng mariin ang labi ko para huwag itong mahulog ng tuluyan.

"Don't force yourself to do this sis", nag-aalalang sabi sa akin ni Marie. Hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala sila ni Kristine sa akin.

"I-i'll do it....", mahinang sabi saka bumuntong hininga ng malakas saka naglakad na papuntang entablado.

"Woahh!!"

"Talo na yan!!"

Hindi naman ako natinag sa kanilang sigawan. Mas lalo tuloy nagwala si Hans at mukhang susugurin na ang taong sumigaw non.

Alam kong lahat ng kanilang atensyon ay nasa akin.

Nang mapadaan ako sa sound system ay bahagya akong tumigil.

" Mayroon po ba kayong minus one ng skyscrapers?", tanong ko rito.

"Oo meron"

"Iyon po ang kakantahin ko"

"Okay"

Nakayuko parin ako ng sa wakas ay nasa harapan na ako ng entablado.

Hindi parin sila tumitigil sa tawanan at hiyawan kahit pumailanlang na ang musikang kakantahin ko.

Skies are crying, I am watching

Catching teardrops in my hands

Only silence as it's ending

Like we never had a chance

Do you have to make me feel like

There's nothing left of me...

Nang magsimula na akong kumanta ay nakabibinging katahimikan ang nangyari sa gym.

Maging ang nagwawalang si Hans ay biglang napatigil at napanganga.

Nang nasa chorus na ako buong tapang kong tinaas ang ulo ko saka nagpatuloy.

You can take everything I have

You can break everything I am

Like I'm made of glass

Like I'm made of paper

Go on and try to tear me down

I will he rising from the ground

Like a skyscrapers

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon